Saturday, January 14, 2012

Hoola-Hula-Hoo!

Kamusta naman po ang mga walang sawa na napapadpad at napapakomento sa blog na ito. Techu so much dahil pag may update ay napapagawi kayo sa place na ito.

Chinese new year na! Panahon na ng tikoys at ng mga angpao at mga kung ano anong predictions and hula for the upcoming year of the water dragon. 

Ngayon, ibibigay ko na ang hula at verdict para sa inyong 2012. Tandaan, chararat lang to, dedepende yun sa inyo kung iaaccept nio or hindi. :D


1. Rat 


Taon: 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020
Ugali: Charming and ambitious
Pakners kasama sila Dragon, Monkey at Ox

-Wag masyadong makeso! Di bagay sa iyo! Haler! Lakasan ang loob sa pagnenegosyo! Wag na wag kang dadagain at matatakots! Gamble!

2. Ox


Taon: 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021
Ugali: Dependable, trust-worthy, patient
Pakners kasama sila Snake, Rooster, Rat

-Di ka oks! Ang masuwerte ay di cow! Magsuot ng mga lucky charms katulad ng cow bell. Wag ipagdamot ang gatas ng ina, magpa-dodo ka!

3. Tiger



Taon: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022
Ugali: Caring, thoughtful, courageous
Pakners kasama sila: Horse, Dragon, Dog

-Iwasang mag-suplado! Umiiwas ang mga tao kasi akala nila ansungit mo. Ismayl naman dyan and everything!  Masuwerte ka this year sa lablayf. Hindi to joke. lols

4. Rabbit



Taon: 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011
Ugali: Kind, gentle, naturally lucky, even-tempered
Pakners kasama sila: Sheep, Pig, Dog

-Boom na boom at pak na pak ang sex life mo te! Ikaw na ang lapitin ng init! Iwasan lang ang sobrang kati, baka masobrahan ka sa kamot! :D

5. Dragon



Taon: 1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012
Ugali: Intelligent, enthusiastic, brave
Pakners kasama sila: Snake, Monkey, Rooster

-Porket ba year mo ngayon ay swertey ka na? Umiwas sa mga nakakagulat na mga bagay. Iwasan ang salamin! Umiwas din sa matatabang food.

6. Snake



Taon: 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013
Ugali: Romantic, wise, strong intuition
Pakners kasama sila: Ox and Rooster

- Iwasan ang mga kapwa ahas, di ka aasenso. Para lumago ang pera, ilagay sa pitaka ang pinagbalatan ng peslak, kadirdir nga lang ang gantong gawain.

7. Horse



Taon: 1918, 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014
Ugali: Hardworking, cheerful, popular

Pakners kasama sila: Tigers, Dogs, Sheep

-Great chance para umangat sa profession. Gamitin ang humor para ma-attract ang mga tao sa good vibes. Iwasang mang-okray, di ka si vice ganda.

8. Goat



Taon: 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015
Ugali: Elegant, artistic, compassionate
Pakners kasama sila: Rabbit, Pig, Horse

- Powta, ang arte mo. ayaw mo ng Ram, ayaw mo din na matawag na sheep. Dahil dyan, wala ka daw future this 2012. Joke lang. meron pero secret muna.

9. Monkey



Taon: 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016
Ugali: Witty, inventive, good memory
Pakners kasama sila: Dragon and Rat

-Monkey-monkey anabelle? Iwasan ang card game lalo na ang unggoy-ungguyan. Mag-focus sa Tong-its o kaya sa Pusoy (wag pusoy dos, di ka swerete dun).

10. Rooster



Taon: 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017
Ugali: Deep thinker, confident, determined
Pakners kasama sila: Ox, Snake, Dragon

-Tanggapin mo na ang name mong yan, bat ba gusto mong tawagin kang cock? Tulad ni rat, dapat tibayan ang loob at may guts, wag kang chicken!

11. Dog



Taon: 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018
Ugali: Loyal, honest, can keep a secret
Pakners kasama sila: Horse, Tiger, Rabbit

- Ingat! Mauuntog ka! Dog! Mag-ingat lagi dahil sinusundan ka ng kamalasan. Ice-pack ang magiging bespren mo pantanggal ng bukol.

12. Pig



Taon: 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019
Ugali: Tolerant, determined, kind to loved ones
Pakners kasama sila: Rabbits and Sheep

-Wag maging mahalay! Ang etiket, tandaan! Wag kang baboy! Swerte ka sa lovelife lalo na sa panliligaw, lalagpas ng months ang relasyones mo. Improving!

O cia, hanggang dito na langs muna, may ishashare akong wento dapats pero sikreto ko muna. hehehehe.
TC!

note: pictures ay nanggaling sa google.

23 comments:

  1. LOL...iuntog ko sa pader ang gumawa nto eh nang magkabukol..haha

    ReplyDelete
  2. oh my gadddd swerte ako sa lablaypp.. ohmygaddd sana this is it naaaa.... lol.. kalowkaaaahhh hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka this is it na! magkakalabslayp na u

      Delete
  3. MOnkey ako! hehe.. Di ako marunong magpusoy.. tong-its na lang. wee! :P

    ReplyDelete
  4. hahaha! namura pa eh! goat ako, humanda ka sakin kala mo! hahaha echos!

    ReplyDelete
  5. Tnx sa tips. Tatakpan ko na lahat ng salamin sa kwarto. Hahaha. XD

    ReplyDelete
  6. yeah of the pig/boar me hehehe

    ReplyDelete
  7. hindi naman ako suplado ahhhhh… taon taon naman swerte ako sa lablayf :)

    ReplyDelete
  8. I rather be called a ram than a goat. :|

    ReplyDelete
  9. ako ay isang rooster, di ba talaga pwedeng cock? haha aliw ako sa post mo, kahit di ko sign binasa ko haha :)

    ReplyDelete
  10. sabi nila ang pinganak ng before Feb sa taong 1988 ay rabbit :p

    so sa rabbit ako maniniwala.. para maganda ang sex life! hahahaha

    ReplyDelete
  11. Parang super lates na prediction mo, dog ako! NaDOG-gol na ako sa pintuan ng mga forbidden doors sa office natin naalala mo? Yay! Is that mean! Wala na ang sumpa?

    ReplyDelete
  12. anu yang peslak?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???