I love you sabado, pati buong linggo. Hello there. Dahil deadmadela na ang wentong japan at wa naman interested ay di ko na ito itutuloy.
Joke. Postponed lungs ay day 3 ng Japan adventure. lols.
For today, review-reviewhan mode tayo at hindi lang isa, dahil buy 1 take 1 tulad ng angels burger ang review for today. Dalawa, isang libro at isang peliks ang post for today.
Unahin natin ang book review. For our first topic, isang tagalog film na dapat ay irerelease sa araw ng mga puks este puso pero imba ang robinsons galleria at nirelease na agad nila ang book ni Bekimon called ' Bet Kita Walang Echos'.
Eto ay tungkol sa isang babaitang bekilou blanko na junak-junakan ng dalawang beks na nag-transfer sa isang schooliosis. Si Babaitang bekilou ay may kapangalan na popstar princess at Balat-patatas queen... Sarah.
Sa school ay makaka-SEB joke, makikilala niya ang isang guy na gwapito, matalino at pak na pak na may namesung na Cedie.... ang munting prinsesita, este Cedric.
Malalaglag-t-back/panty ni Sarah at mabebet-na-bet-pakbet niya si Cedric kaso may alinlangan eto dahil may probability na may green blood si Cedric or may chance na paminta ito.
Ano ang mangyayari sa storya nila? Aba, secret, walang clue veloso. Di ko iwewents dahil dapat ay mag gets kayo ng book at basahin ito.
Score ng book? 9.5. Nuks, hontoos! Well, imperness, hindi sya compilation lang ng anik-anik na quotes or kasabihang ewan or banats or stuff na parang nabasa mo na sa chwirrer or sa somewhere. Di rin cliche-ish ang wents like the usual wattpadish books out there na heaven knows mo na ang storyline.
Maganda ang delivery dahil sa touch of humor and wit plus the keribels na gay linguish na ginamit sa libro. Madaling maarok ng braincells ang mga kemerut language.
Di rin nakakaskip-read ang pagbasa dahil hindi uber lengthy ang paragraphs and chapers kaya naman maeengganyo kang mag turn to next page.
Next dumaks naman tayo sa peliks na kanina ko lang napanood pero last restday ko balak talaga panoorin lalo na sa unang araw na isabak ito sa local moviehouse. Ang peliks ni Angelica at angelito Batang ama... 'That Thing Called Tadhana'.
Magsisimula ang wents sa babae nanaman... Bakit sa merlat nanaman eevolve ang ikot ng storya? Tanong natin kay kuya kim. Heniway, nasa airport si girlay ng Rome played by AngelicaP. Dito ay overload ang kanyang baggage counter at kailangan niyang magbawas, nope, di sya jejerbaks, need niyang magbawas ng laman ng bagahe.
Dito eenter the dragon si mature version ni Bagito, si Angelito batang ama. Iooffer niya na ishoot that balls na lungs sa kanyang bagahe ang ilan sa extra items ni girlay para wala na problema.
Then magkakaroon na ng revelation at mag-va-vagina monologue si girlay dahil hiniwalayan siya ng putanginang jowabels niya for 8 fucking long years. