Friday, September 14, 2012

Resident Evil: Retribution

♫♪There's a zombie on your lawn..... there's a zombie on your lawn♪♫

Akala nio tungkol sa mga zombadings na nakikipag-warla sa mga flowerpuffgirls ano? well, mali kayo. No no no. This post ay tungkol sa zombie pero hindi halaman ang kalabs.... ang kalabs nila ay isang sexy na babae... At ang post na itow ay tungkol sa peliks na Resident Evil: Retribution.


Babala: Sa mga manonood pa lamang ng peliks na ito at ayaw makabasa ng madaming spoilers, mas maigi kung iiwan nio ang page na ito at magporn na lungs. joke. Ibig kong sabihin, kayo na bahala kung trip nio mag-continue or hindi. Di ako magtatampo. Friendship over na lang. chos. hahahaha.





Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler..Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler..Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler..Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler..Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler..Spoiler..spoiler...spoiler.. spoiler.. (andaming spoiler ano?! ayan, kinontinyu mo kasi eh, hahaha)



Joke lang, okay heto na talaga ang review-reviewhan ekek ng kwatro khanto.

Okay, ang peliks na Resident Evil ay ang karugs ng peliks last time. So eto na ang dagdag info tungkol sa mga buhay na patay na hayuk na hayuk sa laman (i mean, hungry at kumakain ng tao).

First 10- 15, meyo draggy and boring at parang gusto mong sumigaw.... wat???? Sakit sa bangs.... nakakainis yung white background...sexy ng nakahubad na girl na yun ah....

Well, tatakbo ang wents kay Alice (yung sexy na nakahubo sa first part) na nakakulong sa isang whiteroom tapos nakatakas.

Tapos malalaman nya ang eklats na ang Umbrella..ella..ella..e..e...e.. corporation ay merong laboratory na nasa ilalim ng nagyeyelong lugar. Doon ay merong simulation ng paglaganaps ng virus. Tapos may malalaman syang mga new info.

Tapos-tapos-tapos... kelangan niyang makatakas... Siya ay kelangang makaalis at sumigaw at kumanta ng 'I want to break free!' (joke lang yung kanta part, di po ito Glee). 

Tapos syemps, alam naman na nag-gangnam style lang sya paalis ng laboratory. Walang wents kung walang aksyones at barilan at buratatatatatatatat ng mga baril laban sa zombies. Kaya merong fight scenes.

Tapos tapos na. Aba... di naman pwedeng iwento ko ang buong eksena ultimo ang cup size ng boobies ni Alice at Jill Valentine or ang makinis na binti na wow ulam ng new character sa si Ada Wong. Panoorin nio kaya!

Score ng peliks, ummmm.... 8.8! Well, maganda sya. Okay. Solb naman ang panonood ko. Pero kaya may bawas ay nakakabwisit yung pers part.... ubos oras lungs. Saka tengene... may repeat performance ng mga nakalabs nila. Like, redundancy?!!! Saka, walang masyadong creepy feeling akong nadama ng nakita ko ang mga zombies (except yung zombie na swimmers sa last part). Saka bitin ang eksena ni Ada!!! slurp...

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

7 comments:

  1. ganda nyan kakapanuod ko lng din nyan ilove alice ilove ada angas ee

    ReplyDelete
  2. at dahil ito ay tungkol sa zombies.. napanood na rin ito ni mama -- ang nanay kong adik sa zombie movies.. :))

    ReplyDelete
  3. i loved the first two movies in the franchise. medyo napangitan naman ako sa sumunod na dalawa. I hope mas maganda nga itong latest installment. sayang ang kaastigan ni milla jovovich kung di nila nagawa ng maayos. :)

    ReplyDelete
  4. di ko pa napapanood to. actually ung unang movie lang ang napanood ko hahaha.

    ReplyDelete
  5. spoilers! lol.

    sasang-ayon ako kay nightcrawler. hindi ko na trip kung mga sumunod na movies. wala na sa orig na kwento sa game eh. mas ayos pa Underworld! XD

    ReplyDelete
  6. zooper fan talaguh ako ng rezident devils! bata pa ko nung nagsimula ang movie series na to...zoooo awesome..lalo na't nilalaro ko ito dati sa PS1 pa! oh ha..di ko na binasa lahat sabi mo kasi me spoilers...pero aabangan ko yang ada na yan..bat ba kasi may SLURP :P haha

    ReplyDelete
  7. napanuod ko to kahapon! :) agree ako wala ganong creepiness, bukod dun sa mga swimming zombie sa huli.

    aliw na aliw ako sa red dress ni Ada Wong, ayaw mag slit! Walang hangan ang slit nya haha :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???