Hey, wazzaps! Medyo di na me nalalayo sa normal empleyado ng pinas na pumapasok from mondays to fridays at pahinga ng saturday at sunday. At di lang yun, nakikibaka me sa paghahanap ng masasakyan papasok kasi para akong nasa amazing race na nakikipagkarera makasakays lungs.
Eniwayz, walang kinalaman sa work life ko ang post na ito. Peliks mode kasi nanaman me at kapag may pelikula, merong review-reviewhans. So let's get it on shall we?
Pamagat: Saving General Yang (nope, di sya related kay Saving Private Ryan)
Lapit mga kaibigan, at makinig kayo (listen up yo!). Ako'y may dala-dalang balita, galing sa bayan kow (listen closely yo!)... char.
Ang wento ay magsisimula sa lugar ng mga chinese type filks na mayaman sa mga kwentong digmaan at bakbakan ganyan.
Mayroong mag-asawa, ang mudrax at pudrax Yang (yan po ang apelyido nila). Ang padre de pamilyang si General Yang ay isang general opkors. Tapos may napipintong warla from their kingdom at dayuhans.
Si Pudrax Yang
Mudrax Yang
Naatasan si General Yang to make dipinsa at kalabanin ang pwersa ng kalabans. So he make sugod-sugod laban maskuman at make away-away na sa pwersa ng kasamaan ganyan.
Pero ang kalaban ni General yang ay junanaks ng nakalabang soldier noon ng heneral. May balak si kalabs na make revenge to pudrax general.
Gumawa ng way ai kalabs na parang macorner at matrapped si General para di makauwi ng buhay. Parang napalibutan ng kalaban ang place na pinagtatambayan ng mga sundalo ni General.
Noong nabalitaan ng family ni General ang kaganapan, nagdesisyons ang 7 kiddos ni General (wow, andami niyang nabuong anak sa kembyular niya sa asawa) na iligtas ang ama, kaya sugod-sugod laban maskuman din ang ginawa nila......(without stating Sugod mga Kapatid!!!!)
1st
Yang Yan Ping
2nd
Yang Erlang
3rd
Yang Sanlang
4th
Yang Silang
5th
Yang Wulang
6th
Yang Yanzhao
7th
Yang Yansi
Lingid sa kanilang kaalaman, it's a trap ang ginawa ng kalabs kasi ang balak niyang klaseng revenge ay para kay Mudrax Yang. Nais niyang ipadanas ang lungkot at brokenhearted na nadama ng nanay ni kalaban noong napatay ang kanyang father dearie.
And somehow one by one, bumagsak at natigoks ang mga magkakapatid until isa lang ang nakauwing buhay sa mudrax yang. at nagtatapos na ang wento.
extra:
Si 3rd son pala ay si Vic Chou or Wachelei ng Meteor garden (anhirap i-spell ng name lols). At si 6th son naman ay si Wu Chun or yung bidang guy sa taiwan version na Hana Kimi.
extra:
Si 3rd son pala ay si Vic Chou or Wachelei ng Meteor garden (anhirap i-spell ng name lols). At si 6th son naman ay si Wu Chun or yung bidang guy sa taiwan version na Hana Kimi.
-=-=-=-=-=-
Score, 8.9 for me! Hahahah. Kahit action-action ang category ng movie, well, nagustuhan ko naman siya at na-appreciate ko naman ang peliks.
Mga good factors ay ang combat scenes sa battlefield with the dugo-dugo splatter and alike. Tapos maganda din yung locations na pinag-ganapan ng battles lalo na yung battle ng archers (3rd son vs archer ng kalabans). Okay din yung effect na tila may kanya-kanyang weapon specialty ang pitong magkakapatids. Tapos nakakasad din yung moment na isa-isang namamatay yung magkakapatids.
Ang di ko lang nagustuhan ay yung part sa una ng pelikula about the parang challenge na naganap tapos medyo i feel awkward dun sa labanan na masyadong obvious ang effects na nawalang ng realistic touch.
Kung feel ninyo yung mga fighting scenes and film with flavors of chinese culture and history ganyan, then pasok sa listahan ng good film ang peliks na itow.
-=-=-=-=-=-
O cia,hanggang dito na lang muna! take Care! Happy Weekend!
nareview mo na ba ung it's love na movie? yung sorcerer and the white snake ni jet li?
ReplyDeletedi pa.... mahanap nga
DeleteYung pangalan ng mga anak masyadong pinagisipan 1,2,3,4,5,6,7 ang meaning wahahahaha kaloka anyway..di kamuka ni vic zhuo yung nasa pic ang tanda na nya!!
ReplyDeleteAng dami namang anak! At puro boylet - keri na hehe :) Di ko gaanong bet ang mga warla warla movies, nalilito kasi ako. Tapos chinese pa, ay patay na hehe :)
ReplyDeleteNai-inggit ako sayo Khants, ang dami mo napapanuod na movies! :)