Sakto ako sa oras! Alas-dos na ng hapon at hindi ako papatali sa trabaho ko kaya naman mabilis akong tumayo sa aking pwesto, kinuha ang aking gamit at ako ay umalis na ng opisina.
Pagkalabas ko ng gusali, may kakaibang lamig ng hangin akong nadama. Di ko alam. Kinilabutan ako at di ko maipaliwanag kung bakit. Maya-maya pa ay natuklasan ko kung ano ang kilabot na nadama.
Sa aking pagtingala, may makakapal na usok ang natatanaw. Kasabay ng pagkakita sa usok ay maraming malakas na pagsabog ang umalingawngaw at nadinig ng aking tainga. Matapos ang ilang sandali, nakaramdam ako ng pagkahilo at dito ko napagtanto na umuuga ang lupa. Lumilindol sa aking kinatatayuan. Yumayang ang lupa.
Ilang saglit pa ay makakarinig nanaman ng tila pagsabog sa di kalayuan. At sa gantong sitwasyon, di ko napansin na madami na pala ang nagsisilabasan ng gusali dahil sa pangyayari. Ang mga tao ay hindi magkandarapa at nag-uunahan makalabas ng gusali sa takot na baka gumuho ito.
May yumayanig sa aking bulsa. May kanina pa pala tumatawag sa aking telepono. Marahil dala ng pagkabigla at sa pagproseso ng kaganapan, ngayon ko lang napansin.
Labinlimang tawag na hindi nasagot. Yun ang bumungad sa aking telepono. Kasabay nito ang tatlumpung mensahe mula sa aking kapamilya at mga kaibigan. Humanap ako ng pwesto para basahin ang mga isinasaad sa mensahe.
"Magandang balita! Pwede ka ng magpadala ng mensahe sa bawat kapamilya, kapuso, kapatid, ka-chokaran saan mang sulok ng mundo. Dahil sa GLOBO, konektado ka"- GLOBO
"Ngayon, hindi lang sa Globo pwedeng makipagkulitan sa mga kakilala, maaari ka na ding mangulit, mangistorbo at makipaglandian sa ibang network tulad ng 'ARAW' at 'USAP at TEXT'. Magparehistro lamang sa UNLIndian at ipadala sa 2366. Dahil sa GLOBO, konektado ka"- GLOBO
Ilan pa sa mensaheng aking natanggap ay mula sa walang kasawa-sawang anunsyo at pakulo ng globo. Nakakarindi kaya inisa-isa kong burahin ang mensahe ng mabasa ko ang importanteng mensahe.
"Binomba ang kalakhang Maynila. Sabi sa balita may mga ilang bomba pa ang pasasabugin. Umalis ka na dyan. Lumayo sa lungsod at magtago kung saan hindi maaabot ng mga pagsabog"- Inay
"Pare, Madaming sugatan sa tinatambayan mong pamilihan. Wag kang pupunta sa lungsod. Lumikas na kayo ng pamilya mo!"- kaibigan
"Labs, san na u, gulo na hir! nagkakalerks ang mga tao. Ingats ka, lablablablabyu."- 09558765234
Napakamot ulo ako sa mensaheng tila mali ang pinadalhan na numero. Pero di ko na inintindi iyon at sinubukan kong sumagot sa mga mansahe at ipaalam na maayos naman ako. Subalit wala ng kakayanan ang telepono kong magpadala ng mensahe. Wala na palang laman iyon.
Sinunod ko ang payo ng kaibigan at pamilya. Nagmamadali akong pumunta sa kalsada at naghanap ng masasakyan pauwi subalit ako ay bigo. Puno ang mga sasakyan at mahaba ang pila ng mga ito dahil sa mga taong nagtatakbuhan sa gitna ng daan.
Wala na akong sinayang pang oras at sinubukan ko ding tumakbo papalayo sa lungsod. Habang tumatakbo ay nakarinig ulit ako ng mga pagsabog at pagyanig sa lupa. Sa himpapawid ay makikita ang ilang eroplanong pandigma. Kasabay nito ay ang nahulog na bagay sa langit at isa isang sumabog ang bawat lugar na tamaan ng bagay.
