Friday, August 19, 2011

Reunion 4

Reunion serye:
Part 1
Part 2
Part 3

Si cyborg Kurochan ang pusang itim na bigla na lang umeksena sa gitna ng kasiyahan ng mga tao. Ang lahat ng mga panauhin ng nasabing reunion ay napatulala na lang.

Inagaw ni Kurochan ang mikropono mula sa mc ng programa. Tiniyak niyang ang mga taong nasa loob ng bulwagan ay nakatingin sa kanya bago siya magsalita.


'lapit mga kaibigan, at makinig kayo! Listen up yo! Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko! Listen closely yo! May ibabalits ako sa inyo!!!'

Naiinip na ang mga tao sa ginagawang delaying tactiks ng itim na pusa kaya may mga nagbato ng kamatis sa mukha nito.

'Bilisan mo na! nong inaantay mo, tumanda pa kami lalo????'

Ang mga kamatis na hinihagis ay nanggaling pala sa tatlong batikang tagapagtanggol ng Japan. Sila ay walang iba kundi sina, red, black at blue mask. Sa tagal ng panahon ay tumanda na ang itsura nila.



'Nagmamadali mga guranggers? May lakad? Ililibing na ba kayo bukas kaya inaapura ninyo ako?' sabi ni Kuro sa tatlo.

'pumanaw na si Machineman!' Malungkot na pagbabalita ng itim na pusa.

Naguluhan ang lahat. May nalungkot. May mga nabigla. At merong Nagtaka. Andaming nagbubulungan ng kung ano-ano. May maririnig ka na nagsasabing nakakaawa naman at pumanaw na si Machineman pero meron nagtatanung kung sino naman yung Machineman na nabanggit.

'E who naman yung Machineman na iyon?' Tanong ng isang saging sa isa pang kapwa saging.


'Hindi mo kilala si Machineman? Siya yung hero na may kapang gawa sa plastic cover! You know yung may sidekick na baseball na called Buknoy!' Sagot ng isang manong.


At nagflash sa screen ng stage ang isang larawan ni Machineman kasama ang kanyang ever loyal sidekick na si Buknoy.

'Ah... sya pala si Machineman' Sabay na sagot ng saging ng tadhana. 'Teka sino ka naman tanda?' tanong ng dalawa


'Ako? Di ninyo ako maalala? Ako? Sigurado kayo?' Sagot ng lalaki

'Hindi, di ka namin kilala! Magtatanung ba kami kung alam namin?' Sagot ng kambal.

'Ako lang naman ang taong langaw este ako ang superhero na kilala ng mga tao! Ako ay si Robert Akizuki na mas kilala bilang si Mask Rider Black!'


At ipinakita ang old pic ng lalaki. Nagsireminis ang mga tao sa bulwagan kung pano nga tumatak ang isang mask rider black sa kanilang memorya. 

'Teka, teks, di lang iyon ang aking news! Ang isa ding hero noong 90's ay namayapa na. At ang mas shocking news ay rebelasyon na naging magjowa pala in real life si Alexis at Annie!!!'Kwento ni Kuro.

Ipinakita din sa screen ang larawan ng dalawang famed bida ng 90's. 


Lahat ng tao sa loob ng event ay natahimik sa narinig. Lahat ay nag-alay ng maikling sandali para manalangin sa mga pumanaw na hero. Matapos ng ilang minutong katahimikan ay sinipa ng host ang itim na pusa para ipagpatuloy ang programa.

'Bago pa tayo magpatuloy sa program, nais po muna naming pasalamatan ang mga taong nasa likod ng mga masasarap na anik-anik na foodies na ating nikain. Thank you sa nag-iisang Cooking Masterboy at sa Yakitate Japan team!'



'At sa pagpapatuloy ng ating programa, ibibigay na ang mga major prizes. May tatlong mananalo ng mga super duper prizes!' anunsyo ng host.

'Unang premyo ay itong super ganda at super nice na selepono na Nokia 5110. Kilala sa super black and white feature at sa games na memory, logic at snake. This one is surely a baby! Pede kayong mamili ng desired color!'


'And the winner is.................... Doraemon!' at napatalon sa tuwa ang pusang techie! Nagmadaling kinuha ang seleponong napanalunan.


'Next ay ang upgraded version ng selepono kanina. This time, mas compact at mas maliit ito at walang antenna. Kilala ang cellphone na ito sa larong Space Impact! Yep, it's a brand new Nokia 3310!!!'


'Ang masuwerteng nilalang ay si..................................................... Mojacko!' At humaba ang dila ni mojacko para kunin ang kanyang napanalunan.


'At for our very grand prize.............'

Itutuloy........................

Note: -Abangan ang last episode ng seryeng reunion... :D
         -ang mga larawan na ginamit ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha lang sa google search :p

O sya, hanggang dito na lang muna. TC folks!

8 comments:

  1. homaygad!!! nostalgia at its finest...hehe
    at some point in my childhood(umeenglish?) nawili ako kay machineman at kay buknoy, si mojacko din..inaabangan ko sila noon! weeeee!

    ReplyDelete
  2. di komalala ung tatlong hapon hahha. si robert akizuki tanda na. lol

    ReplyDelete
  3. na missed ko si B1 at si B2.. so cute nila, hahaha the fon.. 1st fon ko ay 3310.. i love doraemon, minsan gusto kong maging doraemon.. hehe

    ReplyDelete
  4. akala ko si Felix the Cat yung itim na pusa sa unang pic.. ahahahahaha! FAIL!

    fave ko sa lahat ng nabanggit sina B1 at B2.. bakit wala si Doding Daga? haha.

    ReplyDelete
  5. gelo win an iPad2 - Trend Micro Pilipinas. http://gepayporkchop.blogspot.com/2011/08/trend-micro-pilipinas-win-ipad2-contest.html

    ReplyDelete
  6. ako na po ang nagback-read.. hahahah.. ayus po ito.. nakakatawa na kilala ko sila lahat mula part 1.. napaghahalataan tuloy edad ko.. lol

    intay ko na yung susunod... hahaha

    ReplyDelete
  7. nalungkot lang po ako bigla kasi si machine man nanjan.. pero wala po si jiban at ang VR troopers? lol

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???