Saturday, March 31, 2012

Wrath of the Earth Hour!

Yo! Wazaps! Kamusta naman kayo mga peops? Okay sa olright ba keyo? Lapit na ang holy weeks? Watcha plans? 


Well anyway highway,  today ang Eath Hour! Oo, oras ng mundo! Kailangan nating patayin.... ang mga ilaw! Yeps! Papatayin ang ilaw! For more details, eto yung earth hour post ni sir Moks.

Sa earth hour, pedeng maglaro ng taguan. O kaya mag-habulang-gahasa sa dilim!Naku, tyak, after 9 months, baka lumobo ulit ang populasyon! hahahaha

Oks, after ng slight promotion, lets now make umpisa the pinaka-topic sa post. Ito ay ang movie review ng peliks na Bu-wrath of the Titans. hahaah.

Woooops! Bago ka magbasa..... tatanungin muna kita.... Manonood ka ba ng peliks? Ito ba ang balak mong panoorin? Kung oo, tanungin ang sarili kung gusto mong makabasa ng spoiler ng slight at ng score ng peliks. 

Kapag may sagot ka na, sige, scroll mo na pababa.







Ang pelikulang Wrath of the Titans ay ang karugs ng peliks last time na Clash of the Titans. So may mga tauhan na makikita mo ulit dito.

Ang story ng Bu-wrath of the Titans ay tungkol padin sa maskeladong demi-god na si Perceus. Nagkaroon na sya ng junakis na batang lalaki. 

Tapos magpaparamdam ang kanyang father na si Zeus. Kamustahan-galore at chika-chika. Tapos sabi ni Zeus na nanghihina na ang mga Gods kasi wala ng nagdarasal sa kanila. Keri lang daw sabi ng junakis niang si Perceus.

E tapos.... may ganap. Kinidnaps ni Hades si Zeus dahil naging kakontsaba nia ang isa pang junakis ng Tander na God of Thunder... si Ares.

Sanib pwerta este pwersa ang mag-tiyo para buhayin ang lolo ni Perceus na si Kronos. Gagawin nilang sacrificial lamb si Zeus para ma-Resu ang isang magma-god.

At syemps, to the rescue ang drama-dramahan ng bida at nakipag-conive sa isa pang demi-god na anak ni Poseidon at ang girlay queen na nalimutan ko ang name kasi wala namang naked scene. 

At doon na magsisimula ang adventure ni Perceus to save humanity ek-ek.

The end.

So ano naman ang masasabi ko? Meh.. So-So lang. Nothing extravagant. Nothing catchy. At medyo flawed. (Naks, flawed. Tama ba ang term na to?)

Okay lang naman yung takbo ng story. It's okay yet a bit forgettable. Naks, parang judge lang sa mga reality shows ang peg. hahahaha.

Eto ang mga napansit ko sa peliks:

1. Chimera pala yung sumugod sa town ni perceus. Akala ko 3 headed dog minus 1 lang ng Harry potter. Chimera kasi is usually super kakaiba. idk.

2. Minotaur pala yung nakalaban ng bida doon sa Labyrinth. Guskopong pineapol. Akala ko dimonyo lang na kamag-anak ni Hellboy. Di kasi mukang bull!

3. About kay kronos..... Alam ko isa din syang god kasi sya ang ama nila Zeus, Hades at Poseidon. Pero sa peliks, parang magma-monster lang. 

Yan lang naman ang medyo reklams ko sa peliks. pero okay naman.

So score nia is 7.89. Oo, Hindi 8 pero hindi 7 flat. hahahaahahah. Next movie please!

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Wednesday, March 28, 2012

Tawa Muna!

Aler! Di pa kaya ng mga daliri kong magwento ng kung anong shitness or magshare ng mga peliks. Kaya naman, for today, video muna tayo!

Pantanggal stress lang! Hahahaha.



TC!

Tuesday, March 27, 2012

Pwede na Yan!

Hahahaha. Wala akong masulat! Pero may ishashare akong video! Pwede na yan! :D


O cia, hanggang dito na lang muna!

Sunday, March 25, 2012

To Kill an Angry Bird!

