Sunday, March 9, 2014

Beautiful Batanes- Day2

Hello, hello, hello at isa pang hello! Kamusta, kamusta, kamusta at isa pang kamusta? ahahaha. It's sunday na mga folks at malamang ay pumped na kayo dahil weekends at restday nio! Nauna na akong nag-restday since Fri-Sat ang RD sked ko.

Hooray for today! Ngayong araw, ituloy na natin ang kwentuhan tungkol sa aking gala sa Breathtaking Batanes. At para maiba naman, chinange ko ng ibang adjective ang name ng post para idescribe din ang kaganapans. So the word is Beautiful.... Honggondoh ng Batanes.

Kapit na kasi mahaba-habang post nanamans itey at medyo bombarded ng pics. lols.

Super-charged kami since mahaba-haba ang tulog na nagawa. Early to bed, early to rise ang peg. Instead na mag karinderya for breakky, naisipan ng mga kasama ko na mag-bread-bread for breakfast and kape. So share-share na lungs sa gastos. Tapos, ako... hahahah. Di pedeng slight bread lungs kaya bumili ako doon ng boiled itlog ng pugo... natakot ang mga kasama ko baka daw ma-highbloods me. lols.

After makapag-prep ang mga folks, mga 8am na din ata ng magpatawag ka me ng traysikab para sa aming tour. 

note: Ang tour sa Southern part/portion ng Batan ay nagkakahalagang 1,500 petot na pedeng sumakay ang taklong katao. So ako, si Eric at irman ay naghati sa 1,500 so bale 500 each tapos si Jeff ay nag-rent ng motor na 200 petot per hour.

First stop na aming hinintuan ay ang Chawa View Deck. Dito pwede ka daw tumambay para makita ang sunset aside sa famed lighthouse. Meron ditong hagdan pababa to see some rocky formations kapag low-tides.







2nd stop naman namin ay ang Spanish Lighthouse. Nope, wala pong nagtitindang spanish bread doon. Sadyang may traces pa ng pagkakasakops waywaywaywayback noong spanish thingy sa pinas.






3rd stop ng trip ay ang Marlboro Hills. Bakit Marlboro? Kasi daw dati-rati ay medyo may mga kakalats-kalats na mga horsey sa hills. Kaso di daw makapalas ang skin at di sanay sa weather kaya ayun, unti-unti silang na deads at ang ipinalits ay ang mga balat-kalabaw na kalabaws. hahaha.









4th stop, ay ang place named Alapad. Dito makikita yung dalawang malaking bato na may daan sa gitna. Kita din dito ang nakakamangha-mazing na dagats na blue at mga bato-bato.










5th, ay ang tindahan na para lamang sa mga may sanib ni Honesto... Ang Honesty Coffee Shop. Ito ay ang shop na walang bantay sa loobs kasi paiiralin mo dito ang katagang Honesty is the Best Policy, It Starts with Me. Kung bibili ka, ililista mo lungs sa logbook tapos ihuhulog ang bayad sa dropbox. Medyo gutom me ng slight kaya nag cup noodles ako with boiled egg. lols




6th naman sa pinuntahan ay ang simbahan na kalapit ng honesty shop at nasa tapat ng port papuntang kabilang isla ng Batanes. Ang simbahan ay ang San Jose de Obrero Church.




7th sa pinuntahan ay ang famed bahay na Bato na lagi daw napipicturan sa Batanes. Ito ay ang House of Dakay. Dito din sana makikita ang oldest Ivatan granny kaso pumanaws na pala ito noong January.



 Oh No, andyan na si crush... Kamusta naman ang hair ko?

Haba ng hair! #rejoice

8th stop at napakaikling sandali ay ang Spanish Bridge. Di na kami nakababa much to make uber lapit sa bridge. Medyo tomjones na din kasi tanghali na... mga 1pm na ata.



9th ay ang isang kainan along the way. Ito ay ang resto na walang kinalaman sa mga matang isinilang, bionic ang laman... Batang X! Ang resto named Vatang. Ang foods nila dito ay nagkakahalagang mga 180-200 per meal pero madami ang servings naman compared sa taklong combined serving plate sa mga karindirya. Saka masharaps naman ang lutow. Walang pic ng foods, wala akong ma-graban kasi di na ako nakapag pic ng foodies.. hungry much.




Lunch with our tryk drivah, si Joseph 
(not the dreamer, hindi rin Bitangkol ang apelyido)

10th ay ang white beach na ang buhangin ay gawa sa pinong mga corals. Sarap magyapak habang naglalakad sa buhanginans.






Last stop ng tour ay ang Mahatao town proper. Dito makikita ang San Carlos Borromeo Church.




At after nyan, byahe na pabalik sa Homestay. Eto ang ilan sa extra shots/ view while bumyabyahe pabaliks.





For dinner, nagpunta kami saPention Ivatan which is isang hotel na may resto. No pics dahil hmm so-so lang i guess ang foodie na nabili namin and nothing so special. lols

Nagprepare kami ng gabi dahil kinabukasan ay pupunta na kami sa isang isla sa Batanes. Ang Sabtang. Eto yung place na pinuntahan ng KrisTV ng magBatanes tour sila with pokwangs. 

O cia, hanggang dito na lang muna. Ober na sa pics ang post na ito. Sana ay na-enjoy nio ang mga larawans. :D

3 comments:

  1. ganda !!! nakakainggit! ipon ipon para dyan :)

    ReplyDelete
  2. Uber!!! Hope to visit Batanes too!

    ReplyDelete
  3. wOw tlga ang BATANES!!! nakaka in love ang view... sana sa pagbalik mo s BATANES makasama ako.. nag enjoy ako basahin to.. !! punta k din ng La Union or Marinduque.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???