Thursday, March 7, 2013

It Gets Better!

Sawadee Krab! Kamusta na kayo? Ui... lapit ng ang weekends sa inyo. Malapit na kayong magkaroon ng break from work. Ako? Heto, kasalukuyang nakakulong sa apat na silid ng maliit na tinutuluyan, nonood tv, lalaro ng games.... mag.......lalaba. hahahaha. 

For today, share lang ako ng isang peliks na pinanoods ko kagabi since ako ay naka-restday. Ang pelikula ay mula sa DVD na nabili ko sa quiaps na pinirata from the land nila Mario Maurer. Ito ay ang peliks... guess what????.... tama....  "It Gets Better"!


Ganto ang flow ng wento. Merong taklong different wents sa story na nag-aalternate sa movie......


Una, merong isang girlay na nasa parang around 40's na na pumunta sa isang probinsya ng Thailand. At doon niya makikilala ang isang boy na mas younger sa kanya. Eventuallymay mangyayari sa dalawa. Pero si girlay ay di orig na girl. Isa syang producto ng pagpapalit-anyo... isa siyang tranny.


Second ay isang wento ng isang binatliyo na shumeshembot at chumachacha dabarkads na suot ang daster ni inay. Isa siyang sirena...... e nakita ng pudrakels niya. Ayun. Walang gulpihang naganap. Dinala lang si boy sa liblib na lugar upang maging monk. Kinalbo at inahit pati kilay. But merong boy crush si koya sa isang senior monk. 


Third naman ay isang guwaps na guy (may hawig sa local artista sa pinas na hindi ko maalala ang name) ang umuwi from america at sinundo ng mga showgays. Ang istorya pala, natigok ang tatay niya at sa kanya iniwan ang share ng isang negosyo... yung Gay bar na parang club Mwah. So umuwi siya para pagdesisyunan na ibenta ang club. May pagka-beklergic si boy.... pero mukang nahulog sya sa isang tranny....

Pero.... eto ang twist..... connected ang story ng tatlo. It seems na ang 2nd story ay ang pinaka-umpisa.... yep. Si sumasayaw na bekilou blanco ng chacha. tapos napunta sa pagmomonk. Pero doon siya nakapag decide na maging pusong bato pusong mamon.

Tapos si girlay na tranny sa first episode, ayun na si boy. Girl na sya with pechay and everything. Pumunta siya sa probinsya para makita muli yung tatay niya. Nagkaroon sya ng medyo sexlife at lovelife na walang pake kung transgender siya or hindi. But..... at the end, nabaril sya sa pagtanggol sa tatay niya na ninakawan sa bahay.

At ang last part pala ay ang current. Si boy guaps na galing USA na ibebenta yung bar ay junakis ni boy chacha dabarkads. It turns out na nagkaasawa at anak si Tranny before magpa-sexchange. Kaso, nahuli nanaman siyang nagsasayaw ng chacha... Ayun, divorce at itinago sa anak ang past ng tatay.

Ang score sa pelikula ay nasa 8.5. Not so great pero hindi sablay at hindi waley. Dito sa pelikula ay may approach kung ano ang mga perspective at common judgement at problem na kinahaharaps ng mga babaeng trapped sa katawan ng lalaki.

Ang peliks ay hindi bagay sa mga close-minded folks at masyadong makitid ang isip na hindi matanggap na merong other gender aside from the normal boy and girl. 

medyo misleading lang ang poster ng peliks sa takbo ng wento. hahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna, Take care!

8 comments:

  1. wala ngang connect yung poster sa kwento hehe.. pero mukang interesting sya ;)

    ReplyDelete
  2. ay teka, mukhang maganda yang Thai film na yan ah. mapanood nga din hehe.

    ReplyDelete
  3. interesting pero naligaw ang makitid kong utak..

    ReplyDelete
  4. na curious naman ako diyan... mukhang maganda ang film na yan.... ^^

    ReplyDelete
  5. mukhang interesting ang tema ng peliks. at mataas ang iyong iskor, hindi siya waley

    ReplyDelete
  6. haha oks talaga pag madame story sa isang peliks nu
    parang hal;ohalo
    dame mo matitikman
    un third parang DIVA ba un, ung kay regine
    hmm sa tingin ko si mikael daez kamuka nya dyan sa shots na yan ahh

    ReplyDelete
  7. Khanto good day ... pwedeng i-repost ko sa aking blog iyong Lessons In Life post mo ? Like ko kasi siya very much kaya gusto ko rin magkaruon ng sariling version he he he ... pwede ba ? Thank you !

    ReplyDelete
  8. I'm starting to like your blog. Your way of writing makes it more funny and interesting to read. Keep it up Khan!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???