Hey you wazzaps! Kamusta naman sa mga matyagang dumadalaw sa aking bloghouse. Thanks so much sa pagbabasa ng kung ano-anong wento.

For today, hindi peliks ang review-reviewhan ang mababasa nio sa post na ito. Oo. Hindi nga peliks. Makulits? For today, book naman promotes ko dito.


Ang tite este title ng book ay To Kill an Angry Bird! oo, angry Bird! tama ang basa mo! Angry bird nga! Pero wait, hindi talaga patungkol sa mga ibong sumasailalim ng anger management ang nilalaman ng book.

Ang laman ng libro ay halo-halo ang kung ano-ano lang. Pop-culture shenanigans at labo-labong topic. Parang blogpost na inipon at nilagay sa libro. period.

Tulad ng first book ng author na Angels and Jejemons, bibigyan ko to ng 7. Palakol din. Ewan ko. It's a culmination (naks, san ko napulot ang term na yun?) of different thingies! Minsan since di ako maka-relate (tulad ng basketball chevers), napapaskip read ako.

O cia, hanggang dito na lang muna me. TC

Saturday, March 24, 2012

The Hunger Games

Dumaan nanaman ang thursday at friday. So therefore, dumaan nanaman ang aking pahinga. Last thursday, nagbalak akong manood ng peliks... yung Unang Aswang! Joke! Nabasa ko review ni Maldito at syemps, naniwala ako na pucho-pucho lang.Bumili ako ng dvd ng how i met pero tinamad ako manood.

Kahaps ng napagpasyahan kong kailangan may ganap sa restday ako at hindi tamarin. Nagdesisyons ako na mag malling at doon ko na din napagpasyahan na manood ng peliks. Ang Hunger Games ang aking napili.




Nanood ako sa 2D lang kasi yun lang keri ng pera at after noon umuwi na ako.


Stop reading! 


Oks, para sa mga nagbabalak pa lang manoods ng peliks, at ayaw ma-spoil at ayaw makarinig ng komento tungkol sa peliks, stop right now. Thank you very much. 







Okay, sure ka na ba na gusto mong magbasa ng review-reviewhan.Peksman? Swear? O sige.... Eto na!

Note: Ang review na mababasa sa ibaba ay aking sariling opinyon. Opinyon ng taong di pa nababasa yung libro. Don't hate me kung ang sasabihin ko ay taliwas sa inyong kuro-kuro at saloobin.

Warning! Iwewento ko ang ilang detalye ng peliks.

Ang wento ay tatakbo sa isang bansa/bayan na kung saan kada taon ay merong patimpalak/tournament. Ang tournament ay ginawa/ binuo para raw sa pagreremind ng natamong freedom ng mga tao mula sa destruction/ apocalyptic cheverloo.

Sa tournament, ang mga bata-batutang nagdadalaga at nagbibinata ages 12-18 ay sapilitang may chance of winning sa palabunutan kung saan sasali sila sa tournament. Sa turneyo ay tanging isa lamang ang mananalo at ang iba ay tiyak... teypowk!

“Winning means fame and fortune.
Losing means certain death.
The Hunger Games have begun…”


Meyrowng 12 district therefore merong 24 contestants since one boy and one girlaloo ang representative per district.

Dito na lalabas ang bida ng palabs dahil nag-volunteer ang dalagits na may pangalan na Katniss kapalit ng napiling kapatid. Kasama ni girl ang isang boylet na akala ko Peter (napaka-british accent ang peg) ang pangalan ngunit Peeta pala.

Silang dalawa ay sasabak sa tourney na may peg na Survival of the Fittest. Matira matibay! Kelangang pumatay dahil pag hindi, ikaw ang deads.

Kailangan mo ding maging charming at makuha ang appeal ng mga audience/sponsors dahil sila ang makakatulong sa iyow during the hunting game.

At dito nagwawakas ang story telling. Hahahaha. Watch it para masaya.

Ang rate ng peliks. 9. Yey! Mataas. Oo. Di ko nabasa ang book kaya di ko alam kung ano ang mga natanggal na kapanapanabik na eksena.

Medyo nakakahilo lang ang style ng pagcapture sa eksena. Medyo kulang sa dugo or gory scene for the patayan pero okay na.

