Monday, September 30, 2013

R.I.P.D.

Hey! Howaryu? Oks pa naman ba kayo? Ako..... Kaya ko pa naman.... hahahaha. Okay pa naman ang mga bagay bagay at buhay padin ang apoy ng pagsusulat. 

For today, movie review-reviewhan padin, at hindi ngayon asian peliks, it's a US film pero hindi na sya super duper latest. Tamad ako for the past month na puro marathon lang ako ng dvd kapag restday e. 

Well heniway, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, simulan na natin.....

Ganito kasi ang storya ng peliks.....


Bago pa maging Green Lantern si bidang guy, isa muna siyang 'pulis-pulis-kung-umaksyon-mabilis' guy. Pero sa kasamaang palads, trinaydor sya ng kanyang pakner. Ayun, na-dedo sya. RIP.

Pero nabigyan ng chance of a lifetime si kuyang pulis na kakadedo lang kasi binigyan siya ng job (nope, not the hand or the blow and not steve) bilang isang pulis padin naman pero taga-capture ng mga kakalat-kalat na dedo na. Dito niya magiging kapakner ang isang cowboyish grandpa-like guy na isa ding police sa kanyang sariling panahon. Together, sila ay police officer ng Rest In Peace Department or R.I.P.D.

So syemps, hindi lang ganun ang wento... ano to, lokohan, pelikula lang ng tungkol sa cop na natigok tapos parang na-resu at naging tagahuli ng patay na folks, syempre dapat may kalabs at grand-plan ng kalaban.

Ang kalaban??? Yung pakner ni guy na pumatay din sa kanya. At ang grandplan??? Kung alam ninyo yung anime na 'Ghost Fighter', may hawig doon. May portal na kayang magkaroon ng link from the ,mortal world ng tao magkakaroon ng connection from the mundo ng mga halimaw thing.

Ang score ng film???? around 8 lang. Yep.... 8 lang to for me. Oo, uulitin ko, 8 lang po. hahaha.

Well, walang masyadong kapanapanabik at kagilagilalas na bagay sa peliks na iyon. The only difference at medyo aliw factor lang ay yung tila new look ng dalawang police... si cowboy ay isang hottie blonde girl while si bidang guy na napatay ay isang patandang chinese guy.


Aniway, pwede na din pampalipas oras ang film... Sakto lang naman ito.

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care!

2 comments:

  1. 8, keri na! Pero dahil andito si Ryan Reynlds, ten sya para sa akin haha :)

    ReplyDelete
  2. 6/10 saken to'ng movie na to hehe..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???