Wednesday, January 4, 2012

Liar Game Season 2

Last time, month ng october, na-feature ko sa aking bloghouse ang peliks na may title na 'Liar Game: Final Stage'. For today, ang second season naman ang aking ibibids.

Oo, paatras akong manood, imagine, nauna ang final stage bago ang season 2 at di ko pa napapanood ang season 1. Pero walang basagan ng trips. Kanya-kanyang style lang yans. hehehe.


Ang season 2 ay ang 4th round at semi-final rounds ng game na 'Liar Game'. Eto ay game kung saan ang mga players ay makikipaglaban at magpapautakan to gain money at para maka-proceed sa next level. Ang matatalo sa laro ay uuwing luhaan at may malaking utang kasi involve sa game ay malaking amount ng kaperahan.

Sa season na ito ay syemps bida padin ang masyadong pure hearted bitch na si Nao. Ewan ko ba... Masyadong bait-baitan. lols. Syemps kasama niya ang ever mautak na si Akiyama. Together, ang power duo, ay nakipaglaro sa pautakan game kung saan makakalabs nila ang isang tuso at mautak na player.

Nakakaaliw yung games na nilaro sa 4th round at sa semi-finals na nahati sa 2 sets. For the 4th round, nahati sa 3 games kasi naging team challenge ito. Yung una ay 24 rounds Russian Roulette, yung Pangalawa ay ang 17 poker at ang 3rd ay Stationary Roulette. Para naman sa semi-finals, oks yung Angels and Demon game at Gold Rush game.

Grabe ang bluffing game at pagpopoker face, strategy at psywar to win the game. Kailangan gumagana talaga ang utaks. ehehehe

At nakakabuwisit din yung kalabs nila. Nakaka-irita. epektib. Pati yung isang player na kamukha ni Austin Powers. ahahaah.

Thumbs up ako sa series na to. Hahanapin ko na yung season 1 para masimulan sa umpisang-umpisa.

Oks, hanggang dito na lang muna. TC!

BTW, malapit na ang end ng munting pakulo ek-ek ko. May 4 days pa para sa di nagbibigay ng unkabogable quote. :p

7 comments:

  1. sino kaya mananalo dun sa kontest? hmmm. alang relate ang comment ko hehehe

    ReplyDelete
  2. Hindi ko nagets. Haha. Ano ba to? Game show o game-show-themed drama?

    ReplyDelete
  3. Apir YOW!!haha..hanapin ko nalang, patapos na din ako sa HOUSE MD.

    ReplyDelete
  4. gets ko toh.. hehehe. ang galing isang game na ginawang movie, tama ba? hahaha. sana my consolation prize dun sa pa-ek-ek contest mo kuya glentot :)

    ReplyDelete
  5. Teka, tapos na ba ang story ng mga prinsesa? di ako nakagala e. :)

    ReplyDelete
  6. ai japanese lol,,,,
    choosy lng ako d gaanong nanonood ng Jap drama series haha,,,sorry,,,
    gusto kong sumali sa pakontest mo pero wala akong maisip na unkabogable quote lol

    ReplyDelete
  7. haha. nakita ko na to. ayos to Na klasing Game kaso nga lang May LIER ,MAY HONEST at May GENIUS.. LG 1 at LG 2 ay Tv series pag dating ng LG Final Stage ginawang movie. GAnda ng Story hindi nkaka sawa. at may bago pa na LIAR GAME ngayon na ang title Liar Game Reborn, March 2012 ipapalabas :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???