Natawa ako sa ever colorful na mga damit at hairstyle ng mga tao dun sa central ng bansa. Ang mga elite na viewers ng hunger games ay so conyo!

After watching, nagtangka pa nga akong bumili ng book kaso nagdadalawang isip ako dahil gastos nanaman. ehehehehe.

O cia, hangang dito na langs muna. 1st day of work ko ulit kaya focus sa work. hahaah :D TC!

“Happy Hunger Games! And may the odds be ever in your favor!”

Thursday, March 22, 2012

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

Medyo long overdue review na to pero ngayon ko lang naisingit sa aking iskedyul para ma-share ang peliks na ito.

Last, last, last week, nag-birthday kasi ang HS friendships namin at napag-isipang dumalaw sa bahay nila. At since petiks mode kami, dvd watching ang napagtripan. Walang nakabili ng bagong peliks kaya nagtyaga na langs kami dun sa meron sya. At eto nga ang mga indie film. Ang isinalang ay ang 'Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros'.


Ang peliks ay tungkol sa baklitang itatago sa pangalang Maximo Oliveros. Oo, baklita talaga ang term... Makiri kasi at maarti! Kangkarot! lols.

Ito ay magrerevolve sa wento ng girltrapped inside a boylets body na may pototoy. Si Maximo ay nagdadalaga kasi madaming kapokpokan na nalaman like beaty pageant ek-ek, cooking at syemps, ang pagkaillababo nia sa isang pulis na feel nia ay super tulis.

Pero waits. di pede ang pulis-baklita love affair dahil ang pamilya ni Maxi ay sangkot sa mga iligal na work. May snatcher, may magnanakaw at may nagbebenta ng nakaw ng selpon.

Matatapos ang peliks sa.............. Sikreto! Sikrets! Bawal sabihin. Bawal spoil. Lols. googles nio na langs dahil tyaks meron na yuwn.

Ang score dito sa peliks na ito ay 8. So-so na oks lang. Since ito ay sinaunang indie film way back 2002 pa ata, syemps, di pa masyadong boom ang pagkakagawa.

Andami kasing social issues ang gustong ipalabas ng peliks, like gayness, love, gambling, revenge, poverty, little of sex at kung ano-ano pa. In simple term, masyadong pinag-siksikan at siksik-liglig pero ayaw umapaw. 

O cia, hanggang dito na langs muna. Showing na pala ang Hunger Games at pinag-iisipan ko kung manonoods akows. TC!


Tuesday, March 20, 2012

Simsimi!

Kagabs, may nakita ako sa chwirrer na link tungkol sa dilaw na sisiw na kinahihibangan ng mga tao lately sa mga social network sites tulad ng chwirrer at pesbuks.

Wala ng hiya-hiya at naki-sakay na ako sa bandwagon ng mga nahuhumaling at nagtanong ng kung-ano-ano kay simsimi.

Si Simsimi ay isang echoserang yellow birdie na bilog na parang si mojacko pero self confessed na kapamilya daw ng mga angry birds. Related din sya kay Siri na di ko naman kilala. lols.


Eto ang mga naging mini conve namin ng kangkarot na birdy.









Sa mga nais din mapagtripan si simsimi, punta na sa link na: http://simsimi.com/

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Monday, March 19, 2012

6 Years Lovers

Iniisa-isa ko na yung mga natitirang dvd na binili ko noon para maubos na. Kung last time ay lovestory.... this time lovestory padin. Maiba lang. ahahahah.

Ang title: 6 Years Lover


Ang kwents ay tungkol sa magjowa ng 6 years. Kaya nga ganun ang title diba? Alam namang 8 years sila pero 6 years ang title. Nuff said.

So anyway, ang magjowabels na to, magkatabi lang ang tinitirhan. Tapos kung makapagbembangan akala mo walang bukas. Boom-boom-boom. 

Well kaso ang probs, medyo nananakit ang alagang pakwan ni girl kaya bawal hawak sa Su-Susmaryosep na parte. Pero tuloy padin ang kembot ng magjowa.

Pero hindi talaga yun ang problema o conflict sa story. Since 6 years na nga sila, tas magkatabi pa ang kanilang balur, e medyo tumatabang din ang love spark.

