Saturday, January 12, 2013

Noon at Ngayon

Sa pesbook, may fanpage ako na ni-like kasi puno ng mga anik-anik from 90's. At for today, share ko lang ang ilan sa noon at ngayon something-something post. :D





Gusto mo din ba silang i-follow sa pesbuk, o heto ang link.... pindot ditows!

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care! Happy Weekend!

Friday, January 11, 2013

yung eksenang gusto mong magbyahe pero di mo alam kung pano mo sisimulan


Nagreset na ang vacation slots dito sa opisina. Balik na ang 15 days vacay days para gamitin. At dahil dyan... gusto kong makapamasyal sa ibang lugar. Kaso.... di ko alam pano sisimulan at pano gagawin.

Anhirap kasi makatsamba ng seat sale sa net na mura talaga ang plane tickets! Yung moment na pagsumilip ka sa website ng airphil or cebu pacific, sold out na ang kanilang binabanderang promo flight. Ang natira na lang ay yung regular price tickets or sale nga pero uber tagal ng byahe due to stop-overs thingy.

Isa pa sa medyo alinlangan ko ay kung sakali mang makakuha naman ako ng tix, shokot ako magbyahe mag-isa. Bwahahaha. parang bata lang. Ewan ko. May fear ako siguro na magtravel alone.

Sana ang pinas ay hindi hiwa-hiwalay para pwedeng by bus lang ang ride. or sana mauso ang teleportation para sa pagbyahe para sa isang iglap lang andun ka na sa destination mo na hindi mauubos sa travel time.

Kung sakali.... for 2013.... gusto kong mapuntahan ang....

>Ilocos> Yung eksenang 2x na akong di nakapunta sa lugar na ito. Twice na hindi umayon ang tadhana para mabisita ang place na to. Gusto kong makita yung windmills, gusto kong magkita yung mga tourist spots dito sa lugar na to.

>Boracay- juskopong pineapple, kinabog na ako ng parents ko dahil sila, nakapag-boracay na. ako, nganga. Kailangan na tong mapuntahan bago tuluyang mawala ang ganda ng lugar sa over-population ng mga turista.

>Cebu- ang famous place kung saan merong mga beaches na mukang masarap magtampisaw. Isama na din ang lugar kung saan merong sky adventure thingy pati na din ang mga historical place like Magellan's cross ganyan.

>Davao- Para naman masabi ko na may napuntahan akong lugar sa may Mindanao region. Davao ang place kung saan mura daw ang mga foodies and food trippings. So isa ito sa lugar na kapanapanabiks mapuntahan at matuklasan.

Apat lang ang target ko. Natural, kelangan medyo realistic kasi 15 days VL lang ang pede. so kelangan pagmagbabakasyon, damay ang restday para makatipids.hopefully matupad ang plans at hindi mauwi sa plans lang.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Thursday, January 10, 2013

Life of Pi

I'm all alone and i don't wanna get lonely. Medyo boring din ang solo sa bahay, nganga, hinga-hinga tas nganga ulit. So Kanina, nagmalling ako para kumain ng dinner saka para makakuha ng last day ng double stickers ng Starbucks. Tas napagdecidan ko na manood ng sine. 

Tapos na ang MMFF rule kaya pede na magpalabas ang mga sinehan ng peliks na hindi gawang noypi. and so may slots na for foreign film. Medyo di ko feel yung action peliks kaya ang napagdesisyunan ko ay yung peliks na based sa film na lagi kong nakikita sa bestseller bookstore ng Robinsons Galleria. Ang pelikula ay walang iba kundi ang 'Life of Pi'


Istaps! Wetaminit! Chotto Matte Kudesai! Bago ko simulan ang review, syempre, may warning! Oo, may babala! Sa mga trips panoorin ang pelikulang ito at yung mga medyo maselan sa spoilers thingy, stop reading na. Alam nio naman here, minsan, nawewento ko ang lahat-lahat. So Spoiler ahead. Close the window na lungs or skip reads na pow.






















Uy..... Desididong makibasa ng review? Oks, sige, simulan na natin!

Ganito kasi yun. May isang indian manong na iniinterview ng isang tila nobelista asking for a story na pwedeng i-blog,  i-publish sa libro. So si balbasaradong writer ay nagtanong kung ano ang wento ni manong indian.

And so may-i-narrate naman si koya mula sa kanyang buhay as a kiddo. Kung paano niya nakuha ang namesung na 'Pi'(oo, yung pi na mathematical chenerlin na wagas ang haba sa numero). Tapos shinare niya kung paano naakit sya sa different religion thingy like believing sa hinduism with 30+ gods, Faith in Jesus/Christians and connection with Muslim/Allah. Opo, si boylet ay nanalig sa iba-ibang relihiyon. Then winento din niya na may zoo business ang pudrakels nia.

Tapos noong nagbinate nagbinata, at medyo humiraps ang buhays, nagpasya ang kanyang father-dear na makipagsapalaran sa canada at ibenta ang mga kahayupan ng zoo para makaraos. So Byahe sila lulan ng super ferry barko kasama ang hayop patungong Canada.

