Sunday, August 7, 2011

P5: Pak na Pak sa Puerto Princesa, Palawan

Ayan na! Bumabalik nanaman ang kasipagan sa aking mga kadalirian kaya naman heto na at aking sisimulan ang kwentong kung-anong ka-anik-anikan lang.

Way back April ay nagkaroon ng promo ang Airphil kung saan nagkaroon ng sale ang flight papuntang kung-saan. Kaming mga taong nocturnals ay gising during that time kaya naman nagkaroon ng plano na magpa-book papuntang Palawans.

Last July 31, ang araw na napili para simulan ang 4 days-3 nights adventure. Though nagsisimula/papaalis na ata si Kabayan sa Philippine area, di kami nagpatalo at go go go kami sa airport para mag-fly around 12:20. AMPortunately, delayed ang fly-fly-fly ng megaplane kasi it's raining.. atsaka matrapik daw sa himpapawid. Around 1 na ata kami nakasakay ng plane at off to Puerta!Puerto!




Matapos makuha ang aming baggage ay nagulats kami na may nag-aabang na susundo sa amin. ahahaha. Nakalimuts ko na mag-cicity tour na pala kami kaagads. Bago sumakay syempre nag-photo-ops. Ang larawan ni Mapanuri at ni Jen a.k.a Bebang ang aking ipapaskil. hahahah. One sided si teh!


Bago magtour sa citey ay nagdecide muna kami mag-late-lunch kasi tomjones na tomjones na ang mga anaconda sa mga tiyan namin. Unang pinagdalhan sa amin ni Bebang ay ang 'Bilao at Palayok' kaso closed pa sya (5pm ang bukas). So nagpunta kami sa next destination na 'Balinsasayaw'. *walang pictures ng food dahil sa sobrang gutoms.

 Busog sana dito sa Bilao at Palayok!



Oks, solb na ang bituks kaya lipad na ang van na sinasakyan kasi konting time na lang daw ang nalalabi at magcloclose na daw ang croco farm. Ayun, hurry-strawberry ang nangyari. Buti at sakto lang kami for the last full show. Ahahahah. Bago pumasok ay nagpicture pa muna me ng ilan sa mga istap toy na binibinta dun. Yung iba ko naman kasama ay nagpapics sa isang mini butiki este croc. Then diretso na sa tour around the croco farm.


 Si Bangis!

 Yung pagong sa Finding Nemo?

 30 petot for photo-op

 Gigantic Crocobones

 Pedeng pang-wallet, bag at belt

Kapatid nila Lacoste at Crocs

After ng paglilibot sa mga lugar ng mga congressman at politicians buwaya, kumaripas na ang aming tour van papunta sa next destination, ang Mitra Ranch. Doon ay makikita ang over-looking ng Puerto Princesa at matatanaw daw ang Honda Bay. Aside dun, meron ding Zipline sama naghahanap ng adrenalin rash este rush.

 Isang private house sa Mitra Ranch

 Ayan, picturan na!

 Kahit sumide view ako kita na fats ko! shet!

 Getting ready!

 Weeeeee!!!!

Ayan ang tamang pag-zipline! lols

After ng Mitra, Bumaba lang kami ng konti at napadpad naman sa Baker's Hill. Dito ata ang lugar ni Kim Tak Gu (the Baker King). Dito matatagpuan ang masasarap na tinaps. Meron ding mini park for picture takings.


 Gaya-gaya, puto-maya

 Minamanyak akows! lols

 Nag-eemote koya?!

 Protektahan natin against cavities!

Merienda time!

Dapat sana ay mag titiyangge na kami to buy pasalubs sa day 1 pero since late na ay nagdecide na lang kaming tumambay saglit sa baywalk ng Puerto P. Yung mga photogs ng group ang nakasulit ng place kasi nag long-expose photography sila. ahahaha.

After ng baywalk ay diretcho na kami sa aming tutuluyan. Kami ay nagbook sa Victoria (hindi Court) Guest House. Dito ay na-LSS kami sa welcome song na pinatugtog. lols. 

Dit na din kami naghapunan. Nakakabundat kasi masarap yung nilutong eskabeche, sinigang na hipon at ginataang alimango. ahahaha


Then it's time to sleep. Wakokokk. Naunahan ako dun sa may malaking bed na pedeng pangdalawahan. sayangs. Hehehehe.

Yung nasa dulo yung hinigaan kow

Natulog na kami kasi kinabukasan is another day at time to hit the bitch este beach. :D 

To be continued.

Note: Kung sakaling may mapapadpad sa Puerto, nirerecommend ko yung tinuluyan namin. lols. Promotion time. hahahaha. Who knows, kailanganin ninyo ng murang tutuluyan at mababait na taong mag-aasikaso sa inyo. Heto pala yung link ng kanilang pesbuk page: Victoria Guest House and Cottages.

14 comments:

  1. puro gala! amf! hahahaha. napanood ko na nga pala ung video hehehe

    ReplyDelete
  2. panalo ang mga pictures!

    nung nag-city tour kami dyan ay natapat na monday kaya hindi ko nakita yang mga giant statues na nasa pics mo..

    pti hindi pa gawa ung zipline nung march kaya di ko pa natry..

    ako na ang loser!! LOL

    babalik ako sa palawan next year!

    ReplyDelete
  3. i so envy you....ikaw na ang pagala-gala! waaaahhhh! sana someday makapunta din ako dyan..

    ReplyDelete
  4. whahaha inggit mode... kailangan ko na talaga pumunta sa PP this year.... tas yung zipline i wanna try it...

    ReplyDelete
  5. kakainggit ka pre...

    Natawa naman ako sa picture mo na nakahiga, taas talaga ang paa...ang LANDEEH lang! LOL

    ReplyDelete
  6. Waaaah! Na-miss ko bigla ang Puerto princesa! <3

    Hindi namin napuntahan yung Crocodile Farm. =(

    ReplyDelete
  7. @bino, uu, lakwatsador na din ako. :p

    @suplado, balik ka na :D

    @iyakhin, pagbakasyon mo dito, try mo magpunta

    ReplyDelete
  8. @axl, uu, kailangan mo na pumunta sa PP

    @moks, hehehe, syempre kailangan kakaibang pic

    @robbie, oks lang, so-so lang yung croc farm

    ReplyDelete
  9. thanks for this! Ggamitin ko yang accomodation na yan if ever. Kaw nga pala friend ni Jeff na dapang-dapa ang hairlaloo. hahah! Never been to Puerto sayang.. Coron lang ako e. Fanatic, sana pala dyan na ko pumunta instead bumalik ng Coron. Just to compare lang.

    ReplyDelete
  10. @maldita, hehehe, talagang dapang-dapa??? balik ka ng palawans :p

    ReplyDelete
  11. @nieco, uu, hinarass ako nung estatwa

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???