Hey hey hey! Mustasa? Patapos na pala ang buwan ng Marso at wala pa akong random post kaya heto, heto na ang blog post ng anik-anik from me.
1. Nagkaroon ng promotion opening sa opis. Application for Level2 Support Engineer. Mag-aapply sana ako... Tapos BOOM! Hindi lang Bomba ang sumabogs, nagkaroon pa ng gate sa aking attempt. Aba... Biglang kasama sa qualifications ang good attendance record! Maygas abelgas! Kung kelan halos every month may 1 or dalawa akong absent dahil sa sakits. So para na din sinabing malaking 'BACK OFF!'.
2. Opis related padin. So di na nga ako nag-apply sa L2. Pero may tinarget ako. Ito yung L2 immersion program kung saan itratrain ka for L2 duties tapos sa gantong paraan may probability at chance kang makuha kapag mag-aapply ka sa L2. So i'm egzoited to apply sana. Kaso BOOM-BOOM-POW! WATDAFUDGE! Nabalitaan ko na di na sila mag-oopen for L2 Immersion application. Kukunin na lungs daw sa mga di papalarin sa mga nag-apply for L2. Like seriously... must be a big sign telling 'GO AWAY ANNA! (frozen???? chos) Kakanta na lungs ba ako ng LET IT GO... LET IT GO.... SHUTANGINANYOWWWWWS. charots.
3. Usapin padin sa opis! Yeah!!! I missed this thing ng pagbubuhos ng saloobin na di ko mawents. Sa office groups namin, ang team na lungs ata namin ang di pa nakakaprepare for possible Team Building. Taklo out of five ang tapos na. Yung pang-apats, this weekend ang kanilang team building. Kakademotivate ng slight na tila nahuhuli ang team namin. Yung eksenang.... Isasabay na lang daw sa Company Outing ng opisina yung team building. maygas.
4. Last na, speaking of Summer Outing ng Company, ito ay gaganapin sa Canyon Cove Batangas. Imperview, bagong location ito compared sa last 5 summer outings na inatendan ko.
5. Dumako namans tayo sa personal stuff. Hahahah. Last January, nakahanaps ako ng underwater casing for my digicam na si Porn. At this month ay nasubukan ko na sya. At medyo dissapointeds me ng slight kasi anhirap kumuha ng pics with the pouch. Its kinda di ako sanays. Makes me think kung kailangan kong bumili ng underwater phone like Sony Experia Z or Sony Underwater Cam or Go Pro. Maygulay... Nakakatakot isipin ang gastos.
6. Noong January, sa palawans. February ay for Batanes. March ay sa Siargao. April ay pa-Batangas. Sa May naman, makakapag-Boracay na me! Finally! Mukang matutupad na ang dasals kong makaapak sa buhanginan ng Boracay. Buti na lungs na timbrehan ako ng mga tropang laboy at naibooks nila me ng Tix papuntang Boracay. Emergerd! So-Egzoited!
7. Medyo okay na ang kalagayan ni Mudrakels. Medyo tumutubs na uli ang buhok niyang nalagas sa chemotherapy. Di pa muna sya ooperahans kasi ang balaks ata ng Doc ay mag session pa sya ng chemo para ma mapaliit pa ang bukol. Salamuch pala sa mga folks na nag-pray for my mudrakels. Yodabest!
8. Go naman tayo sa TV shows! Hehehehe. Di ko na nasusundan ang Hamerican Hidol at Jaboys. Etong dalawang reality singing shows ay inaabangans ko noon kaso wala na nag-uupdate ng series sa opis. E hetong sun broadbands, hombogol naman kung makadownloads lalo na pag weekends.
9. Another show na inaabangans ko ay ang JaywalkingDeads. Yung zombie-kinda series. Yep. Mukang season finale na daw non nekwik. Maygas. Medyo intense ang nababasa kong spoilers kasi sabi Canibals na daw yung mga folks doon sa place na pupuntahans nila. Pero di pa totoo unless mapanood nekwik.
10. At next week na din ang season at final episode ng isa sa fave kong US series.... Ito ang How I Met Your Mother. At dahil dyans... Though mahilig ako sa spoilers.... this time parang ayokong ma-spoil bago ko mapanoods. Iba kasi yung feel siguro kapag super suspense sa magaganap sa 1 hour finale.
Sensya na kung medyo lengthy ang random of the day... medyo gusto ko lang magwents talaga ng nasa isip ko.... hahahaha.
O sia, Take Care Folks!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???