Sunday, October 31, 2010

Trick or Tweet!!

Trick or treat!!! Yan ang kadalasang sinasabi ng mga batang paslit na naglilibot sa mga bahay-bahay upang makahingi ng kendi at mga tsokolate. Eto ay tradisyong banyaga pero na-adopt na sa ating bansa at ginagawa na natin ito tuwing halloween.

Last Friday, dito sa aming opisina ay ginanap ang family day. Unang stop ng mga madlang pipol ay sa Big Red barn na matatagpuan sa Tiendesitas at after nun ay dito na sa opis nagtakbuhan ang mga families with their chikitings na naka-costume at nag-trick or treat.Naglibot ang mga pips sa bawat floors na dinekorasyunan according sa theme na Trick or tweet o related sa social networkings. 

Dito sa aming floor, ang 11th floor; nag-ayos kami ng aming palapag na may iba't-ibang chapters. Original concept ay Alice in Wonderland pero may twist kasi napadpad siya sa mundo ng x-men, ng plants vs. zombies, ng restaurant city, ng voltesfive at ng wonderland.








Mukang enjoy ang mga bata dahil may mga natakot sa mga katrabaho namin na nagsuot ng costumes. Ang mga larawan na nasa ibaba ay hinarbat ko lamang sa mga facebook friends na nagpost ng pics, poorita mode ako at walang sariling camera e.

Ano naman ang aking ginawa during that time? Well, i'm a packer. Taga-pack ng mga kendi at chocolates na ipapamudmod sa mga chikiting patrol. Tumulong ako sa pag-gupit ng cellophane at ribbons pati nadin sa pagbalot ng mga ito. 




Kahit na pagod at haggard akong nakauwi, sulit naman ang araw dahil enjoy talaga! Best Halloween na nadaluhan ko. :D

Note: Ang mga larawan na ginamit ay kinops ko lang sa facebook friends. Majority ay sa aking ka-opisinang si mjleosala na mikikita nio ang watermark sa pictures :D 

Saturday, October 30, 2010

McKhanto

Dapat ay sasali ako sa contest ni Robbie the creativedork tungkol sa halloween contest niya subalit nakalimutan kong i-save ang email address nia. Recently, tila may problema sa kanyang blog kaya di ko mabisita at malaman kung saan ko isesend ung edited pic na entry ko. So as off now, since wala naman akong magawa at kailangan ko ng matulog, dito ko nalang ipopost sa blog ko yung aking entry.


Pasensiya na, wala na akong magawang matino. :p At ang camerang ginamit ko ay ang akking cellphone, di ko mahiram ang camera ng aking ate at walang battery ang na-ondoy kong gigicam. :p

Friday, October 29, 2010

Halloween Costumes!

Today ang halloween party/event dito sa opisina at medyo abala ang lahat sa pagdedecorate ng floor para sa said celebration. Ready na ang mga pips para sa mga costumes na kanilang susuotin at ang ibang kiddies ng mga folks ay on characters na rin.

For today, heto ang limang nagoogle ko na mga agaw eksenang costumes na pedeng suotin for costume party like halloween party.






Thursday, October 28, 2010

Ang Kahon


Sayang naman ang effort ko nag mag-edit ng design ng header ng blog ko kung hindi related sa halloween ang post ko for the week. Kaya heto na.

Madalas kapag nakakapanood ako dati ng halloween special ng magandang gabi bayan ay talagang nangangatog ang tuhod ko dahil sa mga kwentong katatakutan. Nakakatindig balahibo ang mga features tungkol sa mga nagpaparamdam at mga creatures sa gabi. Andyan ang mga pagpaparamdam ng mga yumao o kaya naman ang mga sanib at mga incubus at succubus. Syempre hindi mawawala ang mga re-enactments ng mga kwento at istorya. At since may images na ipinapakita, mas nakakikilabot talaga.

Kadalasan sa mga kwentong katatakutan ay tungkol sa bangkay. Siyempre, araw ng patay special. So kadalasang may pinapakitang kabaong sa tv kung saan bigla nalang itong lumilitaw o kaya ang bangkay sa loob ng ataul ay didilat at gagalaw. Pero naisip ko, kung ang ataul o ang kabaong sa mga horror specials ay katulad ng mga nasa larawan sa ibaba, magiging kahindik-hindik padin kaya?
















