Tuesday, February 22, 2011

Ang Bakasyon


Maaga ang mahal na araw para sa taon ngayon. Napaaga ang bakasyon para sa aming mag-aaral kaya wala akong ligtas sa aking magulang at mapipilitan akong sumama para magbakasyon sa aming probinsiya. Hindi ako makapag-reklamo at hindi ako makapalag kaya nag-empake na lamang ako ng aking mga damit at naghanda sa ilang oras ng paglalakbay.

Habang lulan ng pampublikong bus papuntang hilaga, di ko maiwasan na mag-emote at tumingin sa bintana at pagmasdan ang iba't ibang tanawin. Maraming tumatakbo sa isipan ko kasabay ng mabibilis na pagdaan ng sari-saring tanawin, poster, road signs at hayup sa kakalsadahan. Isa sa mga bagay na aking napagbalingan ng oras ay ang pag-munimuni sa aking kabataan o childhood days. Ang mga kababata ko at kalaro sa may mga puno ng mangga. Ang mga paslit na kasama kong maghabulan hanggang gabi sa may bukid. Ang mga tinawag kong mga kaibigan. Pero bakit malaabo ang kanilang mga mukha sa aking isipan.

Huminto saglit ang bus para makapag-pahinga ang drayber at para makapag-unat-unat ang mga pasahero. Ito din ang oras para kumain ng kung anong binebenta katulad ng chicharong hangin, mani, pugo, cornick, putoseko at kung ano pa. Maari ding bumaba ang mga tao para gumamit ng palikuran at magpa-refresh. 

Di ako naiihi, di naman ako gutom, di pa naman manhid ang paa ko kaya di na ako nag-aksaya ng panahon para bumaba. nakuntento na lamang ako sa aking kinauupuan at walang tigil sa pagmamasid sa mga taong di magkanda-ugaga sa kung anong gagawin. Habang ang mata at ulo ay kung saan-saan napapadpad, di ko sinasadyang mapagtuunan ng pansin ang dalawang tao na nakaupo sa may isang bangko na tila nag-uusap at may kung anong drama ang nagaganap.

Since nasa loob ako ng aircon na bus, nakasara ang bintana kaya di ko maiintindihan ang mga katagang lumalabas sa bibig ng dalawang tila nagkakatampuhan. Di naman ako bihasa sa lip reading kaya di ko din matiyak ang rason ng kanilang di pagkakaunawaan. tinamad ako sa drama kaya sinara ko na lang ang kurtina at itinutok ang aircon sa akin. 

Maya-maya ay umakyat na ang aking magulang at silang dalawa ay nagkukuwentuhan. Sa lakas ng boses ng aking inay ay tila ang buong bus na mismo ang nakaalam ng topic ng itay. 

'Grabe, anlalaki na ng anak nila Mareng Nita at Pareng Oka! Binatang-binata na at di na mukang uhuging bata!'.

Nagsalita ang itay para sumang-ayon at magkwento din.  

"E yun namang apo ni Manang Tasing, yung anak ni Kardo, aba'y maganda na at dalaga na. Di na ito patpatin na akala mo ay tatangayin ng hangin."

Bumanat pa ang aking inay. 

"Oo nga e, di ko inakalang sa Maynila din nag-aaral yung dalawa at pareho ng tinutuluyan. Naku, dapat mag-ingat sila at baka pagsimulan ng chismis iyon. Mahirap na, baka madagdag bawas at kung anong imbentong kwento mangyari sa barrio.". 

Biglang tumalikod si itay at kinalabit ako. 

"Di ka kasi bumaba at nagpalamig-lamig ka lang dyan. Di mo tuloy nakita mga kalaro at kaibigan mo. Pero wag kang mag-alala anak, makikita mo din naman sila pagdating natin maya-maya."

Sa mga binitawang kwentuhan ng aking ama't-ina, naging curious ako. Sino sa mga nakita ng mata ko ang sinasabi nilang kababata ko? Anim na taon din akong di naka-uwi ng probinsya ng aking ama kaya di ko na halos matandaan ang itsura nila. Tanging mga gawain lang namin noon ang tumatak sa aking memorya. Ang habulan, ang paglalaro at isang bulaklak? Habang parang na-groggy sa kaka-alala ng nakalipas, bigla kong naalala yung dalawang tao sa stop-over. Hindi naman siguro yung dalawang iyon ang tinutukoy nila inay. Malabo naman siguro yun. Kung sa percentage, slim chance na sila yun.

Makalipas ang ilang oras, nakadating na din kami sa bayan. Konting oras na lamang ay papadilim na kaya naghanap na kami ng tricycle na masasakyan para dalhin kami sa barrio at makapagpahinga. Inilagay na namin ang bagahe sa likod at bubong ng tryke at ako ang umangkas sa likod, sa tabi ng manong drayber. Habang papaandar na ang sinasakyan namin. Huminto ang isa pang bus at bumaba ang dalawang pamilyar na tao. Yung dalawang taong nagtatalo kanina! Biglang di ako mapakali. Habang papalayo ang sinasakyan, di ko maalis ang mata sa dalawang taong yun.