Tapos tapos, si boy, tila nakahanap ng ibang karinderya. Ayun, tumikim ng ibang ulam. Instead of the usual adobo.... nakahanap ng paksiw. boom!

Tapos si girl, tila na-fall din ng slight sa ibang boylet.

Di ko na ikwekwento ang natitirang eksena kasi trip kong mambitin ng kwents. hahaha. Alamin nio na lang anong ganap sa dalawa.

Score? Para sa akin ay 6. Oo, mababa. Yeps. 6. Noong nasa gitna, well actually kahit noong bandang umpisa medyo di nito nakuha ang aking attention. Wahaahah. Waler. Walang dating at walang latoy sa akin. 

Di ko alam pero based sa ibang site na sinilip ko about sa films, nagustuhan nila pero personal na opinion ko ay walang kaboom-kilig-kaboom moments para bigyan ng mataas ng score ang peliks. lower than so-so ang rating.

Hanggang dto na lang muna. Hehehehe. Sana Thursday na para restday ko na ulit. Ahahahaha. TC!

Sunday, March 18, 2012

Medium Cheeseburger and Fries + Float Flaw!

Every sunday, syemps may shift mey. Sa opis, naka-day-off yung binibilhan ng pagkain so malamang sa alamang mapipilitan akong bumaba at doon bumili ng food. Ang options ay 7-11, Ministop, Medical City-Canteen o ang tindahan ng clown na Mcdo.

Dahil ang breakfast ko madalas ay sa 7-11 hotta rice meal, ang probability (naks, parang statistics subject) na sa 7-11 ako mag break or lunch ay mababa. Umay factor kasi. Malaki ang chance  na kay pareng Mcdo ako bibili ng panlaman tyan.

At dito ko na isisingit ang talagang topic sa araw na to. Andami ko lang paligoy-ligoy para kunyare may sense. wahahaha.

Since summer na, naglabas na ng pamatay init drink ang clown na pula at dilaw ang suot. Eto ay ang kanilang McFloat. Eto po yung kakompetensya ng University Float ng bubuyog na dilaw at pula din. :p

Para sa mga nag-cracrave sa float pero gustong makamura at ayaw malamangan ng mcdo, eto ang tip para mabusog ka at ma-enjoy mo ang float kasi cheaper. tatawagin ko itong Medium Cheeseburger and Fries + Float flaw!

Wag kayong bibili ng Medium Cheeseburger Value Meal ng Mcdo tapos upgrade to float! It's No-No. Stop!

Eto kasi ang computation.

Ang Medium Cheeseburger Meal (consist of 1 cheeseburger, 1 medium fries at 1 medium drink) ay nagkakahalaga ng 95  petot (based from Mcdo RBC Tower, Ortigas).
 
 
Kung i-chachange mo yung medium drink mo sa Mcfloat (coke), magdadagdags ka ng 18 petot. Kung flavored Mcfloat (comes with blueberry, green apple, four seasons or honey banana flavor) naman, magdagdagdag ka ng 20.


All in all, ang magagastos mo ay 115 petot. Pero Pero.... There's a way para makatipids!

Medium Cheeseburger and Fries + Float Flaw

Para makatipid, bumili ng Mcfloat + Fries Combo (Medium Fries + Mcfloat) na 55 petot. Then bumili ka ng 39 petot na cheeseburger everyday mcsavers. Then... compute mo. 94 petot lang ang nagastos mo!

At dahil sa flaw na yan.... tuwing merieds, yan ang nikakain ko. :p May fries na ako... may float pa me. :D

O cia, hanggng dito na lang muna. TC. Hooray for Today!

Saturday, March 17, 2012

Ride Away!

Saburday.... Araw ng pahinga ng nakakarami samantalang ito naman ang unang araw ng pasok ko para sa week na ito. Life is unfair but you need to face it. naks, me ganun?

Anyway highways, instead na sundan ko ng isa-nanamang balik-tanaw na cartoon post, for today, isang peliks ang nais kong i-share sa inyows.

Tignan ang title ng post. Nabasa nio? Anong sabe? Ride Away diba? Korekted by! Checked by! tama, yan ang pamagats ng peliks.