Note: Ang mga larawan ay ginoogle ko lang at kinops. Ang mas majority ng kabaongs ay gawa sa bansang Ghana kung saan gumagawa sila ng mga coffins na naaakma sa owner!


Wednesday, October 27, 2010

Change template

Nag-eexperimento muna sa mga templates. Pasensya na sa abala.

:D

Zillionaire



'I wanna be a Zillionaire so fricking bad; buy all of the things I never had'

Nung isang araw ko pa sana nais isulat ang bagay na nakapag-pester sa akin. Lunes na lunes ay tinamaan ako ng ngitngit at galit sa bahay.

Babala: Laktawan ang post na ito kung super ganda ng araw mo at ayaw mong masira ng kwentong rants. Close that window and start hopping muna sa ibang blog. Anyway, umpisahan ko na para matapos na.

Last monday, after ng shift na okay lang naman kasi hindi gaanung madami ang calls at walang nakakabuwisit na mga problema ng clients o nakakabanas na client mismo ay diretso na ako para umuwi at makalaro at makapagpalevel ng aking character. Okay ang lahat kasi nakabili pa ako ng chocochums na chichirya na mangangata habang naglalaro at c2 apple na pamparelax at panulak. Pero as usual, sa panahon ngayon, panahon nanaman ng suddenly. Lecheng suddenling yan. It spoils the fun!

Araw ng eleksiyon kaya walang pasok ang karamihan, so ang aking pirents ay nasa bahay lamangs. So while doing my normal facebook-dragonica-tv-kain-hilata mode, biglang enter ang mudra na nagsabing mag-out daw ako ng kadatungan o magwidraw ng pera dahil pambayad ng meralco. Plak-plak-plak... Unting nagpanting ang tenga ko. Ang eardrums ko ay tinatambol. Huwat? Pinag-wiwidraw ako ng 3.5k pambayad ng kuryente.

Ako: anu nanaman yan!!! tri-payb?
Mudra: Hindi 10k!!!! sinabi ko na ngang tri-payb tapos tatanungin pa kung 3.5k?!!!

Sumanib ang hinayupak na petrang kabayo sa katauhan ng mother ko. Lechugas!!! Habang nag-iisip kung dapat ba akong magbgay ng pera ay mega-excuse naman ang aking ina.

Mudra:  Si ate mo hinihingan ko ng 3.5 para pambayad pero sabi nia wala daw pera. Max-out na daw ang kanyang kridit kard.

Mas lalong nagpanting ang eardrums ko sa nadinig. Aba, ang hayuf na sister ay wa daw pera  at max out ang kridit card. Lechugas talaga! May perang pambayad sa hotel na kinainan nia nung gabi at ober pasaload at di kayang magpaload sa sariling cellphone ay wa datung?!!! Come on?!!!! Seriously?!!!! Lintek! May kayang lumamyerda at magpaka-annie batungbakal na nagpapakabongga ay walang share sa house. Nakapagpa-book ng pang Davao para sa bday ng mudra pero itlog ang laman ng pitaka?! Puchanggalata talaga!!!!

Syempre wa naman ako magawa kundi umupo sa isang sulok at mega-cry (joke). Badtrip kasi saktong 3.5 ang laman ng wallet ko. Ano ito, may premonition kung magkano ang amount sa aking green wallet. Wa ako ma-say at mega-abot nalang ako. But before giving the amount, sinigurado kong babayaran at irere-inverse ang aking kadatungan. Aba, mahirap na. Ang magulang kasi madalas uutang at ipapalista sa tubig. Ho diba, kalurkey lang kasi kahit anung lista mo sa tubig, walang traces. Para kang mabubudol-budol at nalaslasan ng bag sa mga jeep.

Nakaka-badtrip talaga kapag dihins ka mayaman. Hays! I want to be a zillionaire!!! Yung nuknukan ako ng rich na kakabog sa kayamanan ni richie-rich. Yung mas angat pa sa richness ni bill gates at ng creator ng pesbuk. Gusto kong maging rich!!