Unfortunately, somewhere out there, paglagpas ng Manila (opo, binanggit sa script at lines ng characters na dumaan sila ng Manila), doon nagkaroons ng bagyo something. Nagising si Pi at nag-enjoy pa noong una sa kaganapan. Pero naging tragedy kasi pinasoks ng water ang boat. So the boat is sinking... hindi sila nagkaroon ng group yourself into something shitness. Basta pinasok na ng H20 ang sinasakyan nila at kailangan ng lumikas lulan ng small boat.

Amportunately...... Si Pi (hindi kamag-anak ni Cherry) ang naging survivor kasama ng isang Vice Ganda na naka stripes which is a zebra, isang hyena, Oranggutan at isang Benggal Tiger (hindi Bengay).

Isa nanamang amportunate event kasi nagkaroong ng food chain chenerlins. Kinain ng Hyena yung napilayang Zebra tapos sumunod na napatay yung Oranggutan. Then the tiger killed the hyena.

And so, isinaads na ang adventure ni Pi on how he survived from days... almost months sigurs sa tubig with the tiger.


At dyan nagtatapos pinahabang synopsis. :p

Iskor moreno? Bibigyan ko sya ng 9.2! Hontoos! Grabs, okay sya at above the common bar sya para sa akin. 

For me, sa umpisa pa lungs na may mga hayup-hayup, naaliw na ako. Hehehe. Oo, ganun ako kababaw kasi makakita pa langs ng amazing animal scenes/images, aliw na ako.

Tapos, nakakamanghamazing yung eksena sa swimming pool na anlinaws ng water-water na akala mo lumalangoy ka sa sky. Perfect scene!

And then nakakadala din yung moment na pinatay na ng hyena yung zebra then yung guranggutan tapos kinain ni tiger si hyena. whoah.

Tas nakakabreath-taking din yung mga moments sa karagatan, on how Pi survived pati yung ibang mga moments.

At to top it all, halos tumulo na sa right eye ko ang luha noong moments na nagnanarate si Pi dun sa writer on how he regret na hindi nya nasabing mahal nia yung father nia.Yung moment parang huli na ang lahat kasi wala na ang family nia. Grabs lungs! Muntikan na me maiyak sa sinehans. Ang pagpatak ng luha ko, konting-konti na lungs,

Nakakasad lang ng konti yung sa bandang dulo, kasi may another version yung story. di ko na sasabihin, manoods na lungs keyo. wahihihi.

Siguro kelangan kong mabasa ang book na to kasi baka MAS maganda ang flow sa book at baka mas maantig ako lalo.

one take away quote: “It is true that those we meet can change us, sometimes so profoundly that we are not the same afterwards, even unto our names.”

O cia, hanggang dito na lungs muna. Masyarow ng mahaba ang post na i-know e malamang sa alamang ay ma-iskip reads lang. hehehehe.

Take Care folks!

Wednesday, January 9, 2013

Happy Bundle


Nakita ko yung isang opismate ko na nagpost ng bear pic sa facebook at nacurious ako. Ayun. Inusisa ko at inalam at napagalaman na free pala yung bears kapag nagpadeliver ka ng mcdo. Ako ay sobrang naiinggit kasiang cutie ng mga bears! Gusto kong magpadeliver kaso mag-isa lang ako sa condo ngayon dahil restday at bumukod na ng ibang place yung mom and dad ko(wierd right? sila pa yung bumukod).




Sana sa pagbalik ko ng friday, meron pa nito kasi papadeliver talaga ako. :p

Ngapala.... i'm on restday at nakabili ako sa quips ng mga asian films. Sayungs at wala pang piniratang MMFF 2012 kaya tiis muna sa mgapinagbibibili ko. Sayang din, di ako nakabili ng porn. chos.

O cia, nag-update-updatan lang naman me para di mapabayaan ang blog na to. Sayang naman, konti na nga lang ang dumadalaw e. hehehe.

Take Care!

Sunday, January 6, 2013

Swimming at Kape

Hey! Happy Sunday po sa inyo! Kamustasa? Oks naman ba ang inyong weekend? For me? It's okay. A little good, a little bad but i'm hanging on. hehehe. For today, may i wento lang ng mga kaganapan for the last few days.

Bago magbagong taon, tambay me ng slight sa FB at nagkaroon ng commotion kasi may old pics from 2 years ago na nabuhay. Then comment-comment ganyan until magkayayayaan na gawin ulit ang swimming. And thus napagplanuhan na magkaroon ng biglaang swimming. Nagkaalaman ng dates kung kelan available ang mga tao at napagkasunduan na iset ito ng Jan. 3- thursday.

Dahil yung iba ay galing work, napagkasunduan na doon sa dating pinagswiminngan 2 years ago na lang ulit kami. So the dumating ang day ng biglaang lakad.


Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Club Serene Resort sa may Taytay area. Dahil January, weekdays at holiday fever pa, konti lungs ang mga guest kaya naman okay at halos solo ang resort. No pictures ng place kasi una, tinamad me kumuha ng pics at pangalawa ang pics na nasa collage ay kuha sa camera ng friend).