Oks..... eto na ang synopsis ng wento:

Merong isang girlaloo. Kasama ang kanyang family kwarta o kahon, lumipat sila ng bahay from one place to the new one.


Tapos, makikilala nia ang isang boylet na nagpapart-time sa isang gay bar (joke lang). Nagpapart-time sa 2nd hand book shop.


And then, lalandiin nia si boy. iseseduce nia to hanggang sa bumigay at makuha nia ang mushroom. lols. Syempre hindi ganoon ang naging takbo ng kwento. imagination ko lang.

Ang totoo nian, ganto kasi. Medyo gusto ni girl si guy kaso si guy merong jowa. Ang jowa nia ay naaksidente at nasa-binggit na ng kamatayans. torn between the current and future lovelife ang drama ni boylet.



Yun lang. Lols.

Bat maikli? Wala lang. trip ko lang. Di ko na kasi iwewento ang mga side story at problema ng dalawang characters. hahahaha. Pero kung trip nio, sige, kwento ko na din.

Side stories. Ang dinadalang bigat ng damdamin ni girl ay dahil ang family nia ay may problemang dinadanas. Ang nanay nia ay na-tegi dahil sa sakit. Ang tatay nia ay slight alcoholic. Ang panganay na kapatid nia ay naglayas at di nagbalik. Ang tatay nia, mas iniintindi ang panganay na anak kesa sa bunsong junakis.

Ang dramakels naman sa side ni boy ay may pangako sya sa jowabels nia na balang araw, mananalo yung kabayong may name na snow queen (akala ko snow white) at pag nangyari iyon, magtratravel sila ng kanyang juwa.


Oks..... sa point na ito, bibigay ko na ang hatol...... 7. Shite! hahaahah. :p

Okay naman sana ang lab story. Kaso walang boom-boom-pow na eksena. Walang aaaah-ooooh--aaah-aaaah-aaaah sounds. Lols. 

Medyo may kilig pero medyo madami pang kaek-ekan drama shitty-shitties na isinama sa kwento kaya medyo dull moments.

Pwede na at mapagtyatyagaan film.

O cia, hanggang dito na lang muna mga ka-Khanto. TC! Enjoy your weekend. btw, sale sa mga mall, go shop and reward yourself for hardwork! TC ulit!

Thursday, March 15, 2012

Mojacko!

May strike! May strike ang mga sasakyans sakamaynilaan. Pero mabuti at natapats na rest day ko kaso di ako makapag-malling para mahanap ang remaining na One Piece toy na kukumpleto sa aking nabili kagabs.

Well, heniway, for today, cartoon blast muna... Nanonoods kasi akow ng Tiveeeeeeey.... Patrol. joke. TV. Tas napanood ko si Mojacko. So ang post ay syemps ay Mojacko.


Mula sa planetang moja-moja, nag-adventure si Mojacko (orange pudgy ball) kasama si Dono (robot) upang mahanaps ang kayamanan ng kanilang angkan... si Great Maharada. Sa adventures ng dalawa, napadpads sila sa planet earth at naging kasama sa pamilya ng batang lalaki na si Sarao (parang nobita pero hindi weak).

Dito magsisimula ang adventure nila sa paghanap ng kayamanan at pag-travel sa iba-ibang planetang ay kung ano-anong anik-anik.

Sa cartoon na Mojacko, makikilala mo ang mga tauhan na nasa larawan sa ibaba.


1. Mojacko- ang bidang orange na mabalahibong ewan na kayang humigop ng hangin para makalipad na parang lobo. Humahaba din ang dila nia moja. :p Weakness ni mojacko ay ang malamig na tubig kasi naflaflat sya.


2. Dono- ang super lakas na robot na kasama ni mojacko. 

3. Mojaru- Ang bunsong kapatid ni Mojacko.Kung si mojacks ay orange, green naman ang bunsong kapatid nia. Mahilig ito sa technology at matalino.


4. Mojari- Ang isa pang kapatid ni mojacks. Babae sya kaya kikay pinks ang kolay ng fluffy alien. Marunong sa gawaing bahay. Sa kanyang ganda, nahulog ang luob ng kalabang si momonja.



5. Wutan- ang taong karibal ni Sarao. Sya ang katumbas ni Damulag sa Doraemon. Sya ang kontrabids at laging nakakaaway ni Sarao.