Nagulat ako sa aking nasaksihan, tila nakakita ng maligno. Ang daan ay ngayo'y kalat-kalat dulot ng pagsabog. Sa isang banda ay ang mga katawan ng mga nasabugan at iba naman ay ang mga bagay na nagkandapira-piraso.
Kahit tila ayaw gumalaw ng aking mga binti ay pilit ko itong pinakilos para makaalis sa lugar ng karimarimarim na pangyayare. Sa bandang likuran ko ay nakarinig ako ng pagputok ng baril. Hindi mabibilang sa daliri ang dami ng putok na aking nadinig. Kasabay nito ang mga tangis ng mga taong tila tinamaan ng mga bala.
Di na ako nag-agam-agam at nagmadali ako papalayo. Isa lang ang nasa isips ko, makalayo at magtago. Naalala ko ulit ang mensahe sa akin. Umiwas sa lungsod. Lumayo. Magtago. Alam kong malayo ang kagubatan sa lungsod at aabutin ako ng ilang oras para lang makalayo. Naisip ko na wala akong magagawa kundi magtungo patungong gubat. Sa may bundok. Dadaanan ang palayan at ang malawak na damuhan bago marating patutunguhan.
Ilang oras na akong tumatakbo papalayo sa lungsod ng kapain ko ulit ang aking telepono. May mensahe pang dumating.
"Nak, lumikas na kami. papunta kami sa kagubatan. andito kami sa da malawak na damuhan at maya-maya ay di na kami makakapagpadala ng mensahe. Mag-ingat ka. Ang huling balita ay may giyera na at lahat ng tao ay pinagpapapatay. Ang gobyerno natin ay walang magawa para protektahan ang mamamayan. Sila ay nakipagsabwatan sa mga terorista na lipulin ang tayong lahat na nasa lungsod. Nawa ay makaligtas tayo".- inay
Anhaba naman ng mensahe. Nobela? Panitikan? Siguro ay anim na piso din ang nagamit para sa mensahe dahil di nagtipid sa letra ang aking ina.
Hindi na ako lumingon sa aking likuran at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nalagpasan ko na ang mababang paaralan kung saan ako nag-aral. Kita mula sa malayo ang pinsala na dulot ng pagpapasabog. Sa isang banda, natanaw ko ang silid-aklatan na puno ng nagliparang mga libro at mga katawan ng mga batang tila hindi nakaligtas sa pag-atake ng mga militar.
Nakalayo na ako sa lungsod ng may mas malakas na pagsabog pa akong narinig. Di ko na inintindi ito at nagpatuloy sa pagpunta sakaligtasan. Sa aking pagtakbo, may namataan akong mag-inang lumilikas din. Tangan-tangan niya ang kanyang anak na wala pang isang taong gulang.
May lumilipad nanaman na eroplano na tiyak magbabagsak ng bomba. Dali-dali kong nilapitan ang mag-ina at sabay na kaming nagmadaling lumikas.
Nasa bukana na kami ng malawak na palayan ng makarinig kami ng mga walang humpay na barilan. Nangamba kaming dalawa at daglian kaming nagtago sa matatayog na tuyong mga palay.
Sa di kalayuan, ang kagawaran ng depensa ay nagmamatyag kung mayroon pang mga nakatagong at nagkukubling mga tao sa kani-kanilang tahanan. Ipinag-uutos mula sa gobyerno na limpulin ang bawat taong makita. Lalaki, babae, matanda, bata o kahit ano pa. Walang ititirang buhay.
Ang hukbong kagawaran ay sumunod sa ipinag-uutos at inisa-isa ang mga kabahayan at walang awang pinagpapaslang at pinagbabaril ang mga naiwan sa kanilang mga tahanan.
Ako, kasama ng batang ina ay nagdahan dahang kumilos papalayo papunta sa damuhan para makalapit sa kakahuyan at sa kagubatan kumubli.
