Yo! Kamusta na! Tapos na ang kaemohan at back to regular anik-anik post na tayo. Tama na muna para sa akin ang kung ano-anong pinag-iisip dahil mukang makakasama lang yun.
Kahaps, simula na na ulit ng pagbabalik eskwela ng mga students. Eto ang ang araw na ang ilan sa mga bata ay may mga bagong notbuk, lapis, pencil case at ano pa.
For this post, nais ko lang mag-time space warp at bumalik sa mga eksenang firstday of school.
1. Kinder- Nasa apat na taong gulang pa lang ako noon at pinilit na akong pumasok sa isang learning center. Ewan ko ba, nagmamadali ata ang mga magulangness ko para matuto me. Pero tanda ko pa noon na yung unang kinder school na pinasukan ko ay na-trauma ata ako.
Isa itong sparang bahay na may swing tapos sa garage na covered ay may tatlong lamesa na may blackboard (na dapat greenboard ang tawag kasi green ito at hindi black) at mga maliliit na upuan para sa kiddielets.
First day of school, okay lang sana. May mga bagong batang makakalaro. Kaso matanda na yung teacher. Ewan ko. Kinabukasan, ayoko na pumasok. Mukang tinamaan ako ng kabadabadabadoo. Ayun. Tambay for 1 year.... laro...laro....laro lang ang inatupag.
2. Kinder version2.- After a year, inenroll ako sa ibang school (ayoko ata talaga dun sa unang school). Walking distance lang mula sa bahay.
Dahil busy-busyhan at masyadong workaholic ang peg ng mudra at pudrax ko, ang lola ko ang naghatid sa akin noong unang araw ng eskwela.
Maayos naman ang kaganapan. Di na ako takot iwan for ilang hours sa eskwelahan. Walang iyak or luha na nadama. Ayos. Masaya kasi may free paper ball pa na binigay sa mga nagrerecite. Siguro kaya masaya ako kasi parang cartoons ang name ng school. Huckleberry Friends Learning Center! Pak!
3. Grade School- Bumagsak ako sa all-boys school na inapplyan ko (sayang, may swimming pool pa naman yun.... Lourdes ata ang name). Wala akong choice kundi pumasok sa iskwelahan na pinapasukan na ng ate ko.
Iba pa ang get-up namin. Instead na brown shorts wuth white polo shirt, May blue shorts kami plus, polo jacket with blue necktie! O ha, san ka pa, grade school pa lang, naka-kurbata na.
Pang-hapon ang schedule ko, 12nn - 5pm. Mula sa bahay ay sinundo na ako ng school service (pasig kami tapos sa Cainta ang school). Isang oras ang byahe at different subdivisions at bahay ang dinaanan para sumundo pa ng ibang mga bata.
Pagdating sa school, okay naman, medyo ilang kasi bagong lugar nanaman pero maayos naman. Di uso ang sections depending sa score or marka kaya walang section 1-something. Ang meron, section by trip-trip. Ang kinabagsakan ko...... Grade 1- Magalang (wow, magalang talaga ang name? oo, yan talaga namesung!)
Mabilis ang takbo ng oras nung unang araw. Puro pakilala lang naman. Atsaka since first day, ito yung tinatawag na irregular schedule.... half-day lang. So after 3 hours, uwian na! Yahoo.
BTW, we don't call teachers by lastnames.... we call them Tito/Tita (insert nickname) [Pa-conyokels]
4. Grade School (5th Grade)- Maayos naman ang takbo ng school year ko from grades 1 -4. Same old, same old. Same half-day and stuff. Pero nagbago nung Grade 5.
Sa di ko maintindihan, e bigla na lamang akong naging pang-umaga! Nahiwalay ako sa mga common block classmates ko. Punyetakels talaga.
Eto ang first day na tila bangungot sa nasanay na sa mga kakilala. Yung napapamura ka ng punyemas! UTANG na LOOB! Eto yung time na depress na depress ako ate charo! I feel awkward! chos.
Oo, since pinaglihi ako sa makahiya (joke, sa putong sinawsaw sa dinuguan ang totoo), isa akung Forever alone man that day. Pero mabait si lord, may isa din akong kaklase sa panghapon ang naging classmate ko sa morning.
Tinanggap ko na lungs ang kapalaran ko.