6. Momonja- Siya ang ninjang kalabs ni Mojacko. Magaling sa pagtatago. ISa din sya sa naghahanap sa kayamanan ng great maharada. Sya ay na-inlababo kay Mojari at sa tuwing nakikita nia ito, nagiging bato sya.

Hays... kakamiss manood ng Mojacko. Well, hanggang dito na langs muna. TC! Ingats!

Wednesday, March 14, 2012

'20 reasons why I Dislike the Phillipines'- viral video

Aler, May kumakalat na video nanaman at trending sa twitter. Ito ay ang video ng isang kanuto na tila dito sa pinas nanirahan for years at sya ang nagbigay ng 20 na rasons/ kadahilanan bakit ayaw nia ang pinas.



Somehow, the truth hurts... pero, kung meron syang 20 reasons to dislike the Philippines, diba meron din namang mga ganoong rason (nakakainis/dislike) sa ibang bansa, pati na din ang kanyang sariling bansa, US. So quits langs.

Pero I Love the Philippines!!! Go Pinas! At Home ako Dito!

Tuesday, March 13, 2012

The Coming Soons :D

Wala akong palabas na mapanood. Wala akong peliks na mareview. Wala akong books na mabasa. Kaya naman pa-browse-browse lang me at pabloghop-blog hop (silent reader minsan).

For today, sa kaka-browse, napadpad ako sa robinsonsmovieworld at napasilip sa mga kapanapanabiks na peliks. Eto sila:

1. Ice Age 4


-Eto na ang ika-apats na peliks ng mga hayups na dumaan sa panahon ng yebe/yelo. Makikita nanaman ang kakulitan ng squirrel na habol ng habol sa kanyang acorn. :D

2.MIB 3


-Ang pagbabalik ni Will Smith bilang Agent J. Sa peliks na ito ay magtitime travel ang bida to make ligtas ligtas his pakner Agent K.

3. Resident Evil: Retribution


-Ang ikalimang peliks ng mga zumbie-zumbiehang mga zumbies! Makikipagbakbakan nanaman ang seksing babe sa mga impaktong dapat na patay na pero nangingisay at mahilig pa sa brains.

4. The Amazing Spiderman


-spiderman...spiderman.... everyone loves spiderman.... Ang pagbabalik sa silver screen ng gagambang sine. Para sa mga marvel pans.... eto ang peliks ni gagamboy. :D

5. The Avengers


-Isa ka bang marvel panatic? Nanoods ka ba ng thor, capt. america, ironman at iba pa? Well, this movie is por yu! Ang pagsasanibs pwerta este pwersa ng mga Marvel superheroes!

6. The Dark Knight Rises


-its a bird... its a plane... no, its Batman! Akala nio peliks to ng mamang may letter S sa dibdib? Mali, peliks to ng taong may itim na kapa na mahilig sa bats. 

7. The Hobbit: An Unexpected Journey


-Etong ang wento bago ang peliks ng The Lord of the Rings. Ang wents daw ay magsisimula kay DILDO este Bilbo Baggins (yung matandang charuterong kakilala or tatay or lolo ata ni Frodo).

8. The Hunger Games


-Ang pelikula ng mga kumukulong sikmura. Chos lang. Haktwali, di ko alam ang wento nito pero based sya sa book. Gusto ko lang malaman ang istorya. :D

9. Wrath of the Titans

-Natapos na ang CLASH... ngayon naman daw, burat este Wrath of the Tits Titans naman. Kasama sya sa aabangan kasi wala langs. hahahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Sunday, March 11, 2012

One Piece: After 2 Years

Elow! Day 2 ko pa lang sa work pero medyo awkward kasi medyo nasanay ako na di papasok ng manic monday. Pero, well, wala na akong magagawa. Change is constant.

Well, heniway, magwewento lang ako saglit na may kinalamans ng slight sa aking life. wakokokok. Maiba langs.

Kanina, right after shift, nagtangka me na bumili ng new shirt. So humonda me at diretso sa greenhills para bilan sana ang sarili ng shirts. Pero waley! Walang medyo naka-agaw ng aking pansin kaya naman naglibots-libots pa ako.

