Friday, September 6, 2013

The Mortal Instruments: City of Bones

Hello There! Hey hey hey! Friday na today at sisigaw na kayo ng tengkz god its praydei! Bukas ay araw nanaman ng pahinga ng mga tao. hahaha.

For today, mag movie review na tayo kasi medyo natatambakan na ako ng peliks na napanood na di man lang nabigyan ng rating-ratingan. So heto na at magkakaroon ng review-reviewhan ang isa sa film na aking napanood. For today, it's 'The Mortal Instruments: City of Bones'.


O, babala muna...... Sa mga ayaw ng na-iispoil sa wento... naku, maglagay ng spoilscreen para di tablan ng spoiler and everything...

O ready na ba kayo????? sure?????? handang-handa na??????

Magsisimula ang wento sa isang girly thingy na na maputi at maganda. Tapos si girlita ay nagkakaroon ng wierd thingy kasi suddenly napapadraw siya ng somekinda-symbol na di niya alam kung ano.


One day, isang araw, kasama ang geeky-geeky friend niya na slightly lampayatot peg, nagpunta sila sa bar at may nasaksihan si girl na patayang naganap. Pero ang wierd thing, siya lang ang nakakita.


Then, may umatake sa mudrax ni girlay, at nagpanic si girl and make hanap-hanap sa kanyang nawawalang magulang. Di niya mahanap sa lost and found ang mudrax at di rin siya makapagpaskil ng missing poster ganyan.

Then nalaman ni girlay na isa siyang 'SUBO' este 'SUGO'.... you know.... chosen one kinda thing. Nalaman niya na ang mudrax niya ay isa sa mga shadow hunter thingy. Kung saan sila ang pumapatay sa mga demonyo and the likes.



Sa tulong ng trio shadowhunters, at pagtatanong sa isang gay warlock, ineembestigan nila kung ano ang pakay ng dumukot sa mudrax ni girlay at napag-alaman nila na ang habol pala ay isang baso.... ang Mortal Cup.


Now, on the quest sila para mahanap ang mother-dearie ni girlay at hanain ang mortal cup at ilayo ito sa masamang kamay ng ex-shadowhunter turned evil na may name na Valentine.

At dito ko na tatapusin ang synopsis kuno ng wento. hahahaha.

Hmmm.... di ko po nabasa ang libro na pinagmulan ng wentong ito so wala akong ka-ide-ideaya kung sobrang book-alike ang wento or merong eksenang dagdag-bawas for the sake of creating a movie.

Masasabi ko na okay naman ang flow ng wento. Mabilis naman ma-pick up ng normal na tao ang story. Okay naman ang battle scenes. Sakto naman din ang kiligsena at selosena na naganap sa lovetrumatriangle ng bida with the boylets.

All in all, bibigyan ko ng 8.5 ang movie. Great but not super duper stunning for a 9. Lols. Opinyon ko lang to ha, so wag na kumontrapelo ang fan ng book. nyahahaha.

O siya, hanggang dito na lang muna, nektaym naman, yung KANJURING ganyan...

TC folks!

5 comments:

  1. yay! lily collins. ♥ baso lang talaga habol? hahaha

    ReplyDelete
  2. Saw this kovie last week. We enjoyed it naman. Its an ok movie. Enjoyable. Hindi sayang pera. Looking forward sa next part :-)

    ReplyDelete
  3. natuwa naman ako kung paano mo i kwento ang movie hahaha!

    napanood ko na ito.. pero uhhmmmm saken nalang siguro rating ko hehe.. to each his own nalungs ^_^

    ReplyDelete
  4. napanood ko din to. Rating ko cguro 8.0

    Di din kasi ako maxado nakapag focus habang nanonood , may mga scenes akong namiss.

    Pero ok nga yung movie :)))

    ReplyDelete
  5. Lels.. not really a fan nung nakita ko trailer nito...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???