Wednesday, September 4, 2013

Solo Travel sa Cebu Day 3.5 and 4

Yellow folks! Zups? Hopefully ay oks kayo. Sana ay happy naman kayo sa buwan ng september. Heniway, sa araw na ito, tatapusin ko na ang wentong Cebu ko kasi alam ko na wala naman may care bear. hahahaha.

Matapos ng ang meet and greet with the butandings, medyo pahinga lang ako. Kumain lang ako ng isang pirasong mamon at gora na ako sa side trip sa Oslob.

From the Tam-awan, nag-habal-habal me para maglakwatsa sa isang falls sa may Oslob. Ito ay ang Tumalog Falls. Di ko alam kung nag-increase na ang travel fare ng habal-habal kasi based sa mga nabasa ko sa ibang blogs noon ay nasa 100 petot ang bayads. Pero pagkakasabi sa akin, 150. Ohwell papel.... keri na yan.




Anhirap sumelfie hahaha. Habang naka-angkas sa likod ng motorcycle ay ninanamnam ko ang sariwang hangin ng probinsya. Yung walang polusyon and stuff like that.

Pagdating sa may bukana papuntang falls, sinabihan ko si koya motordriver na sunduin ako after mga 2 hours. Syempre, kailangan ng time for self ganyans at dapat may oras to do selfies.



At syemps, dapat may selfie pagdating sa falls mismo. Kailangan makakuha naman ng pic ganyan.



Sakto lang yung falls pero di siya katulad ng falls sa Baler na pede kang magswimming overload. Mababaws lang kasi yung water-water na binabagsakan ng tubig kaya parang mas okay lang ang shower-ish thingy sa falls.

Matapos sa falls, mga 20 minutes to 25 na ride papunta sa heritage ng oslob. Doon makikita ang isa ding lumang simbahans at structures saka ang tabing dagats.


After this, back to Tan-awan na ako at doon na ako naghanap ng ride pabalik kng Cebu City. Kahit medyo-wettish pa ng slight ay wapakels. hahahah. Aircon bus ang sinakyan ko at 5 petot or 10 petot lang ang difference ng pamasahe compared to ordinary bus. (damage: P155)

Around 1:30pm na ng makabalik ako sa city at kumain muna ako sa SM City Cebu at bumalik sa hotel at maligo at makapagpalit ng damit.

Then next stop, ay ang ilan pa sa di ko napuntahan sa listahan ko for day2. So ang sumunod na destination ko ay ang Taoist Temple.

You gonna make sakay sa jeep at dapat magpapababa ka sa tinatawag na Eskina Sudlon. Kung galing ng SM Cebu, ang jeep na may karatulang 04L ay pwede na. dadaan yun sa place. Tapos, pede kang magtaxi papuntang Taoist temple na siguro magiging around 40 to 40 ang bayad or kung kuripoching ka, habal-habal hanggang sa gate ng subdivision at make bayad lamang ng P20.

Sa loob ng temple, kailangan mag-adapt ka sa kapaligiran kasi bawal maingay, tapos ang suot ay di vulgar-ish, so sa mga gerlz, bawal po ang peykpeyk shorts. sa boys ay bawal at betlog shorts... bawal maiikling damit na baka lumuwa ang mga kinakatagong dyamante ganyan. Tahimik din dapat. At bawal picturan ang altar sa loob ng praying room ng temple. Baka paalisin ka ng bantays.





Pupunta pa sana ako ng Tops, kaso medyo naghesitate ako kasi solo lang ako. Saka gabi, mahirap na. hahahaha. So balik SM na lang ako at nag-internet nanaman for the game na kinaaadikan ko.

-=-=-=

Day4 ang final day ko sa cebu at ang day na wala akong gaanong pics. Eto pala yung day na mineet ko ang Blogger friend na si Tabian na malaki ang naitulong sa aking hindi pagkaligaw sa pagbyahe. hehehe.

Since 9am ang tapos ng shift niya, tinext niya ang jeep na sasakyan ko at saan ako bababa para puntahan ang kanilang owpis. Doon ako nag-antay sa kanya.

After that, sinamahans niya me kung saan makakabili ng pampasalubs na anik-anik like the Otap thingy at mga keychains for my owpismets. Bibilan ko sana ng shirt ang sisteret ko kaso aside sa walang size na avail sa request niyang color black na shirt, di ko feel ang designs kaya hahahah, wala sya pasalubong. lols.

After mamili, pinakain ako ni Tabian sa isang lechonan somewhere... di ko matandaan ang place pero ang name ng establishment ay Rico's lechon (something like that, di ko totally maalala name eh, saree).

Masaraps ang lechon nila dits kasi may dalawang klaseng... may regular at merong spicy. Syemps tinikmans ko pareho at masaraps both at malutowngs. Kahit masira ng one day ang diet, keri lungs.

Wala nanaman kaming pic ni Tabian during our pagkikita (same din ng mineet ko sya dito sa manila last year, hahaha, sume-semi-anonymous naman sya eh, hehehe).

After noon, nagpalipas na lang ako ng oras sa mall ulit at nagdecide manood ng sine... yung Mortal Instruments (which is magkakaroon ng review-reviewhan sa aking bloghouse).

What? Tapos na bakasyoneskow? #sad

Mga 8pm ang flight ko pabalik pero maaga akong pumunta sa airport. Pero anyare ay delayed daw ang flight at mga around 11pm na daw. So keri lang. Kahit drained na ang phone ko, at pocket wifi. go lang.

na-stranded me sa airport kasi nadelay ng nadelay ang flight. Tapos maginaw pa naman sa airport.wala akong jacket. huhu. Buti na lang may pakonswelong Jollibee. lols may relief goods. hahah



Kahit na irate-iratan na ang mga co-pasahero ko sa delayed flight, ako, keri lang, GV dahil na-enjoy ko yung solo travel ko sa Cebu. hahahaha.

O cia, hanggang dito na lang at eto na ang last post for my cebu thingy. Abangans ang sunod-sunod-sunod na mga peliks review na naipon during my tamad days last week. hahahaah.

Take Care folks!

6 comments:

  1. yehey nameet mo din si tabian!!! ang saya ng solo trip mo sa cebu. ay may kasama ka pala, ung minion lol

    ReplyDelete
  2. Action packed talaga ang iyong solo Cebu trip Khants! At ikaw na ang bagong King of Selfie! Kahit sa habal habal na push ang selfie hehe :)

    Bakit walang pic ng Rico's lechon? Natakam ako sa pagka describe mo hehe :)

    Glad you had fun on your solo Cebu trip! :)

    ReplyDelete
  3. clap,clap,clap!!! so proud of your 1st solo travel trip..bilib na bilib ako sa iyong navigation skills at marami ka talagang napuntahan..next year uli? beach naman!!! ^__~

    ReplyDelete
  4. Buti naenjoy mo bakasyon mo diyan kahit selfie ka lang hehe di ko pa nasubukan magsolo sa ganyan lakad hihihi.

    San next desti?

    ReplyDelete
  5. Elibs na talaga ako sayo kuya akalain mo yung solo flight ka na sa isang place na di mo knows then di ka naligaw astig!!

    ReplyDelete
  6. Hindi ka ba talaga nalungkot sa byahe na toh?? Sana sinama mo ako..,

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???