Pagkacheck ko sa 3rd floor ng GH, ayun, nadaan ako sa tindahan ng laruans. Ayun. Boom. Nakakita ako ng One Piece na laruan! Nanginig ang tuhod ko. Kinilig! Di mapakali. Nagdecide. Nag-isip ng maigi. Grabs. 30 minutes akong nakatayo at nag-aagam-agam kung bibili.

Pero matindi ang calling! Punyetakels! Ayun, bumigay ako at binili ko dins. hehehe. Di lang isa... kundi dalawang Box.


Ang una ay ang One Piece after 2 years na normal look. Ang presyo ng nabili ko ay 1.3k pero binawasan at ginawang 1.2k na langs (8 boxes na may 10 figures). Mura kasi hindi sya orig na bandai. Ang original price 600 petot per box (4.8k kung lahat ng characters ay bibilin ko).

Ang rate ko sa laruan (oo, may rating.... mini review-reviewhan din), 6. Ay naker. Anlayo ng looks ng peslak ng mga characters sa laruan. hahahaha. Waley! Well, ano bang magagawa ko, e hindi naman original. 


Ang pangalawa ay chibi version ng One Piece. After 2 years din ang peg ng characters. Ang presyo ay 750 pero ginawangs 700 ng tindera. (10 boxes, 10 characters). Mura din kasi di origs. Di ko alam ang price nung orig

Ang rating naman dito sa 2nd toy ay 8.5! Nagulats ako kasi maayos ang pagkakagawa. Though hindi perfection like original bandai toys pero yung mukha ng mga characters, maayos. Matino. Ang sablay lang ng slight ay yung katawans ng mga characters at yung vibrance and saturation ng kulay ng damits.

Kahit olats dun sa pers box, solved ako sa 2nd kaya pwede na. hehehehe.

O cia, hanggang dito na lang muna, masyadong mahaba na ang post.

TC! 

Saturday, March 10, 2012

Magnum!

May pesbuk ka ba? May chwirrer? Nababasa mo ba sa feed yung tungkol sa isang ice cream na nagiging bukambibig ng mga pips? Oo, yung ayskrim na kinahuhumalingan ng madlang pinoys here sa pinas. Walang iba kundi ang MAGNUM!

Kanina, dahil sa kabagutan sa opis at syemps dahil sa jinit ng panahon ay napagpasyahan kong i-try o subukan ang ice cream na lagi kong nakikita sa aking pesbuk feed. So nung pumindot ako sa phone upang mag change status for lunch, ay dali akong bumaba mula sa 11th floor ng opis pababa sa 7-11 at bumili ng pamatay inits.

Pagpasok ko sa 7-11, namili ako sa taklong pleybor na pagpipilian. May Classic, may almond at may Chocolate Truffle. Napasigaw ako..... Chocolate Truffle..... I Choose You!! Joke. Syemps, pasimple akong kumuha at nagbayad sa cashier.



May pekpekture sana kaso punyemas, nawawala yung cable ng cellphone ko para makapagtransfer. Nagnakaw na lang me ng pic mula sa google. lols.

So ano ang husga????? itatanong natin sa dalawang persona.....

Khanto:

Okay naman. Masarap yung tsekolate na nakapalibot dun sa choco ice cream. May gold color pa yung lagayan ng ice cream (yung bandang loob). Tapos, inpernes, may nakalagay na magnum chever sa popsicle stick na pinaglagyan ng ice cream.

Rating para sa akin ay 8.5. :D

Otnahk:

Watdapaks! Nabutas ang bulsa ko sa ice cream! Over! Hyped! Eksaherada! Yun na yown? May engraved na magnum lang yung popstick, 60 petot na? E kasing lasa lang nia yung Cornetto disc. tsk tsk. Nagoyo me.

Ang rating ay 6.

O sia, hanggang dito na lang muna! TC!

Thursday, March 8, 2012

FU


Hello! Kamusta naman? Hopefully goodvibes kayo mga peops. Dapat di kayo naiinis, dapat di nagagalit, dapat di naiirita. Wag akong tularan kasi it's rants post for today. wahahahaha.

