Wednesday, March 12, 2014

Breezy Batanes- Day3

Wazup! Hey Hey Hey! So kamusta ang mid-wik ninyo? Konting tambling na lungs, sweldo moments na! Wooohooo! 

Bago ako umalis ang pamamasyal nanaman, kailangan maipagpatuloy na ang wentong Batanes Tour. Hehehe. Baka matabunans ng kung anik-anik.

Heto na ang pagpapatuloys ng adventure.

Day3.

Medyo tipid-tipiran ang peg namin kaya nagtanong kami sa owner ng homestay kung ano ang cheaper way para makapunta sa port ng Ivana para makapunta sa kabilang isla ng Batanes. Medyo damaging sa bulsa kasi ang 220 per tricycle. 

Nakahanap ng method na isabay kami sa isang jengga jeep na kakilala ng owner ng tinutuluyan namin at naki-ride kami doon sa groupies na pupunta din ng port. (bayad ay 30 petot each only).

Ang plan ay 5:30 susunduin kami pero medyo late ang sundo. Di naman pede magreklamo, kami na nga ang makiki-hitchie.

Pagdating sa port, around 7am na siguro, inantay namin na makadating ang banka papuntang kabilang isla. 




Boat ride from Port of Ivana papuntang Port of Sabtang ay around 30 minutes lang. May nakapagkwento na 20 minutes lang kung medyo payapa at walang buwanang dalaw ang dagats. lols.

 Pagdating sa Port ng Sabtang, andoon na yung nakontak namin na tryk for the tour. Bonggels ang tricycle ride dito sa sabtang kasi ang roof ay hindi gawa sa yero, gawa sa pawid so kinda katutubo-ish ang style ng ride.

Whole day trip kami so both sides ng Sabtang Island ang papasyalan namins. Ang bayad per tricycle ay 1,350 (Wag manghinayang much kasi ang presyo ng gasolina sa Sabtang ay mas mahals. Double ang bayad ng gaas like 140 per litro daw).




Before the trip, we need to make bayad the Environmental Fee sa Sabtang na nagkakahalagang 200 petot per pax. (keri naman kasi most of the daan sa Sabtang ay sementado at ginagawa na din yung ibang hindi pa nasesementohans.)

Sa di inaasahang pangyayare, nagkaroon ng confusion sa tour namin kasi tila iniregister kami for breakfast thingy na supposedly ay hindi naman dapats. Eto ang pangyayaring di ako maka-move on. lols. Kasi kumain lang ako ng isang itlog at isang kanin at ang binayaran kow..... 200 petot! Maygas pulgas... kung alam ko lungs, lamon Patay-gutom ginawa ko para sulits ang bayads... Owell... (kaya kung pupunta ng sabtang, mag almuchow na kayo sa Basco para tour na agads. lols)

Matapos ang pocket damaging breaky experience ko, tour na.... Mapapalitan ang pera pero ang GV during the trip hindi... Kaya look at the bright side, maaraw, walang sign na uulan, mahangin, presko ang simoy ng hangin, blue sky.... Go go go and enjoy the trip.

Unang part ng trip ay ang left side pisngi ng Sabtang.

Unang stop ay ang Savidug Barrio. Dito matatagpuan ang place na karamihan ng bahay ay bahay na bato. Yeah... Gawa talaga sa rocks ang houses.Yung iba sira na.



 Gamit ang nimbus 2000 ni Pareng Harry Potter (jumpshot1)



Jumpshot2

Next ay along the tricycle drive, may pinoint-point si koya driver na hills na hugis babae/dalaga daw something. Pero medyo slow ang imagination ko kaya di ko magets. Keri lungs, its the nature sight that counts.




 
Then may hinintuan kami to see the dagats, cliff and burol thingy. Picture-picture mode. Hahahahaha.















Then next stop, ito ay ang Chavayan Barrio. Eto ang place kung saan meron pa ding mga lumang bahay na bato, lumang daan and stuff.

Dito pedeng manghirams ng Vakul or yung headgears ng mga ivatan. Since na try ko na yung headgear na pang girls (yung haba ng hair mo pic sa Day 2), triny ko naman ang full gear ng ivatan guys. Lols. Para lang akong nag-cosplay. hahaha. Rent sa full gear, P20 petot. hahaha.

 Ivatan Jump (Jumpshot3)




 Flappy Bird? (jumpshot4)


After sa chavayan, back to the same route pabalik sa sentro ng Sabtang kasi ang sabi ni koya tryk drivah ay hindi pa nagagawa ang daan to make dugtong the left cheek and the right cheek ng isla. Pwede daw kung lakad mode. lols.

Lunch time, ang ilan sa mga day tourists ay naglunch kung saan sila nagpa-reserve/schedule ng lunchness na ayon sa aking bubuwits, 300 petot per pax ang foods. Since tipid mode, nakahanap kami ng makakainan na may paluto pero di sing mahals. 

note: May mga nagdaday-tour sa Sabtang (like KrisTV...KrisTV...Buo ang 'yong araw...sa KrisTV lols). Ang ginagawa nila, Left part lang ng Sabtang tapos yung Lighthouse at yung beach na may arko ang pinupuntahan at balik na sila to Batan Island. So may mga cases na di na ata naglulunch or super short stay per place lang ang ginagawa ng mga tourists.

