Thursday, August 4, 2011

Babae sa Septic Tank

Cinemalaya, yan ang halos bukambibig ng mga madlang pipol lately sa mga blog, pesbuk at twitter. Kaya naman bali-balita na tumabo at pila-baldelicious ang isa sa mga kalahok sa cinemalaya... heto ang Babae sa Septic Tank.

Nung malaman ko na meron na sa sinehan ang Babae sa septic tank, e syempre minarkahan ko na ang petsa ng huwebes para manood ng peliks. Since di ko naman feel ang 'Rise of the Planet of the Apes', no hesitation ako at nag buy na ng ticket.

Madami din ang kasabayan ko manood sa movie schedule ng 5:30pm sa Robinsons Galleria. Andaming trailer kong nakita bago ang actual movie. 

O eto na, matapos ang paligoy-ligoy na achuchuchu at extra wento, umpisahan na ang review.


Ang peliks ay isang indie tungkol sa 3 pips na nagbabalak gumawa ng indie film tungkol sa isang babaeng may pitong junanaks. Ang tatlong pips ay may target na maging sikat sa indie film kaya naman nagplano sila ng perpektong scenario with perpek actress. At dun papasok ang pag-pili nila kay Eugene Domingo bilang lead actress sa kanilang peliks.

Kung nagtaka kayo kung bakit Babae sa Septic Tank ang title? kasi magkakaroon ng eksena sa septic tank. yun lang yun. Medyo lihis ang pangalan ng movie sa tinakbo ng peliks.

Ang iskor, 7.77,  Shit-e, syet-e, Shete. ahahaha. Kasi ang movie sa huli ay tungkol sa tae. So-so lang ang movies. Paulit-ulit na paiba-iba. magulo. ahahah. I know it's indie at it's malaya kaso dehins ko much ma-feel ang spirit ng story.

Magaling naman ang mga actors kasi swak sa kanila ang role. Oks si JM de Guzman at Kean Cipreano (tama ba ispeling?). Bagay sila bilang young direk at produ for indie. Mahusay din si Eugene Domingo sa pag-arte bilang the lead role ng indie film.

Funny eksena yung 3 different acting: Elevator, TV Patrol at 'As it is (not sure yung exact term). :p

Ok naman yung naging takbo, creative na ewan. hahahaha. If you will ask me, mas maigi kung sa cinemalaya pinanood kasi balita ko mura lang ang ticket. Kung papanoorin sa sinehan, not that really woth the money. It would really depends on your choice.

24 comments:

  1. papanoorin ko 'to this weekend since nandito na ko sa pinas! haha.

    ReplyDelete
  2. Manunuod ako nito sa Sabado I think.. hahahah.. sana masiyahan ako.. sa tae.. haha

    ReplyDelete
  3. watched this already. the best! maganda at di lang basta maganda ha. basta!

    ReplyDelete
  4. shete. wahahha.. adik. this sat din kami nanonood nila tabian.

    gustong-gusto kong manood ng mga indie films kaso hindi umaabot ang screening dito sa cebu. pwera nlng kung gawing mainstream yung movie o iproduce ng malaking prod.

    ReplyDelete
  5. kelangan ko na talagang panoorin 'to may review ka na...dapat mapanood na..hahahaha

    ReplyDelete
  6. hahahha! interesting. basta eugene domingo, panalo to! salamat sa review. i'm your new follower =)

    ReplyDelete
  7. Maganda naman daw? Kanina hinahanap namin to. Nasa Galleria lang pala meron. Hahaha. Sayang naman. Sana nanood na lang kami.

    ReplyDelete
  8. trailer lang napanood ko...basta si eugene ang gumanap malamang maganda ito...

    sana mapanood ko din!

    ReplyDelete
  9. haha! junanaks!! ay di pala maganda, bkit kaya naging best actress si Eugene Domingo jan? hehe!

    Gmorning khanto..:))

    ReplyDelete
  10. ako rin, i watched it yesterday and feeling ko over-rated yung reviews. it's either that or wala lang talaga kong artsy bone in my body para maappreciate sya ng todo todo. hehehe. pero tama ka, okay lang sha pang cinemalaya at ndi pang mainstream.

    love ko rin yung 3 levels of acting nya dun. super lafftrip ako dun! :)

    apir!

    ReplyDelete
  11. Aw.. kahapon, naubos ang oras ko kakahanap ng sinehan sa bulacan na showing yan, ayun sa kabutihang palad, di man lang nakaisa. Hindi ko babasahin review mo, hahaha.. Gusto ko talaga syang panoorin. hehe

    ReplyDelete
  12. Nung unang nabanggit to ng frend ko, kala ko Horror-comedy, kasi dahil sa title, catching siya.
    Plan din namin panoorin to pampalipas oras.

    ReplyDelete
  13. Buti nabasa ko review mo, balak ko pa naman panoorin to bukas, dahil walang ibang mapanood. Kaya sa dvd ko na lang papanoorin.

    ReplyDelete
  14. di ko binasa. panonoorin ko ito.
    pangit o maganda basta manunuod ako

    ReplyDelete
  15. @jkulisap, watch it, ok naman sya

    @moks, mahirap humanap pirate lately

    @yods, watch it

    ReplyDelete
  16. @md, meron sa rob.gale

    @k, kulit nung tv patrol acting

    @mommyrazz, magaling si eugene d. sa movie

    ReplyDelete
  17. @jay, watch you. oks naman e

    @iya, uwi ka pinas, now na

    @yow, meron gale at sm

    ReplyDelete
  18. @lelay, thanks

    @tabian, talagang kailangan? ahahaha

    @nieco, watch na kayo ni tabian

    ReplyDelete
  19. @bino, for me, oks lang. pero more on the good part

    @xander, oks sya

    @suplado, welcome back!

    ReplyDelete
  20. Okay lang ang movie na to para sa akin, pero kumulang sa istorya. Mas mahal panoorin sa Cinemalaya. Mura na yung ticket price sa mga sinehan.

    ReplyDelete
  21. True. Nakakatawa yung ibang scenes, pero overall parang empty.

    Tapos yung part na musical sobrang ang dragging.

    ReplyDelete
  22. @will, sabi kasi ng pinsan ko nasa 70 lang sa cinemalaya e.

    @robbie, hahaha, nakakaantok ng slight yung musical, hontogol!

    ReplyDelete
  23. Ah, 70 pesos kapag student ka. Hehe.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???