Nagreset na ang vacation slots dito sa opisina. Balik na ang 15 days vacay days para gamitin. At dahil dyan... gusto kong makapamasyal sa ibang lugar. Kaso.... di ko alam pano sisimulan at pano gagawin.
Anhirap kasi makatsamba ng seat sale sa net na mura talaga ang plane tickets! Yung moment na pagsumilip ka sa website ng airphil or cebu pacific, sold out na ang kanilang binabanderang promo flight. Ang natira na lang ay yung regular price tickets or sale nga pero uber tagal ng byahe due to stop-overs thingy.
Isa pa sa medyo alinlangan ko ay kung sakali mang makakuha naman ako ng tix, shokot ako magbyahe mag-isa. Bwahahaha. parang bata lang. Ewan ko. May fear ako siguro na magtravel alone.
Sana ang pinas ay hindi hiwa-hiwalay para pwedeng by bus lang ang ride. or sana mauso ang teleportation para sa pagbyahe para sa isang iglap lang andun ka na sa destination mo na hindi mauubos sa travel time.
Kung sakali.... for 2013.... gusto kong mapuntahan ang....
>Ilocos> Yung eksenang 2x na akong di nakapunta sa lugar na ito. Twice na hindi umayon ang tadhana para mabisita ang place na to. Gusto kong makita yung windmills, gusto kong magkita yung mga tourist spots dito sa lugar na to.
>Boracay- juskopong pineapple, kinabog na ako ng parents ko dahil sila, nakapag-boracay na. ako, nganga. Kailangan na tong mapuntahan bago tuluyang mawala ang ganda ng lugar sa over-population ng mga turista.
>Cebu- ang famous place kung saan merong mga beaches na mukang masarap magtampisaw. Isama na din ang lugar kung saan merong sky adventure thingy pati na din ang mga historical place like Magellan's cross ganyan.
>Davao- Para naman masabi ko na may napuntahan akong lugar sa may Mindanao region. Davao ang place kung saan mura daw ang mga foodies and food trippings. So isa ito sa lugar na kapanapanabiks mapuntahan at matuklasan.
Apat lang ang target ko. Natural, kelangan medyo realistic kasi 15 days VL lang ang pede. so kelangan pagmagbabakasyon, damay ang restday para makatipids.hopefully matupad ang plans at hindi mauwi sa plans lang.
O cia, hanggang dito na lang muna. TC!
Go for Cebu na! kami ni nieco bahala sayo dito *wink-wink*..hehehe
ReplyDeletekeri mo yan kasi kung gusto may paraan..nomon!! ^_______^
sana makatsamba ako tix to cebu this year
Deleteapril sana sa Cebu!
ReplyDeletesana makakuha tix na mura
Deletesana matuloy ang trip mo.... alam ko maganda sa Cebu.... o sa Davao.... o sa pluto hehehe lol!
ReplyDeleteMinsan kailangan din nating mag rest at mamasyal...
hahah, masaya ata sa pluto!
Deletedapat 24 hours ata nakatutok sa airphil o cebupac ng di maubusan ng sale hehe, sana maka book ka at magorahan mo ang 4 mong bet puntahan. Unahin mo na ang Bora ng di ka na nalamangan ng parents mo Khants :)
ReplyDeletekaya nga, dapat super abangers at mabilis net
Deletego na sir.. boracay lang ang narating ko jan sa iyong nabanggit :)
ReplyDeletegusto ko ng cebu
trip ko din talaga ang cebu!
DeleteGusto ko din mabisita lahat yang nasa list mo sir khanto pero waley budget pa hahaha! masarap mag travel pag kasama ang buong family or mga dabarkads!
ReplyDeletepag may budget ka na, travel na!
DeleteAgree, ang hirap maghintay ng seatsale tapos when you try to buy tix, naghahang pa ang pc kasi ang dami nyong nagkakandarapang bumili.
ReplyDeleteOut of all the places you mentioned yung Boracay and Davao ang di ko pa narating. I've been to Cebu pero dun lang sa city kaya di ko naenjoy, parang Manila lang ang peg eh. Pero Ilocos, oh man that's the dream. Puntahan mo ang Pagudpud, sobrang ganda!
gusto ko magbyahe!
DeleteTaga Ilocos ang mga kamag-anak ng father ko, maganda sa Ilocos at napaka epic ng windmills.
ReplyDeleteaw. gusto ko mapadpad doon
Deletepag gusto may paraan kaya wag ka nang magdahilan... kaya go go goooo
ReplyDeleteGusto ko ring puntahan yang nabangit mo isama mo pa ang palawan kaya lang malayo ako sa atin :(
aw, sayangs
Deletekuya, samahan kita! basta sagutin mo lang pamasahe ko. LOLOLOL!:))) Sana mapuntahan mo lahat ng nasa list mo (or isa o dalawa man lang) para sulit ang pinagpaguran mo. TC! :D
ReplyDeletebwahahaha, lakbay na batangG.
Deletehaha aking ung eksena ko ee gusto ko mag travel pero walang pera hahaha
ReplyDeleteipon-ipon na mecoy!
Deleteall the bags must be packed at bakasyon grande ang kasagutan upang mawala ang stress sa work
ReplyDeletekorekted by!
DeleteSana matuloy na, dapat alerto kapag may promo yung tipong isang minuto palang napopost nakapagpabook na.
ReplyDeletekaya nga, kailangan talaga sakto!
DeleteWag na magplano masyado, baka hindi pa matuloy! Lol. Ilocos pa lang ang napuntahan ko dyan. Enjoy ser kung matuloy! :)
ReplyDeletekailangan siguro biglaans!
DeleteBalak din namin magkakaibigan pumunta ng Cebu by march or april. Pero dis feb, sa Tacloban kami, aattend ng kasal! Gudluck sa balak mong byahe! =)
ReplyDelete