Anung gagawin ko pag rich na ako? Aba, syempre kahit isang milyon pa ang i-give ko sa parents ko para matahimik lang sila. At ihahambalos ko naman ang dos por dos na kakapal na datung sa bratinella kong sister para manahiik na din ang kaasar na maldita. Kahit yang pesteng meralco ay pede ko na din bilhin para tantanan na kami sa mga disco notice!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kelan ba darating ang december para makakuha ng bonus. >($$,)<

Tuesday, October 26, 2010

Bubble Years


15 years na pala ang gag show na Bubble gang. Grabe, antagal na pala nito sa ere subalit patuloy padin sa pagbibigay ng tawa at ngiti sa mga manonood. Ibang klase ang tatag at tibay nito kasi ang mga ipinantapat dito ay mga natsugi na pero ang bubble gang ay nakadikit padin.

Naalala ko pa noon nung time na very popular sa channel 5 ang gag show na Tropang trumpo. Remember the caronia jingles at seiko wallet song. Dito nabibilang ang dalawa sa main cast ng bubble gang. Si Bitoy at si Ogie ay kasama sa famous na Tropang Trumpo crew pero nirecruit at napabilang sa Bubble Gang. After switching at magpasa hanggang ngayon ay sila padin ang kasama sa original show.

Natatandaan ko pa noon na inaabangan sa eskwelahan yung mga music videos ni bitoy kung saan ang english song ay ginawang tagalog at ang tagalog ay ininglish. Nakakaaliw din ang spoofs ng mga commercial kasi gayang-gaya nila. Sino ang hindi humagikgik sa Ang Dating Doon nila brod.pete, kung saan laging may walang pakialam na si brader jocel. Alien?! 

Madaming guest naang mga nakasama sa show. Meron ding casts na dumating at pinalitan pero tila nakadikit na sa puso ng pinoy ang show na ito. Congrats sa Bubble Gang, 15 years! wow!

Eto ang mga dahilan kung bakit mastinatangkilik ang bubble gang! (Ara, Assunta, Ruffa Mae, Diana, Francine, Jackie)








Woops, may hahabol pa daw:





Happy Weekend Everyone!!!

Monday, October 25, 2010

Usap


Isang araw, may isang grupo na nag-uusap.

Puso: Mahal ko siya. Siya ang kumabog ng natutulog kong damdamin.
Mata: Mahal ko siya dahil siya ang napakagandang imaheng nakikita.
Tenga: Gusto ko siya dahil ansarap pakinggan ang boses niya. 
Ilong: Sana ay maamoy ko siya.
Labi: Sana ay mahalikan ko siya.
Balat: Sana madama ko ang init ng kanyang katawan.

Utak: Mga gago! Artista siya. Gumising nga kayo sa katotohanan!

Saturday, October 23, 2010

Silang mga Sikat!

Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Halatang ber months na dahil ramdam na ang malamig na pakiramdam sa umaga. Nadarama na ng balat ang morning chills. Pero bago pa man dumating ang araw na hinihintay ng mga bata-batuta sa pamamasko at ng mga empleyado sa kanilang christmas bonus, hindi pwedeng hindi daanan ang isa pang okasyon; ang halloween.

Hindi ko masyadong naiisip na malapit na pala ang undas at ang araw ng mgakaluluwa kung hindi ako nadaan sa site ni Robbie or ni creative dork. Naaliw much ako sa halloween contest nia at dun ako naka-isip ng ideya kung ano ang maisusulat ko ngayon. So para sa topic for today, eto ang mga listahan ng mga sikat na pips tuwing araw ng patay o araw ng kaluluwa. Sila ang mga kinatatakutan sa mga kwentong horror.


1. Tikbalang- Heto ang isang uri ng creature na hap-hap. Hap human hap animal. Kadalasan ang hap animal niya ay horse kaya most likely ay kamag-anak eto nila petrang kabayo. Kadalasang makikita o naninirahan daw sa forest ang mga tikboys at tikgirls. Sila ang mga mapaglarung kumag na nantritrip sa mga travelers/ trippers sa mga bundoks. Ang ginagawa nila ay ililigaw ang mga madlang pipol upang hindi makarating sa paroroonan kahit sila ay lumingon sa pinanggalingan.