Itutuloy..........


>(@@,)<
Note: Wala akong magawa habang nagpapagaling kaya heto ako at sa fiction bumabanat. :D

31 comments:

  1. ay bitin hahah! ^^ sarap umuwi sa probinsya!!! whoooo bakasyon naaaaaaaaa!

    napadaan lang mula sa u-blog! ^^

    ReplyDelete
  2. masarap talagang tumira dito sa probinsiya.malayo sa gulo at pulosyon.fresh air tlga

    ReplyDelete
  3. ayon... pumi-fiction. ayos!

    may sakit ka? pagaling ka... :)

    ReplyDelete
  4. pambihira fiction lang pala whahaha... btw pagaling ka ha :D

    ReplyDelete
  5. suspense. me ganung factor. ako rin tuloy ang di mapakali. hahhaha. tagal mong di nakabalik sa probinysa ng father mo ha. 6 yeras. I think you shopuld travel more. ia ang pakiramda,m....at marami ka ring matututtunan. that's for sure.

    ReplyDelete
  6. ayos din ang nagkakasakit. nagiging creative. :)

    pagaling ka. at tapusin mo na ang kwento.

    ReplyDelete
  7. @sir Bon, bitin kasi 3 part yang wento. Salamat sir sa dalaw.

    @ms. Zyra, salamat sa dalaw

    @Gasul, uu, wala na magawa e

    ReplyDelete
  8. @emmanuel, masarap sa probinsya kaso sana may mga net shop na mabilis sa probinsya namin. medyo di pa asensado ang place nmin.

    @empi, uu, 6th day na ang sakit ko

    @Axl, nareceive mo pic greet?

    ReplyDelete
  9. kala ko naman preview na to ng lakad nyo sa penagbenga! sabi kasi ni jeff lahat daw kayo eh.

    btw, i updated your link na.

    ReplyDelete
  10. @pusang kalye, fiction yun sir. ang totoo, 14 years na akong di umuuwi sa probinsya ng dad ko.

    @gillboard, wakokokok, uu, lumalabas ng onti creative juices due to boredom

    ReplyDelete
  11. @chyng, ehehehe. Sa friday pa alis namin. Sana magaling na ako by that time. :D salamat sa update. :D

    ReplyDelete
  12. Naman... nakikiFiction si Khanto.. Get well pare!

    ReplyDelete
  13. nabitin ako LOL... may wifi ba sa bus???? Haha!

    ReplyDelete
  14. sila kaya yun? sila nga hehehe.. sana.. aba ano ang magiging susunod na kabanata.. .

    ang sarap sa probinsya, ang layo sa ingay ng lungsod no?

    magandang araw sir.. :)

    ReplyDelete
  15. @MD, uu, para naman may variey, kailangan may fiction din paminsan minsan

    @kumagcow, walang wifi sa bus. wakekeke. aircon lang at tv :D

    @istambay, tama, iwas sa noise polusyon sa probinsya

    ReplyDelete
  16. pagaling ka idol… mamaya basahin ko ng buo…

    ReplyDelete
  17. yes naman. ibang level :DDD akala ko nung una trutulayp na.

    usong-uso sakit ngayon. get well soon. yung adviser ng advisory class ko ngayon, dalawang araw na ring absent wahahahahha

    ReplyDelete
  18. @the psalmist, salamat sir.

    @Mots, ako nasa 4th day na sick leave. anim na SL dapat buti nalang restday yung 2.

    ReplyDelete
  19. gelo kala ko rin preview na to ng panagbenga.. haha kala ko nauna ka na!. :P

    ReplyDelete
  20. @JeffZ, wahehehe, advance party story? wahehehe

    ReplyDelete
  21. hahaha...kailan ka magkakasakit ulit? ayyy este kailan ka gagawa ng part 2 nito? haha

    ReplyDelete
  22. wow, nabitin naman ako, must make sure to come back para sa susunod na kabanata =)

    ReplyDelete
  23. @akoni, dapat today may auto post na yung part 2, mukang mali nigawa ko.

    @kalokang pinay, salamat po sa inyong dalaw :D

    ReplyDelete
  24. susme akala ko pa naman eh nagbakasyon ka talaga ser! bitin much..hehe

    ReplyDelete
  25. @tabian, pinublish ko na yung part 2. :D

    ReplyDelete
  26. nabitin pa ako hehehe.. where's the part 2?

    ReplyDelete
  27. dapat hindi mo muna sinabi na fiction. para mas exciting. hahaha. :D

    kala ko tunay na istroya, akala ko din walang facebook ang mga kababata mo. hehe.

    ReplyDelete
  28. @goyo, wala ngang fb yung ibang kababata ko sa probinsya

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???