Thursday, January 10, 2013

Life of Pi

I'm all alone and i don't wanna get lonely. Medyo boring din ang solo sa bahay, nganga, hinga-hinga tas nganga ulit. So Kanina, nagmalling ako para kumain ng dinner saka para makakuha ng last day ng double stickers ng Starbucks. Tas napagdecidan ko na manood ng sine. 

Tapos na ang MMFF rule kaya pede na magpalabas ang mga sinehan ng peliks na hindi gawang noypi. and so may slots na for foreign film. Medyo di ko feel yung action peliks kaya ang napagdesisyunan ko ay yung peliks na based sa film na lagi kong nakikita sa bestseller bookstore ng Robinsons Galleria. Ang pelikula ay walang iba kundi ang 'Life of Pi'


Istaps! Wetaminit! Chotto Matte Kudesai! Bago ko simulan ang review, syempre, may warning! Oo, may babala! Sa mga trips panoorin ang pelikulang ito at yung mga medyo maselan sa spoilers thingy, stop reading na. Alam nio naman here, minsan, nawewento ko ang lahat-lahat. So Spoiler ahead. Close the window na lungs or skip reads na pow.






















Uy..... Desididong makibasa ng review? Oks, sige, simulan na natin!

Ganito kasi yun. May isang indian manong na iniinterview ng isang tila nobelista asking for a story na pwedeng i-blog,  i-publish sa libro. So si balbasaradong writer ay nagtanong kung ano ang wento ni manong indian.

And so may-i-narrate naman si koya mula sa kanyang buhay as a kiddo. Kung paano niya nakuha ang namesung na 'Pi'(oo, yung pi na mathematical chenerlin na wagas ang haba sa numero). Tapos shinare niya kung paano naakit sya sa different religion thingy like believing sa hinduism with 30+ gods, Faith in Jesus/Christians and connection with Muslim/Allah. Opo, si boylet ay nanalig sa iba-ibang relihiyon. Then winento din niya na may zoo business ang pudrakels nia.

Tapos noong nagbinate nagbinata, at medyo humiraps ang buhays, nagpasya ang kanyang father-dear na makipagsapalaran sa canada at ibenta ang mga kahayupan ng zoo para makaraos. So Byahe sila lulan ng super ferry barko kasama ang hayop patungong Canada.

Unfortunately, somewhere out there, paglagpas ng Manila (opo, binanggit sa script at lines ng characters na dumaan sila ng Manila), doon nagkaroons ng bagyo something. Nagising si Pi at nag-enjoy pa noong una sa kaganapan. Pero naging tragedy kasi pinasoks ng water ang boat. So the boat is sinking... hindi sila nagkaroon ng group yourself into something shitness. Basta pinasok na ng H20 ang sinasakyan nila at kailangan ng lumikas lulan ng small boat.

Amportunately...... Si Pi (hindi kamag-anak ni Cherry) ang naging survivor kasama ng isang Vice Ganda na naka stripes which is a zebra, isang hyena, Oranggutan at isang Benggal Tiger (hindi Bengay).

Isa nanamang amportunate event kasi nagkaroong ng food chain chenerlins. Kinain ng Hyena yung napilayang Zebra tapos sumunod na napatay yung Oranggutan. Then the tiger killed the hyena.

And so, isinaads na ang adventure ni Pi on how he survived from days... almost months sigurs sa tubig with the tiger.


At dyan nagtatapos pinahabang synopsis. :p

Iskor moreno? Bibigyan ko sya ng 9.2! Hontoos! Grabs, okay sya at above the common bar sya para sa akin. 

For me, sa umpisa pa lungs na may mga hayup-hayup, naaliw na ako. Hehehe. Oo, ganun ako kababaw kasi makakita pa langs ng amazing animal scenes/images, aliw na ako.

Tapos, nakakamanghamazing yung eksena sa swimming pool na anlinaws ng water-water na akala mo lumalangoy ka sa sky. Perfect scene!

And then nakakadala din yung moment na pinatay na ng hyena yung zebra then yung guranggutan tapos kinain ni tiger si hyena. whoah.

