Thursday, August 25, 2011

Tag-a-Tag

Pesbuk, it ang social networking sites na popular as of the moment. Ito ang nagpataob kila multiply, hi-5, friendster at myspace. Ito ang place kung saan ang mga pilipino ay nakikipag-interact sa mga iskulmates, friends, family, kakilala, kakilala ng kakilala, kakilala ng kakilala ng kakilala, total stranger at kung anung anik-anik pa.

Isa sa feature ng pesbuk ang tagging. Eto yung pamamaraan na mamemention ka either sa status o kaya sa pics. Eto ay isang paraan para makuha ang iyong atensyon kung sakaling sandamukal na friendships ang meron ka tas di mo na magawang alamin ang mga kung-anu-anung info about sa friends na iyon.

Magandang feature ang tagging pero minsan it is so annoying. Wow, inglish. Oo, it's so frustrating minsan ang tagging feature kasi may mga cheverlyns na bigla na lang magtatag sa iyo ng walang ka-konek-konek sa buhay mo, sa buhay ng friend mo at kung ano pa.

Today, tila nainis na ako ng sobra. wakokok. Pano kasi nung nagbrobrowse ako ng pics na natag ako, aba may isang product ang bonggang-bonggang na tag ako ng like 12x!!! hondomi!!! At heto ang catch, wala naman ako sa pic o kaya wala ako interest sa pic na tinag niya.

Gusto nio ba malaman ang pics? heto:




tatlong pics pa lang yan, di ko na isasama yung ibang inuntag ko. lechegas! :p

Hodiba?! Sinusupalpal sa pes ko na kelangan ko pumayat! Like seriously?!?!?! Knows ko naman na bumubilog na talaga ang shape ko at wala na akong edge... puro curves! pak! Pero hindi nia kailangan pagduldulan na needed ko ang slimming cheverloo nia! Ampotaena!

Kaya inabot ako ng like almost 30 mins. untagging the pics na pinag-tatag nia at pasimple akong nagclick sa report this chuva link. Kainis langs!

Hokey lang naman mag-tag e basta hindi in a spamming manner na totally parang naging album na ng slimming food supplement ang profile ko.

Kapag ako na-tag pa ulit ng lecher na lean and fab na iyan, talaga naman, unfriend ang mangyayari! lols.

O sia, hanggang dito na lang. wakokokokok. matutulogs pa me. :p TC at mag-remove na din kayo ng pics sa fb na tinag lang kayo ng basta basta na di nio naman feel :p

18 comments:

  1. kaya nagdelete ako ng mga nasa list ko na mahilig magtag ng mga products na yan ahhaha. ginagawang classified ads ang fb account ko lol

    ReplyDelete
  2. hahahahaha buti na lang merong untag. hehheh. madalas ako mag untag eh. . oo magpapayat na daw tayo. hehe

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  3. dapat kasi i-private mo ung tag sa profile mo gaya ng sa akin.. hehe!

    kakainis nga din ung gnun, kaasar pa.

    ReplyDelete
  4. Dahil nga masyado ng sikat at halios lahat ng tao ay may account na sa FB, kaya nauuso ang ganitong paraan ng marketing. Tipid nga naman sa advertising at promotion.

    Yan ang nakakainis minsan pag natatag ka.

    ReplyDelete
  5. Buti nalang wala pang gumagawa sa akin ng ganyan.. Pero kung meron man remove tag kagad.. hihi

    ReplyDelete
  6. Kain lang ng kaning lamig hehe

    Punta kayo sa blog ko at may libren turon at softdrinks! hehe

    http://barttolina.blogspot.com/

    ReplyDelete
  7. same here! nireport as spam ko na nga sa inis e hehehe

    ReplyDelete
  8. isa lang ibig sabihin nyan:

    magpapayat ka na Gelo! :))

    ReplyDelete
  9. hahhaa sabay tayo chong.. ahahaha

    ReplyDelete
  10. Ako din nag-uuntag ng ganyan. LOL. At isa pa, nakahide din ang tagged photos ko sa wall ko. Di rin makikita. Haha.

    ReplyDelete
  11. @bino, hehehe, gagawin ko na din ata un

    @lelay, true!

    @kamukamo, tama, papayat na

    ReplyDelete
  12. @mommyrazz, oks lang matag wag lang gawing ad place page ko :D

    @moks, tama ka dyan!

    @empi, lols

    ReplyDelete
  13. @poldo, hehehe, ako gagawa ng tag sa iyo :p

    @iya, wakokokok, sige na nga

    @bart tolina :D

    ReplyDelete
  14. @sikolet, tama, report dapats

    @suplads, ahahahah, oo na

    @kikomaxx, hahaha,

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???