Next part ng tour ay ang right side part ng Sabtang.

Ang ginawa ng tryke drivahs namin ay pumunta na diretso sa dulong part ng right side part.

Ang first part ay ang Duvek part or ang tinatawag nilang Little Hongkong. Bakit ganun ang name? Well, medyo pa-incline ang kabahayan daw na parang hongkong style. Nothing much na makikita dito. Well, for the sake na makalakads ka sa dulong part ng isla, keri na.












After that, during the ride, sila kuya drivah ay ipinitas kami ng buko sa mga abot kamay na coconut tree. Inferness, kahit akala mo honliit na buko, hondoming sabaw nakakabusogs. hahaha.

BJ! Buko Juice! lols

Then ang next stop ay ang Ahaw (arch stone)/ Morong Beach. Ito ay famed beach sa Batanes dahil sa arkong bato (walang relate sa pusong bato). Hahaha.








Lakas maka-footprints in the sand ang peg

 Wag kalimutan ang jump shots (jumpshot5)

 Ang nganga shot

At basta maka-jump shot (jumpshot6)

Then ang last part ng right side ng Sabtang ay ang Lighthouse. Nakakamangha langs ang mga parola kaya ansarap puntahans.





Sige, talon pa! (Jumpshot7)

After nun, check-in kami da Elementary school. O, nagtataka ba kayo bakit? Well, Kasi ang elementary school at high school building nila ay ginagawa din mini homestay/accomodation for overnighters.

Since maaga pa ang hapons, chill-chill lungs kami at nanoods ng mga students na naglalaro sa PE time nila.



nagbalak sana kami lumipat sa isang homestay kasi we felt kinda awkward na solo lang namin ang buong 2nd floor ng elementary school. Hahaha. Pero naunahan kami ng teacher kasi mukang nasense niya na baka natatakot sa mumu. Wala daw ganun.

For dinner, nakahanap kami ng... guess what... karinderyang bukas sa mga nais kumain... hahaha. Nagpaluto na lang kami ng ulam. hehehe.

Kinagabihan, Maaga din kami natulog dahil sa kadahilanang:

a. Pagod sa paglakwatsa
b. Pagsapit ng 12, nawawalang ng kuryents sa buong Sabtang.
c. Takots.

Lights out na kami, nagkumpol sa isang warto instead na hiwahiwalay na rooms. At doon ako nakarinig sa kalagitnaan ng gabi na tila may nagpapatay-buhay ng switch. E iisa lang ang switch at nasa labas ng room. Ininda ko na lungs.

Kinaumagahan, dalawa kaming nakarinig ng tunog ng constant pag-patay-buhay ng switch ng ilaw. Yung dalawa ay wala daw narinig at baka yung bintilador lang yun. Pero di ako pedeng magkamali na yung switch sa labas ng room ang tila ino-onn/off for mahigit 2 hours consec./nonstop.

Hahahah.

At dyan na nagtatapos muna ang wento for Day 3 and touch of night3. Hehehehe.

Hanggang dito na lungs muna! Take Care!

19 comments:

  1. ang ganda ng mga photos mo ah! asul na asul ang sky at ang linaw ng shots

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, blue sky ang langit at tubig, ansarap tumitigs :D

      Delete
  2. Napagod akp sa pinaggagawa mo ahaha

    uy ganda nun mga houses nila. Kelangan may pic din ako diyan soon!

    Baka mahirap magpaitlog ng manok diyan kaya mahal ahahha

    ReplyDelete
  3. astig! gusto ko din makapunta dyan! ^_^

    ReplyDelete
  4. grabe pang postcard ang mga kuha :)
    at the best ang tema ng jumpshot! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, salamuch.... point and shoot lungs mga pics pero dahil sa ganda ng place, nadadala!

      Delete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. inggit much talaga ako ahahaha. super ganda ng Batanes!

      ikaw nga naiisip ko habang pinapanood ko yung KrisTV last Monday/Tuesday. pareho pala kayo ng place na nipuntahan magkaibang location lungs.

      Delete
    2. hahaha, medyo nauso kasi batanes lately.

      Delete
  6. oh my...huwaw!...im in love with batanes! <3 <3 like superrrrrrr

    ReplyDelete
  7. inggit to the nth power!!!! quotang quota sa jumpshot heheheh

    ReplyDelete
  8. Oh no! Blackout ng 12mn? I wonder what happens pagsapit ng dilim...

    ReplyDelete
    Replies
    1. medyo creepy pero di na namin chinallenge ang sarili... mga takots kasi kami

      Delete
  9. natawa ako sa mga jump shots mo haha psrang si harry pottah lang. chossss

    sushal mo anjan kayo sa batanes!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???