Wooooops! Hindi po tungkol sa evolved form ng pokemon na Gastly ang tinutukoy ng pamagat ng blog. Although pareho ng spelling at ginawang plural form lang, walang kinalaman sa pokemon ang post. Wala!
Pero kung yan padin ang paniniwala mo, k fine. Desisyon mo yan e. Pero sa point na to, sasabihin ko na tungkol sa peliks ang post. Yep! Review-reviewhan nanaman po sa Kwatro Khanto.
Actually, ang other name ng peliks ay 'Psychic'. Pero mas maganda pakinggan ang Haunters kaya yun ang ginamit ko.
Ang peliks ay tatakbo sa umpisa kung saan may isang magulang (hindi yung madugas) na tinakpan ang mata ng isang batang lalaking junakis nia. And then Inabuse ang nanay nia ng guy kaya gumanti ang bata at inalis nia ang piring sa mata. It turns out na may capability syang kumontrol ng taong makikita ng mata nia. (wow, parang may sharinggan). Na-tegi yung guy. Tas tinangka ng nanay na patayin ang junakis pero nakatakas ang bata.
Kontrabida
After ilang years, lumaki na si control guy (yung bata-batuta sa paragraph sa itaas). Tapos shishift ang story sa another guy. Minalas si another guy kasi nasagasaan sya ng something pero himala at naka-survive ang lalaki.
Si another guy (gawin na lang nating Null guy) ay naghanap ng job (hindi hand at hindi blow) at naging tagapagbantay ng sanglaan. Dito ay naging guardino ang drama nia.
Bida
In some point, ang sanglaan na pinagwoworkan ni Null guy ay ang binibiktima ni Control guy. At di lungs yown! Wait! There's more! Hindi lang pagkontrol ang kayang gawin ni Control guy, kaya nia din patigilin ang oras! True Psychic!
During the event, it turns out na may capability si Null Guy na makawala sa prowess ni Control guy (kaya ko nga sya tinawag na Null guy, he nullifies hahahaah). But during the process ng paglaban ni Null guy kay conrol guy, napatay ang amo ni Null guy. ahuhuhuhu. Insert fake tears here.
And so tatakbo ang story na sa paglaban ni null guy para makulong/mahuli/makalantari mapanagot si Control guy. :D
Hulaan nio kung ano score ko sa peliks?.....
Guess......
Wow, parang interactive blog ala dora ang drama......
mali ang hula nio. hula ulit!
Tama! ang inyong second guess.... bwahahahaha.... Tama, 8.5 ang score! Mataas po para sa akin kasi kakaiba ang inog (naks, anlallim ng term) ng kwento. Nabawasan lang kasi nabadtrip ako sa pinaka-pinaka ending ng ending. Like..... watdapak! maganda na sana tapos may biglang..... wahahaha. di ko na spoil. Watch it na lungs kung trips niows.
O cia, hanggang ditows na lungs muna! TC!
peram ako nyan :D
ReplyDeletegusto ko to!!!!
ReplyDeletemali hula ko, 7 ang hula ko! seems like a nice movie, kaya lang baka ma-bad trip ako sa ending :(
ReplyDelete