Friday, September 20, 2013

Flame of Recca

Flashback Friday na mga tsong mga tsang! Weekend na ang kasunods! Sensya na nga walang post lately dahil busy-busy sa opis... Handaming calls kaya wala much akong time makapagsalitype at magwento ng anik-anik. As in... Nakaka-hagardo Versoza!

Pero kahit na ganun, kailangan padin magkaroon ng laman ang blog ko... you know, parang pagkain lang, kailangan kumain padin ganyan. So kailangan may post pa din.

And for today, flashback tayo kasi isang anime from somewhere years-years ago na ipinalabas ang show na ito. Ito ay Flame of Recca!


Ito ay tungkol sa binatilyong may pangalang Recca. Si Recca Boy ay isang fanatic ng mga ninja history. Alam mo yung may pagka-fantard na F na F at amazed na amazed sa mga ninja.

Then along the way, malalaman ni Recca na kaya pala siya fascinated sa mga ninja ay dahil sa kanyang ugat (nope, not the ugat down down there!) dumadaloy ang dugo ng isang famed ninja clans.

At dito niya nalaman na ang kanyang mudrakels ay gumamit ng forbidden jutsu para mailigtas sa kapahamakan si Recca. Kasabay nito, nalaman din niya ang hostory ng kanyang clan kung saan sa mga clan ng ninja, merong 2 master smith (meaning panday) ang gumawa ng mga mahihiwagang sandata (not sandata in a greenish way).

During the time na nalalaman ni Recca ang history ng kanyang clan, meron siyang kinakarir na girlay. Ito ay si Anna Yanagi. And it turns out, may kakayanang mag-heal etong girlay na binabakuran ni Recca.

Tapos along the way, may kalaban na balak mapasakamay si Anna dahil eto raw ang suso este susi para maging immortal (hindi po yung palabas sa channel 2 noon about bampira at lobo).

So here comes Recca to the recue kasama ang kanyang groupies para iligtas at ilayo si Anna sa kapahamakan at malipon din or makuha ang ilan sa mga mahihiwagang sandata ganyan na pwedeng gawing kasangkapan sa kasamaan. 

They make sali-sali sa isang tournament called 'Urabuto Satsujin'(something like that ang pagkakabanggit sa TV).

Sino-sino ang kasama sa group?:


1. Aira Kirisawa - Ang amazona girlay na schoolmate at member sa team ni Recca. Tomboyish ang peg pero girl na girl sya. Ang mahiwagang sandata na napasakamay niya ay ang 'Fujin'. Ang sandatang ito ay kayang kumontrol ng hangin.


2. Max Domon- Ang bruskong kengkoy na schoolmate din ni Recca. Remember Alfred ng Ghost Fighter? Parang ganun ang peg niya. Physically strong pero may pagka-shunga. ang mahiwagang sandata niya ay ang Ring of Saturn, Kuchibashi Oh at Tetsugan na nakakadagdag sa kanyang monstrosity prowess.


3. Dylan Mikagami- Ang pretty boy ng team. Isa siyang member ng rejoice models, #HabaNgHair. At first naging kalaban siya pero naging essential member ng team. Ang kanyang mahiwagang sandata named 'Ensui'. May kakayanan etong gamitin ang water maging sword or makagawa ng ice (nope, hindi ice tubig, ice candy at cube ice for drinks).


4.Lorkhan Koganei- Ang youngest sa team. Same with Dylan, he started as isa sa mga bad folks turned to a good guy. Ang kanyang mahiwagang sandata ay ang 'Kogan Angki'. May High IQ sya at kaya niyang bagu-baguhin ang kanyang weaps like puzzle. Pedeng maging Spear, Gunting, Boomerang, Bow and arrow, and something with chain thingy.


5. Recca Hanabishi- Syempre, ang pinaka bida kasi sa kanya nakapangalan ang show. Wala siyang mahiwagang sandata kasi ang powers niya ay gumawa ng apoy pang-ihaw ng marshmallows...joke. May kakayanan siyang magpalabas ng flame dragons.


6. Anna Yanagi- Ang kalandiang wagas ni Recca. Healer. At ang pinagkakainteresan ng kalaban kaya lagi na lang siyang nasa kapahamakan.

Namention ko kanina na ang powers ni Recca ay Flame Dragons right? So heto sa ibaba ang pics ng 8 Dragons niya. Ang names nila ay sila Nadare, Saiha, Homura, Setsuna, Madoka, Rui, Kokou, Reshin.


In terms of kalaban... ang pinaka-kalabs sa palabas ay si Kurei. Siya ay somehow half-bro ni Recca pero malaki ang galit nito kay Recca. Apoy din ang power ni Kurei at ito ay black flames at ang kanyang jowabels turned flame.


Eto pala ang mga larawans ng mga folks na nakalaban ng team ni Recca.


Maganda tong anime na to kaso nga lang ay bitin kasei hindi niya natapos yung totoong story na nasa manga. Andaming development sa manga na masaya na na-animate atsaka madami pang mga mahiwagang sandata ang naintroduce.

At at at...... Ang medyo nakakalungkot na eksena na twisty thing sa development ng wento ay noong nalaman ni Recca na siya yung cursed child na nabanggit sa history ng clan nila. At ang isa pang twist ay ang naging flame power si Anna yanagi.

Pero kahit na ganun, isa padin ang Flame of Recca sa cool anime about ninja during those time.... Sorry Naruto.... lols.

O sya, hanggang dito na lang muna folks! Take care!

9 comments:

  1. paborito ko tong flame of recca! may similarities sa yuyu hakusho dahil may battle arena din hahaha. si setsuna/satsuna ang paborito kong dragon

    ReplyDelete
  2. teka di ako maka getober kay meowth. kyoti eh haha

    ReplyDelete
  3. dati kabisado ko mga dragon ni recca pati pagkakasunod sunod. haha

    ReplyDelete
  4. memorize ko kanta nian kahit di ko naiintindihan!!! parang bitin nga lang ung story kasi gusto kong magamot yung ina ni recca...in short gusto ko siyang mamatay na...kunwari lang.heheheh

    ReplyDelete
  5. Parang naalala ko ito pinalabas sa GMA dati noong Kapuso pa kami sa bahay LOL

    ReplyDelete
  6. Tawa much ako sa ugat! akala ko kung anong ugat haha! Sayang di ko to napanuod noon..pang babae kasi ang trip ko, Sailormoon, Card Captor Sakura, etc :)

    Kakapagod ang work no? Haggardo Versosa na din ako kaka calls! :(

    ReplyDelete
  7. Dami kung tawa mga limang libo cguro hahahaha

    ReplyDelete
  8. search nyo sa facebook, BahayAnimeTV. complete tagalog episodes dun

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???