Nanguna akong lumakad at sa aking likuran ay ang batang ina. Iba-ibang kulisap ang nagtatago sa palayan. Malapit na naming maabot ang damuhan ng magising ang sanggol na dala ng batang ina. Dahil sa tahimik ng lugar, tila ang iyak ng bata ang tanging naririnig.
Itinaas ng babae ang kanyang damit at inilabas ang kaliwang suso para padedehin ang anak at para ito ay tumahan. Subalit hindi gutom ang sanggol. Patuloy lang sa pag-iyak ang bata.
Takot ang nangibabaw sa akin dahil may hinuha ako na baka sa pagtangis ng bata ay matunton kami ng sundalo at di na namin masilayan ang kinabukasan.
Naghudyat na lamang ako na magpatuloy at dalian bago pa marinig ng mga militar ang ingay na dulot ng anak ng babae. Nangunguna pa din ako.
Ilang saglit pa ay nakaalis na kami sa palayan at tanaw na ko na ang malawak na damuhan at sa di kalayuan ay ang kakahuyan at ang kagubatan.
Masaya ako at tila nakatulog na ata ang sanggol dahil tumigil na ito sa pag-iyak. Huminto ako saglit para antayin ang kasama kong babae. Sa aking paglingon, isang lumuluhang babae ang aking nakita. Di na niya hawak ang sanggol.
"Asan na ang anak mo?" tanong ko sa babae.
Walang imik ang babae at tila patuloy lang sa paglayo papunta sa damuhan.
Bumalik ako sa dinaanan namin ng babae. At sa may palayan, nakita ko ang lampin ng bata. Binuksan ko at dito tumabad sa akin ang walang buhay na sanggol.
Hindi man ako kaano-ano ng bata pero naluha ako sa aking namasdan. Ang munting anghel ay nangitim ang balat na dulot ng pagkawalan ng hangin.
Naghukay na lamang ako sa lupa gamit ang aking mga kamay at tinabunan ng lupa ang sanggol.
Nagpatuloy ako sa paglayo at pagtungo sa damuhan ng makaramdam ako ng kutob. Dumapa ako at nagtago sa malalagong palay. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ako ng pagsabog at mga putok ng baril. Takot ang bumalot sa aking katawan.
Ilang oras ang hinintay ko bago ako nagdesisyon na kumilos muli. Payuko akong naglakad patungo sa damuhan na tutulay patungong kagubatan. Sa malawak na espasyong ito ko nakita ang katawan ng batang inang kasama ko kani-kanina lamang. Ang katawan ng babaeng bakas ang luha sa mukha at ang katawan ay tadtad ng bala.
Nagpatuloy ako at tumambad sa harapan ko ang mas nakakatakot na larawan. Ito ay ang damuhan na hindi kulay luntian subalit kulay pula. Ang damuhan ay pininturahan ng kulay ng dugo. Dugo ng ibang mga taong katulad ko ay nagtatangkang maghanap ng mapagtataguan sa kagubatan. Ang damuhan ay naging natmbakan ng mga katawan ng mga mamamayang lumilikas.
Maingat akong nagpatuloy at dahan-dahang nagpatuloy. Tiniyak kong walang makakarinig ng kaluskos at magdudang bumablik na mga sundalo. Gumapang ako sa lupa at pumaimbabaw sa mga bangkay kung kinakailangan.
Di matapos ang luha ko sa nakahandusay na taong kailangan kong laktawan. Ang mga katawan ng mga batang naglalaro ng saranggola, pamilyang dala-dala ang mga kakarampot na bagay na pwedeng mabuhat, mga labi ng mga aso at pusang isinama sa paglikas.
Huminto ako ng may marinig akong kaluskos at usapan ng dalawang lalaki.
Sundalo1: "Siguro wala ng magpupunta sa kagupatan. Papadilim na din."
Sundalo2: "Meron pa yan. Hindi naman lahat ay napapatay kaagad. maya-maya, meron ulit tayong babarilin"
Sundalo1: Oo nga. Di ko alam kung bakit kailangang itumba ang mga mamamayan."
