Sunday, June 3, 2012

Me, Myself and I



Dahil sa bagyong dumaan at umepal sa bansa nitong nagdaang araw, tinamaan me ng ka-emohan at ang epekto nito ay ang napaka-corning ka-ek-ekan post na ginawa ko. Pasensya na po. Medyo cloudy kasi ang pag-iisip ko kaya naman kung ano lang ang napost ko.

Pero bago tayo magbalik sa mga regular post ko, eto at tumitipa nanaman ako at nais ko lang magbuhos.... buhos ng mga nasa isipan ko, mga gumugulo sa aking isipan.

note: ang post for today ay personal at medyo work related. Malamang sa alamang ay di ito gaano interesting. You may skip this post if you want to. :D





Katulad ng nasa larawan, ganyan ang aking pakiramdam at nadadama at nafifeel. oo, kahit madalas makita sa mga post ko ang mga tawa na hahahaha o kaya hehehe or wakokokok at isama na ang mga smiley na :), :D at :p, merons din naman me na prinoproblema at iniisip-isip.

Sinubukan kong gawing narrative ang pagshashare kaso mukang anhirap i-explain kaya naman gagawin ko na lang bullet form.

- almost 4 years na ako sa work.
- until now, halos walang change ang nangyare sa career ko.
- though nagkaroon ng slight change, pero di padin promotion ang nakuha ko.
- technically, mula ng nag-start ako, nasa iisang level lang ako. Level 1.
-marami na ang nagbago.
-wala na yung mga malalapit na taong nakilala ko.
-halos new faces na ang nakakasalamuha ko sa floor.
-yung mga ibang bago sa floor, nabalitaan kong na-promote na at lilipat na ng department.
-naiinggit ako sa mga mga may career growth
-ako naman gusto ko din sana magkaroon ng growth (sino bang hindi)
-kaso mukang na-at-home naman ako sa posisyon ko.
-medyo mahal ko na din naman ang work ko e.
-gamay ko na at saulado ko na ang mga tekniks and stuff.
-pero ang problema kasi syempre you tend to commpare.
-uy, buti pa sila, ganto na... sila ganyan na.
-also part din ng mga gumugulo ay money matters
-syempre, sino ang di bubula ang bibig pag malaman mong triple, quadruple ang swelds ng friends.
-pero technically sapat naman sa akin ang sinasahod ko.
-alam ko naman na di lahat ng bagay ay puro pera.
-pero lahat ng bagay ay parang kailangan ng pera.
-pero syempre, nakaka-hurt din ng ego na yung mga ka-batch mo sa school ay matayog na ang lipad ng saranggola ni pepe... 
-yung feeling na napag-iiwanan ka na.
-tapos matutuklasan mo na ikaw yung taong parang walang goal.
-yung taong demotivated na.
-tapos takot mag-gamble.
-ayokong mag-levelup dahil takot din ako sa change.
-ayokong umalis ng comfort zone.
-basta... pakingshit ang sarili.
-di alam kung ano ang sariling strength and weakness.
-baka naman likas ang pagka-inggitero ko.
-baka masyado akong doubtful sa kakayanan ko.
-marami lang siguro akong pinag-iiisip sa buhay.
-baka epekto lang ng pananakit ng paa ang mga nasa isipan ko.


Pasensya, pasensya, pasensya sa mga makakabasa nito. Di ko intensyon na makaapekto kung sakaling good vibes kayo. Ewan ko, tila napapalibutan me lately ng negativity internally. Mea culpa.

O cia, hanggang dito na lang muna, TC!

23 comments:

  1. nakakapanibago nga.Pero naramdaman kita sa mga hinaing mo.Wala naman akong masasabi kasi mukhang pareho lang tayo.good luck nalang sa ating dalawa kasi mukhang at home na at home na sa kinalalagyan. May mga ganon yata talaga.Just be happy yon ang di kayang pantayan ng kung ano-anong shit.

    ReplyDelete
  2. na-e-experience ko din to minsan..iniisip ko na lang na at the end of the day, mas mahalaga ay kung saan ka masaya. pwede ngang umiba ka ng work para may career growth, pero paano kung di ka naman masaya dun? weigh lang siguro ng priorities, tapos follow your heart :) smile na! hugs! :)

    ReplyDelete
  3. dati rin ayoko'ng umalis sa comfort zone ko. pero once you're ready, magagawa mo rin. don't worry :)

    ReplyDelete
  4. seek for your happiness po mamalayan mo nyan.. umusad na din career growth mo :)

    ReplyDelete
  5. same here ... same feeling same shit he he ... me naman ay s abusiness level ... parang ang tagal ko nang nagnenegosyo pero wala pa ring growth .... hmmmm maybe tama nga yung sinasabi ng image mo , something is weighing us down ... nasa comfort zone pa rin kasi ako ... marami pa rin akong hindi maiwanan sa totoo lang , hayyyzzz ... di bale, still feeling positive pa rin and optimistic ... saka faith na rin kay God , it reallly helps ... gudlak sa ating lahat : )

    ReplyDelete
  6. I can relate... sobra... pero dadating din yung time natin, believe me...

    ReplyDelete
  7. gelo~~~relate much,,,
    tara labas na tau sa ating comfort zone hehe
    cheer up magiging OK din ang lahat~^_________^
    nanibago naman ako sa post mo,,,hehe

    ReplyDelete
  8. aun agree ako dun sa caption ng photo
    huhu
    aun sabi nga ni ellen degeneres life is not about the destination its about the journey
    dont complain about where you were right noe coz little do you know the next turn you'll take will lead you to what you love
    cheer up

    ReplyDelete
  9. naiintindihan ko, naka-relate lang much.pero sabi nga ang bawat isa ay may "time to shine" :) so live well and cheer up! (habang naghihintay) kaya natin yan go! :)

    ReplyDelete
  10. somehow nkakarelate rin ako hehe, sana mapansin na tau at mabigyan ng mganda at medyo malaking break

    ReplyDelete
  11. lahat tayo tinatamaan ng inggit sa katawan walang exempted!

    ReplyDelete
  12. normal lang yan...dumaan din ako sa ganyang stage, ektweli nasa ganyang stage pa rin ako pero marami akong distractions mahirap kasi pag ikaw ang inaasahan..

    for now I still don't have the courage to leave this putahan like that...you know (manny p statue?)

    chill lang, take it easy, have a beer, go out and enjoy!!!

    Good Vibes to you khanto!!!! ^___________________^

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???