Over the hills and far away..... Teletubbies come to play! E-ow!
Isanag walang katorya-toryang intro! hahaahah. Kamusta na folks? Okay sa olrayt naman ba kayo? Kamustasa ang weekend? Ako oks naman dahil sa summer outing ng company. :D
Well for today, hindi yung summer outing ang iwewento ko. Syempre, hindi nio naman nabasa sa title na summer outing 2012 diba, ang sabi Keitai Kanojo.... so intyendes dapat na malamang sa alamang ay peliks ang tinutukoy kows.
Ang Keitai Kanojo ay isang pelikula sa bansa ng mga sushi at sashimi. Ito ay japanese film tungkol sa isang krimeng nagaganaps sa japans. Merong mga guys na umaatake sa mga babaeng may rings... hindi sex rings pero tila engagement rings.
Ang mga guys na bumibiktima ng mga girlays ay under sa control ng isang cellphone apps.... si Simsimi. Joke lang. Isang apps kung saan may girlaloo na mala-simsimi ang peg pero may love gauge.
Ang mga guys naman na under control, kapag nakipaglanturan at umabot sa 100% ang gauge o kaya naiwang bitin at nag-drop sa bokyakels, ay matetegi.
At dito na magsisimula ang talagang wento ng peliks kasi may isang girlaloo ang kapangalan ng babae sa cellphone apps. The name is Erika (hindi yung Brahmin na may pakpak sa daimos).
Anong kinalaman ni erika kay erika? Aside sa magkapangalan sila, magkaedad din sila at magkapareho ng betdei. May koaksidence ang dalawa at nagkaroon ng chuvaness link.
At ngayowns, nais malaman ni erika bakit kumokontrol ng lalaki si other erika at inaatake ang mga girls na may rings.
End of synopsis.
Score ko dito sa peliks ay 7.5. Pwede na sana kaso medyo so-so lungs.
Maganda sana yung twist sa story pero medyo hilaw for me yung evolution ng wento. Parang.... hmmm... wala lungs movie.. hehehe.
O cia, bukas ko na lungs wewento yung summer outing eksperience kasi mabagals mag-uploads ng pekpektyurs gamit ang broadband kow. hehehehe. TC!
tuwa talaga ako dito kasi laging may movie or tv series review. hehe =D
ReplyDeleteIba basa ko sa title mo nung lumabas itong post mo sa blogroll ko. Hihihi. Alam na!
ReplyDeletekung japanese anime yan papanoorin ko hehehe
ReplyDelete