Sundalo2: "Hindi natin hawak ang kapalaran ng mga tao. Mayroon silang free will, gamitin nila iyon"
Sundalo1: "Putang ina pare! para kang manghuhula sa telebisyon nyan e!"
Sundalo2: "Tumigil ka nga dyan. Mabuti pa at maghanda ka na dahil tiyak tayo ang magbabatay dito."
Sundalo1: "sige na nga, maghahanda na ako. Isda ang kakainin natin. Galunggong."
Wala na akong magawa kundi tumigil sa pagkilos dahil tiyak, tapos ang buhay ko. Mabuti na lang at may katabi akong dalawang bangkay at nagpanggap ako bilang isa.
Pagod mula sa walang humpay na pagtakbo. Uhaw ang mga labi at nangginginig na kalamnan dulot ng gutom. Wala akong magawa kundi antayin na umalis ang sundalo o kaya naman ay mahuli ako at mapaslang.
Ipinikit ko ang aking mata at nanalangin. Humingi ako na sana ay mayroong bayani na darating at iligtas ako sa mapulang damuhan.
Isang nakasisilaw na liwanag ang bumulabog sa nakapikit kong sarili.
--------------
Ang mahabang-maikling kwentong ito ay aking lahok para sa patimpalak ni Bino na""Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan.
ayos! para akong nag babasa ng action film =) good luck satin :)
ReplyDeletegood luck sa atins
Deletesalamat sa paglahok pre sa Bagsik ng Panitik :D
ReplyDeletesalamats sa contest mo
Deleteaus sa story ah, action pack.... kakaiba at tlgang pinaghandaaan.
ReplyDeleteehehehe. impromptu kaninang madaling araw yung wento :D
Deletesa kalagtinaan bg kweno, akala ko, ang bansang tsina ay lumysob na sa bansa natin. pero hindi pala, naging masahol pa dahil mismong sariling goyerno ang tumutira. Sa aking pag-iisip, kasalukuyan itong nangyayari sa ating bansa. Mamamayan ang nagdurusa sa kabuktutang ginagawa ng karamihang nasa pwesto. para tayong iginigisa sa sarili nating mantika.
ReplyDeletemaganda ang iyong kwento sir. Kung suuriing maigi ang nasasalikod na kwento ng kwentong ito, makikita ang nais mong ipahiwatig.
Maraming salamat dito at gudlak po sa atin :)
goodluck nga. salamats sa pagread
Deleteay eto pala yung mahaba mong post, masmahaba pa ata sa akin eh! hahaha
ReplyDeletenice entry
:))
uu, mahabang maikling wnto
Deletenaks natapos din...weee!!
ReplyDeleteparang martial law type..
haba haba nga pero ayush! ^________^
tnx tabians
Deletehahaha nice... nice yung entry...
ReplyDeletesalamuch
Deletenice entry sir...keep blogging...
ReplyDeletetnx
Deletepd po epost ko sa fb page po nmin hehehe with all the credits po sa site at author po
ReplyDeletepede naman siguro basta naka credit. hehheeh
Deletee popost ko na po ha salamat :) kahit nga po pala mga movie reviews nio naipopost ko na po dun at credit to u and these site naaaliw po kasi kame ee you brighten up our days lalo na un sa "my ex" hahahaha sobrang hagalpak sa tawa po dun sa page hehehehe thank you po sa lahat ng post mo dito ...
Deleteishee
this is our page po CREEPY GHOST TALES thank you idol!
ReplyDeletegaling naman nito!!!!! ma-aksyon!! klap-klap-klap!! panalo!
ReplyDeleteayun...martial law ata ito gelo :)
ReplyDeleteayos .goodluck!:)
Pinag-isipan. Magaling!
ReplyDeleteaction movie!! ^_^ gising na umaga! na taragis tulog ng tulog hehe
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Ang lupet! Natawa ako sa mga text messages ng Globo. Mahusay. Gumana ng husto ang imahinasyon ko lalo na sa part ng pagpapa-dede. LOL. Seryoso, halu-halong emosyon. Kumpletos rekados. Good luck sa entry.
ReplyDelete