Isang magandang friday morning sa inyo mga khantoters(masagwa ba?) ahahah. Kamusta na ang mga buhay-buhay? Tama na muna ang mga review-reviehan ng mga books at promote-promotan ng mga movies. For this day, personal wento muna ang aking ishashare. ahaha.
For this week, magshashare ako ng 5 things na tumatakbo sa isip ko. ahaha. me ganun? oo me ganun! Mejo lengthy lang tong entry na to kasi magbubuhos ako ng saloobin.
1. Old team outing
Last weekend sumama ko sa team building/outing ng former team ko sa opis. Isa akong feelingero na nakijoin kahit alam ko na tapos na ang aking part bilang old member. Pero kahit ganun, i feel like i want to bond with the new members and as well some old dahil kahit paano sila-sila din naman makikita ko sa opis kahit di ko na ka-team.
masaya kasi nakasama ko mga friends at nakakilala ng new friendships. But it just make me wonder, tama pa ba ang ginagawa ko na para kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa dati kong team? Masyado ba akong nakakapit sa past na di ako maka-move-on?
2. Interview
Last wednesday, ako ay sumalang sa isang interview. Nagtatanong kayo kung anong interview? Ito ay for a training program dito sa opisina namin kung saan ang mapipili ay magiging parang mentor-mentoran sa possible new hires.
During the interview, para akong sinilaban at ginisa. Hahah. Nagmantika ako sa pawis dahil mainit sa room na walang aircon at sa kaba. Demn. Naging uber active ang sweat glands ko. Tapos tapos sa mga tanong parang di ko nasagasaan at nasagot ng tama ang ilan sa katanungan.
Di ko alam kung papasa me kasi madami ang nag-apply. 5 ang slots na available tapos jumpak sa dami ang applicants... 22! O ha! 5 out of 22 ang makukuha. Kamusta naman me? di ko pa alam ang resulta pero magdadasal me. ahahhaah.
3. Condo
Last wednesday afternoon, mineet ko ang aking mga HS friends/berks dahil meron kaming sleep over get-together. Ang lokasyon ay sa new condo unit ng isa sa aming kaibigan. Ito ay located sa may bandang Marikina Area.
Na-amaze me kasi buti pa yung friend ko may sarili ng unit. tapos may pool pa na pede kang mag-swim-swim para pampapayats. hay. na-iinggit me ng slight. Parang gusto kong magkaroon ng sariling condo unit para pede ako magbabad sa tubig halos araw-araw! Ang kaso ang mga unit ay tumataginting na 10k a month. San naman me kukuha ng ganun? this will lead me to number 4.
4. Work Abroad
As i metioned above, mejo costly ang magkaroon ng sariling condo unit so therefore dapat malaki ang iyong datung. ♫It's all about the money money money. ♫I do need the money money money. Kaya ang solusyon ay makahanap ng trabaho abroad. (♪♫nag-aabroad sila... gustong yumaman..yumaman..yumaman)
May naikwento kasi sa akin ang mga HS friendships ko na ang isa pa sa aming kaberk na nasa SG na ay may tumataginting na 100k ang weldo. Juskopong pineapple! Honloke-loki ng kumikitang kabuhayan ng aming friendships. Nalula me.
Kung ganun ang seldo ko, aba, mag-sisingapore na nga din me. lols. Pero on the serious side. Nakaka-engganyo nga pero nakakatakot din. You know, loneliness abroad. Speaking ing english/ slight chinese.
Isa pang factor ay halos konti na lang nalalaman ko. Mostly ang alam ko lang today ay mag-remove ng virus ng pc at mag-install ng aming AV. Limot ko na ang programming sa VB. Wala me masyado knows sa networking at etc. Paano ako mag-aapply abroad kung ang knowledge ko ay tila katiting lang.
5. Lovelife
Sa aming grupo ng HS friends, ako na lang ata walang lablayf. Ahahaha. Lahat sila may jowaers samantalang me ay bokyakels. Napaisip ako, hindi kaya di ako marunong magmahal?
Ewan ko... hanggang crush lang ata ako. Di ko alam. Parang hindi puso ang tumitibok e,... yung anoo. hahahaha. Parang laging utak at isip ang nananaiig. hay naker.
Nagpapaka-inspired ako lately pero wala. bokya. Hindi kaya sa abroad ako makakahanap ng mamahalin? lels.
O sya, tama na ang kadramahan sa buhay. Ingat mga people at take care coz i care!
Fresh Friday to all!
malay mo makapasa ka dun sa interview daba! at ung sa Singapore, balak ko ding pumunta dun pero pasyal lang hehehe. yun lang muna :D
ReplyDeleteoh ha base!
ReplyDeletegelowwwwwwwwwww..
ReplyDeletewala naman masama kung sasama ka sa old team mo.. ako imagine.. sumasama padin ako.. hindi naman sinisiksik ang sarili.. it's just that you're reaching out to them pra in case na need nila ng help my kuya silang lalapitan at hindi sila maiintimidate kase they know na approachable ka and accountable.
-angbabaenglakwatsera-
bakit ganun nag log in naman ako nakalagay pdin anonymous
Gudluck sa resulta ng interview mo pare...at sa pagbabalak mong magwork sa SG... kaya mo yan tutal binata ka pa naman, okay lang di ganito malungkot. At pag mayaman ka na, makakbili ka na rin ng condo na may pool na pampapayat. LOL
ReplyDeletemorning khanto...
ReplyDeletegoodluck....mag ssg ka na din pala :)
wala kang lablayp?? weeeeeeee.. hehe!
ReplyDeleteGood luck! sana maka trabaho ka abroad para magka condo ka.. 100k ang sweldo!!! bongga, grab it na..goooo..
sana makuha ka sa lima, pre. para makabili ka na ng condo at magkaron ng sariling lablayp. oo, connect the dots talaga 'to. hehe.
ReplyDeletekhantotantra. Sigi Abroad na.
ReplyDeletehabang singol pa.
Hey! Kris here of krisjasper.com.
ReplyDeleteTHanks for visiting my site.. Just got hooked with work stuffs thats why I couldnt get back any sooner.
Mukhang madami kang problema. Hahaha. Ang sakit nyan sa ulo. Malay mo nga ang pag-aabroad ang sagot sa lahat ng problema mo? You'll have a new team, dun ka magiging trainor, makakaipon ka para magkacondo at magkaswimming pool at magkalovelife ka ng bongga! Haha. Kay go na! Marerevive din ang knowledge mo na yan kapag nagtatrabaho ka na. Haha. God bless.
ReplyDelete@bino, ako magssg as bakasyon din dis sept.
ReplyDelete@bino, base ka nga
@babaenglakwatsera, ehehe, honga, mukang napaparanoid lang me.
@moks, hahaha, honga, habang single pa, pwede
ReplyDelete@jayrules, balak pa langs
@mommyrazz, uu, singol me
@L, sana nga. :D
ReplyDelete@DiamondR, sige, aapply me
@jasper, thats okay
@yow, hahaha, madaming naiisips, sige i will try
ReplyDeleteNaks! andameng update ah...pero good luck nalang sa lahat khanto boy lalo na sa labslyp kasi dapat hindi torpedo..goness!! :)
ReplyDeletePst balitaan mo kame sa result ng interview mo ha? :) okay lang yan, wag madaliin magkajowa. Ang mga nagmamadali kadalasan nadadapa.naks.
ReplyDelete@tabian, heheh, uu, madami updates
ReplyDelete@k, yep, balitaan ko kayo :D