Wednesday, September 5, 2012

iAndroid

Yo! Sawadeekap mga suki at napapadalaw sa blog na kwatro khanto. Salamuch sa inyong pagpasyal at paglibot-libot sa simpleng bloghouse na to. wakokokk.

 
Selepono..... sa inglish.... ummmm... cellphone. Ito ay ang gadyet na uso sa pinas at kahit sa other place. Well, nagpaalam na kasi tayo sa mga spiral-squiggly phones na de-ikot at may mga naglalakihang pindutan or Bu-ons (buttons na pinakonyo ang pronounciation).

Chupi-chupi na din sa selepono ang may antenna or sungay pati na din yung pede mong lagyan ng backlight at mga sinaunang logos at picture messages. Out of phase na din yung mga nagtatabaang mga bodilicious ng mga nyelpon dahil kelangan slim shady please stand up na ang peg. 

At finally, kelangan ang nyelpon mo dapat majutak! Dapat may brains! Dapat henyo! Dapat yung tinatawag na smartphones! So dito eentry at eeksena ang dalawang kemerloo na famous sa katalinuhan... Enter the iPhone and the Android.

Okay, san ba papunta ang post na ito at bakit me ganong intro-introhan pang kashitang nalalaman ang naisalitype ko? Sorry, trip ko lang. Walang basagan ng trip. nyahaha.

Pero ang totoo o nyan, lately kasi nag-iisip-isip ako.... Should i???? Well, ganito kasi parang i WANT (oo, want lang, kasi alam ko di naman gaanong need e) to buy a new phone. So, nag-iisip ang Khantoboy kung pipili ng Android (kasi samsung na yung gamit ko ngayon kaso hindi sya smart... star lang sya, samsung Star) or maghahanap ako ng iPhone (kase pede syang maikonek sa iPad support kemerlin sa opis, slightly or halos pareho lang ng peg).

But, ang kaso e syempre, mahal ang dalawang device na pagpipilian. E di naman ako richie rich. Di naman ako nag-aral sa ARENEOW or LAZAL. Di rin naman ako kumikitang kabuhayan like some of the callboys and callgirls ng callceners! 

Atchaka, once makabili ako,ano na gagawin ko? Tatambay sa STABAKS make drink some FRAP then i will make sagap at make bwakaw the WayFay and make tambay all day long to feel like so conyotic right?!

Tapos, tapos, i will make so many instagram and take Pichur-Pichur any items and upload it to Facebook and chwirrer.

sige na nga.... magchecherry mobile na langs me. Hahaha.

Well, bahala na si batmans. Hanggang dito na lang muna, Take care!

24 comments:

  1. nice post. nung sunday nawala slash nahulog ko sa jeep ang celfone ko sa sobrang kalasingan. ngayon, naka myphone na lang ako. hehe. =p

    ReplyDelete
  2. blackberry ang phone ko heheh. pero may galaxy tab 8.9 ako. problem with samsung, ang bagal ng update ng os. pero very custommizable nga unlike iphone :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ah.... pag-iisipan ko nga kung samsung. salamuch

      Delete
  3. ahah ako prehistoric na phone ko haha peo maayos pa din kasi un gamit nya peo jahe panu na lang kung may chicks kahiya manghinge ng number haha

    ReplyDelete
  4. di pa ako nagkaka roon ng ganyan, nasa bucket list ko pa rin sila hehe

    ReplyDelete
  5. pareho namang ok yung iphone at samsung kung yang dalawang yan ang pinamimilian mo.

    ako iphone gamit ko. oks para sakin.

    ReplyDelete
  6. wahaha, you never fail to amaze me sa mga kwelang banat at coƱotic words nyo ^__^

    konti lng ang alam ko pagdating sa mga selepon eh... ung ginagamit ko nga right now, panahon pa yata ng mga cave mans lols.

    yeeee, cherry mobile - ang lakas maka Willie Revillame ng peg nyehehehe!

    ReplyDelete
  7. napilitpit dila ko dun ah.. hahaha

    ReplyDelete
  8. ghelonez.. bili na yu.. para chorba chorba na.. hehehe.. tas bebeta test ka na rin.. ahahaha!! gudlak.. ;P

    ReplyDelete
  9. ker na ang cherry mobile! lagyan na lang ng swarovski para kabowg! lol!

    ReplyDelete
  10. haha..kaaliw ka talaga!..napatumbling dila ko dun sa conyo eklavu..
    oi may cherry mobile na rin kaya na android pero mas bet ko pa rin ang samsung :)

    ReplyDelete
  11. Basta ako, buhay pa ang Nokia N70 ko. 6 years na siya sa akin at wala pa naman ako planong ibenta o i-retire. Promise ko sa sarili ko na hindi ako bibili ng ganyang mga gadgets hanggat kaya ko. hehe. pero kung bigay... ibang usapan na yun :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???