Tas nakakabreath-taking din yung mga moments sa karagatan, on how Pi survived pati yung ibang mga moments.

At to top it all, halos tumulo na sa right eye ko ang luha noong moments na nagnanarate si Pi dun sa writer on how he regret na hindi nya nasabing mahal nia yung father nia.Yung moment parang huli na ang lahat kasi wala na ang family nia. Grabs lungs! Muntikan na me maiyak sa sinehans. Ang pagpatak ng luha ko, konting-konti na lungs,

Nakakasad lang ng konti yung sa bandang dulo, kasi may another version yung story. di ko na sasabihin, manoods na lungs keyo. wahihihi.

Siguro kelangan kong mabasa ang book na to kasi baka MAS maganda ang flow sa book at baka mas maantig ako lalo.

one take away quote: “It is true that those we meet can change us, sometimes so profoundly that we are not the same afterwards, even unto our names.”

O cia, hanggang dito na lungs muna. Masyarow ng mahaba ang post na i-know e malamang sa alamang ay ma-iskip reads lang. hehehehe.

Take Care folks!

28 comments:

  1. panoorin ko sa saturday.

    thanks pala sa comment. appreciate it.

    ReplyDelete
  2. Waah sir Khanto, based on your review looks like na super maganda yang Life of Pi. Puro movie trailers pa lungs ang napapanood ko.

    ReplyDelete
  3. iniskip ko ng konti ang pagbasa kasi bet ko to mapanuod..lagi kasi nakatopless si Pi. Chos! ganda naman ng quote, lakas maka talino haha :)

    ReplyDelete
  4. salamat sa review na ito....naka-sked talaga akong manuod nito dahil nabasa ko siya sa book...

    ReplyDelete
  5. hahaha papanoodin ko pa toh this week! mega spoiler ka nga! tseh

    ReplyDelete
  6. salamat sa review mong ito...manonood din ako nito :)

    ReplyDelete
  7. Maganda nga daw ang pelikulang ito ayon sa mga review ng mga critics like you he he ...

    ReplyDelete
  8. gusto ko talaga tong panuodin i swear. kahit medyo pinatubong ko sarili ko at binasa ko ang spoiler mo. hahaha. kahit magisa manunuod ako nito. hahaha.

    ReplyDelete
  9. Oh ako na nagbasa kahit may spoiler, very curious kasi ako sa movie na to at gusto ko din mabasa yung book. Positive ang reviews na nababasa ko about it, kasama na tong review mo so hindi ko na to papalampasin.

    ReplyDelete
  10. Andami kong nababasang magagandang feedback dito at ang taas nga ng iskor mo, sanay ako sa mga 8-point-something na iskor lang. A-must see movie itey!

    ReplyDelete
  11. may ticket pa ko ng sine... pasukin ko ito..

    salamat sir at gndang araw :)

    ReplyDelete
  12. di naman na pla masama ang Life of Pi... umasa pa man din ako this time na Sa tiger na sya makikipag chukchakan instead of the the American Pi lolz

    ReplyDelete
  13. wow taas naman ng rate huh!
    kasi nung nakita ko ung trailer parang hong boring haha

    ReplyDelete
  14. gusto kong panoorin mag-isa to haha...salamat sa spoiler churva haha

    ReplyDelete
  15. hanapin ko ang book i want to read it first bago ko ako mag download at manood

    ReplyDelete
  16. isa lang ang masasabi ko, "makapanood na nga."

    ReplyDelete
  17. Hindi ko to palalagpasin.and this time gsto q magisa ko manuod...la lang maiba lnag.iniwan n ksi q ni bf.kaya from now on ako nalng magisa.tnx sa review.dhil jan naantig ako.

    ReplyDelete
  18. Naririnig-rinig ko na to though wala ako ideya kung ano istorya. akala ko magaling sa math yung bida. base sa review mo, mukhang maganda. ida-download ko to balang araw..

    ReplyDelete
  19. kailangan mapanood ko ito ^_^

    and oh.. I love the quote hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???