Thursday, August 4, 2011

Forrest Gump

Life was like a box of chocolates. You never know what you're gonna get. 
 
 
 Ang quote na nasa itaas ay famous at alam na alam kasi laging natatanong sa mga game shows and trivia cheverlins. Pero kahit na matagal ng kilala ang movie na may sikat na chocolate line, kagabs ko pa lang nasaksihan ang peliks na eto. Yeah, i know, i'm suuuuuupeeeer, duuupeeer, mega to the nth power late para mapanood ito. ahahaah

Ang wento ay tungkol sa isang taong may namesung na Forrest Gump na nagwewento about sa kanyang buhay-buhay. Dito isinalaysay nia in a narrative form ang mga trials and experience niya during childhood, nung nagbinata, nung maging sundalo at after ng vietnam war. Included din ang wento ng lovestory niya sa kanyang childhood friendships na nagngangalang Jenny. 

Anong mga eksena ang mga nagustohan ko? Almost all lalo na sa eksenang nasa ibaba:

1. Nagpakilala sya sa driver ng school bus para hindi niya i-consider na stranger yung driver.
2. Nakapasok sya sa football team for college kasi tinatakbuhan niya yung mga bully.
3. Yung binalikan niya yung mga comrades niya na sugatan nung nasa vietnam war siya.
4. Kahit ilang beses nagkaroon ng rejection from jenny, minahal niya padin ito.
5. Naging milyonaryo/mayaman siya dahil sa shrimping business na pangako niya sa isang friend.

Nasiyahan ako sa panonood ng movie na ito kaya sa mga hindi pa nakakanood (mukang ako na lang ata ang hindi), i suggest you watch it. ehehehehe.

O sya, hanggang dito na lang muna. Rant post dapat to pero i choose to be positive kaya ganto ang lumabas. ehehehe. Saka ko na wewento ang Palawan trip kapag tapos na mag-upload ang ibang pips na kasama ko para makadekwat ng ilang larawan. ahahahaha.

TC!

13 comments:

  1. anong rant post ka jan, hehe! akala ko pagkain ang forrest gump, movie pala.

    ReplyDelete
  2. 1 sa mga mgandang story na napanuod ko na pelikula ni tom hanks rather than cast away simple lang ang movie n2 pero ang storya panalo

    ReplyDelete
  3. tama ka... be positive na lang kesa mag post ng rants. haha.

    ReplyDelete
  4. isa to sa mga naging fave ko noong elem o hs ata ako nun kasi napanood ko yung tagalize nito sa gma 7 ang ganda.... :D

    ReplyDelete
  5. Namesung talaga! LOL! Natawa ako dun ah. Matagal ko na to pinanood pero nagustuhan ko rin sha. Ito yung mga tipo ng movie na tumatatak e. And tama yan, choose to be positive!

    Have a great Thursday Gelo! :)

    ReplyDelete
  6. I have to watch this movie. that's all. lol

    ReplyDelete
  7. ganda kaya ng movie na yan!! nakakaiyak para syang kawawa pero never syang nag give up!

    ReplyDelete
  8. feel good movie. ehehe.. himala! ngayon mo lang to napanood eh mas updated ka pa sa sm cinemas. eheheh :P

    ReplyDelete
  9. @mommyrazz, di ko tinuloy magpost ng rant ko

    @palakanton, true, simple pero rock

    @empi, tomo

    ReplyDelete
  10. @axl, peborit ko na din

    @K, thank you

    @leo, watch na. :D

    ReplyDelete
  11. @iyakhin, uu, never give up ang motto nia

    @nieco, i know, hahaha, im so late

    ReplyDelete
  12. ang di matawarang poster ng isang lalaking nakaupo madalas kong gawin yan. the best ang movie na ito.

    ReplyDelete
  13. @diamondr, uu, gandang movie nga ito

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???