2. Kapre- Hindi pinaglihi sa kape ang mga kapre. Sadyang maitim lang sila. Hindi rin daw sila kamag-anakan nila yao ming at bonel balingit pero nuknukan sila ng tangkad. Di pa alam kung sila ay nagcherifer, nag growee or nag zenith growth na mula sa home shopping network. Kumpare ng mga kapre si FVR dahil pareho sila ng mga trip pagdating sa paninigarilyo ng tabako. Usually ang mga kapre ay popular sa pagiging bangag sa pagka-inlababo sa mga kababaihan at nagiging stalker sila. Feeling siguro nila ay super chikboy sila. 


3. Mananaggal- Ang creature na parang naging assistant ng magician dahil kayang mahati ang katawan sa dalawa. Sila ang mga babaeng may ability na similar sa hipon, pero sa manananggal; kalahati ng katawan ang natatanggal. Plus factor sa mananaggal ang ilusyon nila na sila ay angels. Parang ipis na nagpapanggap na paru-paro. Mostly ang upper part lang ang may kakayahang makapanakit ng pips sapagkat ung kalahati ay naiiwan at dehins natin maproprove kung lumalandi ito at nakikipag-do kahit kalahati lang ito.


4. Nuno sa Punso- Sila na ang maliit. Sila ang ka-size nila thumbelina at tom thumb. Kamag-anakan din sila ng dwende pero sinasabing mas powerful sila dito. Kadalasang nakatira sa punso o mga bahay ng anay at mga langgam.Wag na wag gagalitin at may angking powers ang mga ito. May kakayanang palakihin ang parte ng katawan na nakasakit at nakasira sa bahay. Unless na gusto mong mas palakihin ang junior mo, wag iihian ang punso at baka maging kasing laki ng poste ng meralco ang junior mo at hindi ka na makalakad. 


5. White Lady- Mga multong babae. Dehins pa ako nakarinig na white lady na binabae or lalake. Ang mga white lady ay ang idol ni sadako pagdating sa fashion statement. Ginaya ni sadako ang white dress na suot ng kanyang iniidolo. Ang pinagkaibahan lang ata ay marunong magsuklay ang mga whitelady at minsan ay tila nag-rejoice ang mga multong ito(aaa-AYOS). Kadalasang sanhi ng pagpapakita ng white lady ay dahil need nila ng justice ng sila ay ma-aksidente o magahasa. Pede naman daw kasing magsabi ng please, bakit pa kailangang pwersahan silang gagalawin.


6. Tiyanak- Ang anak ni janice! at siya din ang nasa likod ni Rosalka. Sila ang inspirasyon ni Jastin biber sa kantang BABY, BABY, BABY OOOOH! Actually, di naman talaga sila baby, sila ay impostor o mga mapagbalat-kayong nilalang at ginagaya ang mga bata para makapang-biktima. Di ko alam kung kamag-anak ng mga bampira kasi mahilig manakma at mangagat ang mga tiyanak. Sila na ang mga nakakata-cute na creatures. 


7. Tiktik- Hindi ito ang mga kumpare at kumare nila TORO, BOSO, ABANTE at BULGAR. Much more na kamag-anakan sila ng mga manananggal pero may sarili silang kakayanan at powers. Sila ang mga best kandidate para sa mga putahe tulad ng lengua dahil sa kanilang mahahabang tounge o dila. Wow hebigat ang licking factors nila dahil kaya ka nilang puluputan ng suuuuuuuuuper long na dila. Ang madalas biktimahin daw ng mga tiktik ay yung mga babaeng makati at nagdadalangtao. Fave nilang biktimahin ang mga tisbun dahil sa feel nila ang yummy at fresh na sanggol sa sinapupunan.

Ang mga nasa taas ang famous dito sa ating bansa pero meron pang iba kaso di ko na kayang idiscribe kasi tinatamaan na ako ng katam. Runner-ups lang ang syokoy, Undin, blacklady at iba pa.

update* heto ang larawan ng undin :D

Advance Happy halloween guys!

Note: ang mga larawan ay nakuha sa google search :D