5. High School- Dahil sa hirap ng buhay at sa financial problem na dinadanas ng family...... Napagdesisyunan na hindi na sa High school department ng previous school ko ang papasukan ko. Lumipat na ako ng school.
Yung kapitbahay ng grade school ang naging bago kong eskwelahan.
Culture shock ng slight kasi bagong faces nanaman ang nakikita. Tapos ibang-iba ang culture ng new school.
Nasanay ako sa mga classmates na nasa around 20-25 lang ang dami. Pero boom, this time, nasa 45 kami sa isang classroom! Hondomi!
E pakingshets pa, sa first day na kailangan mo mag-introduce, may isang teacher na gumawa ng kakaibang activity na kailangan mong i-memorize ang namesung ng iba. Yung, watdapaks, letter S ang last name ko therefore 30+ na names ang kailangan kong imemorize on the spot!
Ibang prayers, ibang tawag sa teachers, ibang culture.... totally different environment. Pero infairview, may 2 akong kaklase na from my grade school. Mas okay sya kesa sa shock nung grade 5.
6. College- Syempre last sa listahan ay ang kolehiyong pinasukan ko. Here comes the college first day high.
Uso pa sa tv ang mga katagang First Day Funk dahil sa commercial ng rexona. Eto din yung year na pumasok ako sa iskweahan.
For the first day, kailangan kong gumising ng maaga at bumiyahe from Pasig to Intramuros. Isang napakahabang bus ride kaya naman kelangan malakas ang aircon ng bus na sasakyan at dun ka sa dulo pupwesto para hindi maistorbo ng ibang pasahero.
Sa unang araw, papasok ako sa isa sa matandang school sa pinas.... Letran. Ang pers day ay hindi sa classroom at hindi sa kanya-kanyang section. May certain program na naganap. Tinipun kaming mga freshies sa gym.
Di na ako na-shaks sa iba-ibang tao. Pero syemps, since bisyo ko na ata ang maging mahiyain ay upo sa corner ang drama habang nagpapatuloy anik-anik.
May mga tinurong Cheer! O ha, pers day, NCAA cheer kaagad ang pinaalam sa amin! Bongga! Handang handang gamitin ang man-power sa pag cheer sa mga basketbolista ng letran.
Aside dyan, pinamemorize ang kantang espanyol. Imagine, kaming mga madlang pips na ang alam lang ay tagalog at ingles ay sisingitan ng Latin na kanta na alma mater song! Omaygas, nosbleeds me. Tissue please!
Pero ang pinakabongga na nangyari ng pers day ay yung nilapitan ako ng girl. Lols. Muka kasi akong totoy compared sa mga ka-course ko kaya sa akin dumikits yung isang girl na naging head turner sa mga boys. Humaba naman ang hair ko sa ilong..... umabot hanggang edsa! wagas!
At dyans nagtatapos ang kwento ko ng mga first day. kayo? May naaalala ba kayong experience noong pers day? Pede nio i-share via comment (naks, may interactions!).
O cia, hanggang dito na lungs, TC!
yung mga babalikan na nakaraan sa pag-aaral, high school talaga ang di ko naenjoy. hahaha. bad trip ako sa mga kaklase ko noon'g highschool. kahit sa facebook, mga lima lang yata ung nakaadd na highschoolmates ko. mga puta sila lol
ReplyDeletehaha aun tanda ko pa din yan first day funk na yan ngkamovie pa nga yan
ReplyDeletehmmm ako anu ba di ko naenjoy pagaaral ko haha ewan ko bkit
masarap ngang balikan..
ReplyDeletenaalala ko naman yung elem days ko..mas social nga lang ung sau.montessori eh..lol
naenjoy ko naman at elem at hiskul ko :)
sosyalero!=D wala na akong matandaan halos sa first day ko wahaha
ReplyDeletefirst day experience:
ReplyDeleteelem- crying and suka mode haha
hiskul- tulala mode
college- tali-talinuhan mode:)
first day ko nung college nadulas ako sa ground ng mapua kasi June tag ulan na. Napilayan me.
ReplyDeleteAko ilang beses na ako nadulas sa school namin. But not on my first day of school.
ReplyDeletenakakamiss rin maging studyante as in :))
ReplyDelete