Monday, July 18, 2011

Weekend Wento

Naantok na ako kasi medyo kulang ang tulog ko pero kailangan ko na iblog tong wento para wala na akong proproblemahin. 

Last saturday, merong event sa opis called da 'Tech-U'. Eto ay pinaikling technical university kung saan may mga parang seminar and trainings about upcoming technology and cheverlin na gagamitin ng aming kumpanya. Though meron pasok me ng 2pm-11pm, pumasok me ng maaga to join the trainings nung umaga.


Nakakuha me ng shirt at libre ang tsibog nung tanghali, hapon at gabi. ahahaha. busog ang tiyan. after ng shift ko ay diretso naman us sa crown plaza sa tabi ng galleria para mag check-in. Hehehe, pasusyalan ng konti kasi ang opis at lahat ng engineers/employees ay pedeng mag stay for a night dun kasi kinabukasan ay doon gaganapin yung pinaka-main event. 

12 na ng hating gabi nung kami ay magcheck-in. 3 persons sa isang room. Malaki ang room at bongga ang accomodations. eheheh. Nagkape muna kami sa tiendesitas para magwentuhan at mga around 3:30 na ng umaga kami bumalik to sleep.


Ang larawan sa itaas ay mga kung anong-anik-anik na napagtripan kong picturan bago matulogs. Maaga ang session ng sunday morning kaya kahit mga 3 hours pa lang ang tulog at bangag-bangag pa ay nagprepare na kami.

Buffet ang breakfast at syempre, happy-happy nanaman ang tiyan ng mga madlang pipol. Sayangs at nahiya me na magpicture ng mga foodlaloo at kahit sarili kong plate ay di ko nakuhaan ng larawan. Yum yum kasi almusal pa lang, parang pang tanghalian na ang nakain ko.

During the session nung umaga, nag-discuss ng mga technology and share ng info ang mga guest speakers. Kahit naantok me at nanonosebleed sa technical terms ay kinaya ko at tsinaga. Kailangan kasi nandun ako for the raffle. Ahhha. 

Ang raffle ang mahalaga kasi 6 na IPAD ang ipapamigay. Kaso amportunetly ay di ako ang maswerteng natawag. Swerte nung 6 persons, ipad yung napanalunan nila... ahahah.

Natapos ang tanghali at tapos na ang event. Natapos sa another chibugan gallore, check-out sa hotel at ang freebie na jacket.


May pasok ako ulit ng 2pm kaya pagdating ng shift ay bagsak me. Ahahaha. Buti idleness at nagkatime para sumundot ng idlip/power nap. 

At dyan po nagtatapos ang wentong umubos ng ilang minuto ninyong pagbabasa. ahahahahahahaha.

Monday na pala. Melodic Monday to all! TC!

23 comments:

  1. Astig naman ang Trend Micro, merong ganyan, hehehe! =)

    ReplyDelete
  2. trend micro pala ! heheheh ala lang

    ReplyDelete
  3. red na red ang t-shirt! masakit sa mata.. joke! nice shirt at jacket libre eh, haha!

    madalas din ako kulang sa tulog these past few days.. hay life.. hehe

    ReplyDelete
  4. makalipat nga dyan.. LOL.

    obvious sa tiyan mo na marami kang nakain.. hehehe.

    ReplyDelete
  5. pernes naman--totyalan talaga company.me libreng shirt at anik anik--me free meals pa tas me check in accom pa.take note, hindi sogo hotel kundi crowne plaza.san yan.makapag-apply nga.namiss ko bigla magtrabaho sa isang desenteng kumpanya.hehehe

    ReplyDelete
  6. anong company nga yan... makajoin nga.. hehehe

    ReplyDelete
  7. heto pala yung nababasa ko sa twits mo kahapon... at parang lalo kang lumalaki pare...Wala lang #justsaying

    ReplyDelete
  8. sosyaal.... anyway... naaliw ako sa kwento mo.. me na-knows me bagong word..

    ang foodlalooo... hahaha cheber.. lolz

    ReplyDelete
  9. @isp101, uu, nasusyalan din me

    @bino, lels

    @mommyrazz, hehehe, lagi ka online ata e

    ReplyDelete
  10. @suplado, hahahah, uu, yan ang sumpa sa opis, lolobo ka

    @pusangkalye, lols, honga no, pano kaya kung sogo hotel ang event namin. hahaha

    @kikomaxxx, trend micro :p

    ReplyDelete
  11. @moks, waaa. lumalaki ulit me. :p

    @egg, lols sa foodlaloo

    ReplyDelete
  12. penge akong jacket! haha! sa tiendesitas ba call cen'ner niyo? nagpunta ko dun last weekend kasama si dude. dun siya nagpapaderma. wolo lungs! perstaym ko lang kasi dun. haha!

    ReplyDelete
  13. Wow. Ang gondo naman ng company. Haha. Ang galante.

    ReplyDelete
  14. kailan ang susunod na training? makadalo nga.

    ReplyDelete
  15. @l, sa tabi kami ng medical city

    @yow, minsan galante :p

    @akoni, baka pasko na ang next. :p

    ReplyDelete
  16. mukhang enjoy ang event may mga freebies!

    ReplyDelete
  17. Sayang ang iPad 2. Pero OK na din 'yung jacket. LOL!

    ReplyDelete
  18. oi nice ang jacket impairness!

    at ang daming chibugan ha.. hehe

    ReplyDelete
  19. @kaetondrunk, hahaha, ayos nga sa freebies

    @gasdude, uu, sayang ipad, sana name ko nakuha :p

    @tabian, uu, daming chibog

    ReplyDelete
  20. Ikaw na ang updated sa technology.

    Sarap ba tsibug?

    Tapos, effective ang powernap. Nagkakapower ako diyan, nainit ang ulo ko.Hehehe

    ReplyDelete
  21. hangganda ng jacket. akin nlng. ehehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???