Babala: Ang post na mababasa ay may temang maaring makahawa kaya naman sa mga goodvibes and positive persons, baka hindi ito ang tamang panahon para magbasa ng post ko. Pero kung keri mo naman ang mga reklamation, sige, go.




Reydi na? Hinga muna ng malalims. hehehe.

Eto na.

-Nakakainis yung naging transition ko na mula monday-tuesday na restday ay magiging Thursday-friday na. Aun. Split RD ang nangyare. Nakakabadtrip kasi yung di mo maenjoy ang araw ng pahinga kasi paisa-isang araw lang. 

-Tapos sa opis naman meron dapat na meeting na last february pa naka-plan pero di matuloy-tuloy dahil sa mga pangyayare katulad ng biglang pagkasakit ng supervisor o kaya naman biglaang may queue o kaya inireschedule pero sa new schedule ay restday mo naman. Hays. Yung feeling na gusto mong sumigaw na wag na lang kayang ituloy!

-Pero ang pinagpupuputok ng buche ko ay yung ibang peops or group sa opis naisisingit yung meeting nila. Yung tipong kahit magkaroon ng queue ay keri lang. Tapos aabot pa ng 3 hours yung meeting ng ibang groups tapos sa team nio, di mapagbigyan.


Tapos sa bahay naman, ganto ang eksena. 

-uuwi from stressful work tapos sa bahay madadatnan mo na may sumusugaps sa computer at internet.

-Tapos bigla mapagtritripan ng kapatid na magluto-luto eklat tapos pipicturan tas ipopost nia sa pesbuk. Ang nakaka-inis, sisingit kasi ililightroom nya yung hinayupak na larawan.

-Anong mas nakaka-irate? Yung after 5 or 10 minutes eepal nanaman at sisingit para icheck daw kung sino na nag-like at nagcomment sa picture! Angpupu. sarap magwala lagi kapag ganito ang eksena.

-Hindi lang yown, ang nakakairita, wala na ngang work yung kapatid ko at mostly naman ay nasa bahay sya pero grabe kung makabox-out sa internet!



Ay naker, kung super warfreak lang ako at masamang blood ang dumadaloy sa akin, baka lagi akong nasa baranggay at madami na akong police report.

Well, this post will self destruct after 24 hours. hahahaha. gaya-gaya ako sa istayl ni idol jepoy. lols. Baka mabasa ng aking eps na sister.

O cia, TC!

Wednesday, March 7, 2012

Barkada Trip!

I'm back! After 2 days ng kaartehan at kasabawan ay nagbabalik na me. Grabe. hahaha. Pasensya na kung napacomment kayo sa post na closed. E kasi nagkasabaysabay ang dark side, ang ka-emohan, ang katopakan at iba pa. 

For today, magbalik tanaw lang sa isang grupo na sumikat sa telebisyon. Ito ay ang Barkada Trip.

Barkada Trip, ito ay yung grupo ng mga chibi anime na sumikat sa Studio 23. Ito ay popular noon lalo na sa mga comedy skits tuwing commercial.

Dito sa Barkada Trip ninyo makikilala ang mga sumusunod.

1.


Bok
Real name: Bonifacio Andres
Scientific Name: Bokalensis-Pang-Asarium
'The Prankster" 

2.


Abantao
Real Name: Abantao
Scientific Name: Wa-Pakelium
"Silent-but-Rock"


3.


Nikki
Real Name: Inocencia Santiago
Scientific Name: Kikairium-Maartis
"Sport Buff"

4.


Derek
Real Name: Federico Zaragoza
Scientific name: Japorum-Papogi
"The Techie"

5. 


Trixie
Real Name: Patricia Victoria Regina Lo
Scientific Name: Kikairium-Maartis2
"Ultra-Kikay"


6. 


Nori
Real Name: Norberto Felix Trinidad
Scientific Name: Closetus-Vanedosu
"The Metro Sexual" 


7. 


Marla
Real Name: Maria Lavinia Flores
Scientific name: Echoseris-Matarei
"Masungit Man-Hater"

Nakakaaliw yung cartoon kasi kakaiba sya at talagang nakakaaliw. Sayang nga at wala na sya ngayon sa tv.

O cia, hanggang dito na lang muna. Good Day sa inyo. :D