Tuesday, June 12, 2012

Digital Age Independence Day

Araw na ulit ng kalayaan. Araw nanaman kung saan ipinagdiriwang ng mga noypi ang pagkakalaya natin mula sa kamay ng mga espanyoles.

Pero ilang taon na ang lumipas, madami na ang nagbago. Ang sistema at pagdiriwang ng isang importanteng okasyon ay nagbago na. Now, It's digital age na kaya naman ganto ang mga ganap.


1. Proud to be pinoy, then wear it! Sa online games, may mga free 'Makabayan uniforms/armors' ang mga characters. May times na free, may times na special item na kailangan mong bilin ito. Wag kang mag-alala, madaming buff kapag suot mo ang armor. Parang IMBA ka. 


2. Like it and Share it! Yan naman ang uso sa mga pesbukers. Googoogle ng makabagbag damdaming larawan na may bandila ng pinas tapos lalagyan ng caption o kaya quotable-quotes at ipopost sa pesbuk. Kailangan mong i-like at i-share kung mahal mo ang pinas chuva-ekek. 


3. Retweet me, Maybe! Sa mga taong ang social media eklaber ay ang chwirrer, eto naman ang ginagawa. May i-tweet saying Happy Independence Day ang dramaloo! Then minsan may halong please RT if you're makabayan.


4. Makabayan Post Shenanigans! syemps, kailangan may mga post na related sa pagiging makabayan ho kaya ay kasaysayan ng pinas. Andyan ang mga post on how to be makabayan or how pinoys are still bilanggo at hindi malaya. Iba-ibang opinyon posts.


5. Nationalistic Downloads! Ayan, uso nanaman ang mga peliks nila Rizal at ng mga bayani. Andyan din ang nagiging theme and songs na Magkaisa, Ibon mang may layang lumipad, Bayan ko and all those liberation themed songs.

Kahit ano pa man ang pamamaraan, ang dapat lang nating tandaan ay nakatakas at nakalaya tayo sa mapang-aping mananakop at kailangan nating protektahan ang kalayaan at huwag maging puppet. 

O cia, hanggang dito na lang muna! Viva La Independencia! TC!

note: Ang mga larawang ginamit sa post na ito ay di ko pagmamay-ari. :p

8 comments:

  1. happy independence day!

    ReplyDelete
  2. so alin dito meron o ginawa mo khanto?

    Maligayang araw ng Kalayaan!!! (para sa mga singles din..hehehe)

    ReplyDelete
  3. wow i love it "viva la independencia" :)

    ReplyDelete
  4. astig nung mga superherooo philippine style haha
    happy kalayaan satin

    ReplyDelete
  5. Freedom is everything! -Proud Noypi :)

    ReplyDelete
  6. wala pa naman akong nagawa dito. ako nang hindi makabayan hihi

    ReplyDelete
  7. pede na ang body painting.. pero hindi ba ito pingababawal na dito sa bansa natin. My rules na on how to give respect to our Phil. Flag eh... But still, Independence nga eh. Proud Pinoy!

    ReplyDelete
  8. you gave me an idea.would love to see a marvel or dc superhero in the future na tipong caotain america na pinoy---oldo di naman kailangang ganyan ka-imposing ang mark sa costume, meaning,di kailangang ganyan kalaki ang logo ng flag.hahaha.nice idea no ?:D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???