Masaya yung part na nagkaroon kami ng time na mag-get-together specially dalawa sa nasa larawan sa itaas ay nangibang kumpanya na tapos yung isa, nasa ibang department na. Yung moment na nakakamiss yung tulad ng dati moments ganyan... yung time na nagcatching up with others.


Wala munang diet for me kasi napakain me ng pizza at rice ng magkasunods saka merong konting nomnoman session. Di nga lungs pede masobrahan kasi may shift ako kinaumagahan ng 2am. Pero eventually nag-halfday ako kasi 5pm na kami nagstart... so bitin ang swimming and bonding.

 "Hang work hours ko, di basta mauubs..
pero ang mga friendships ko, konting-konts na lungs"
-khantong giniginaw sa pool

Well, minsan kailangan ko din naman bigyan ng time ang social life ko kaya ko nagawang mag-halfday. Mahirap naman kasi magkaroon ng time ang other folks to have meet-ups and bonding diba? Saka minsan lang naman ako mag-halfday. As in minsan lungs.

Then, kagabi, another mini gathering naman for cup of coffee. Yung mga old teammates ko. Dalawa sa kanila resigned na din. This time, syempre kape nga, so tambay lungs at chillaxing and catching up sa Starbucks. Since di sila nangongoleks ng istiker, naarbor ko ang kanilang sb sticker. 6 na kape na lungs, may planner na me.lols

Old Team India's kapehan session

 For this group, ang common denominator namin ay minsan may trips kaming gumala. Sila kasi yung mga nakasama ko sa Haler-baler, Pahiyas at Panagbengga and other activities like banchetohan or laser tagging. (hindi ako nakajoin sa Ilocos adventure :( so dapat next gala, makasama na me) So while petiks at nag-uubos ng oras sa SB, nagplaplano kami ng next gala.Possibly next month, February... baka magkaroon ng Sagada adventure. :p

Yung dalawang quality time with friends ay totally worth it. Kasi kailangan ko din ng break from just sitting sa cube at sumagot ng mga anik-anik ng mga kanuto at aussies na may problema sa pc nila. hehehehe.

Hindi ko sya ginawang too random post para maiba naman ang writing style ng post :p

O cia, masyado na atang mahaba ang post na to. Hanggang dito na lungs muna. Take care folks.

Saturday, January 5, 2013

The Odd Life of Timothy Green

Kamusta? It's saburday na folks! It's restday for most of you. Enjoy the day ng pahinga, party to the max, chillax, hang-out with friends and have a blast with family!

Well, day 2 pa lang ng aking work week at oks naman. For today, share ko lang yung peliks na napanood ko after manood ng the Mistress. Ito ay ang american peliks with the namesung ' The Odd Life of Timothy Green'.


Ganito po kasi iyuns. May mag-asawa na nakatanggap ng sad news. Di na sila pedeng mag-sex Di na sila pedeng magkaanak kahit na ano pang sex position ang gawin nila. So medyo depress sila kasi syemps, sa mag-asawa, ang makakembot magkaroon ng kiddos ang magkukumpleto ng kasiyahan.

So the day na nalaman nila yung news, lungkot at bighati ang nadama. ahuhuhu. So before matulog, medyo praningning lang at nag-usap ang mag-asawa kung sakaling magkakaroon sila ng baby, ano ang mga katangian na meron ang kanilang chikiting. So they make sulat sa piece of paper tapos they make baon to the garden.

Then, nagkaroon ng rain at may kulog-kulugan. And poof! Nag-sprout mula sa lupa ang isang bata na may name na Timothy. Siya ang naging kiddo ng mag-asawang Green therefore ang complete name ni bagets ay Timothy Green.

At ipinakita na sa peliks kung paano babaguhin ng bata ang buhay nilang mag-asawa pati na din ang mga buhay-buhay ng ilan sa mga taong kakilala ng husband and wife. Pati na din ang mga folks na nakasalamuha ni Timothy.

But.... unfortunately... may taning ang stay ni Timothy. Kapag nalagas ang dahon sa kanyang paa (na hindi ko namention kanina pasensya), ibig sabihin, tapos na ang buhay niya.

Di ko na eeexpound much. Tama na yan. sapat na. Bawal po tumawad. :p

For the story and peliks, may score syang 8.8 for me. above okay! Nakakatouch din sya ng slight lalo na during the ending. Worth the time watching naman.

O cia, hanggang dito na lang po muna. Take Care and have a good weekend folks!

Thursday, January 3, 2013

Naputukan at Nagpaputok

Oo, tapos na ang bagong taon... kaya heto na ang nagbabagang balita sa nagdaang bagong taon. Inihahandog ang mga larawan ng mga naputukan.


At nagsiyasap na po ang mga kinauukulan at nahanap na nila ang mga suspect sa pagpaputok! 


Bwahahaha. O cia, ingats!

note: images ay nakuha sa facebook lamangs.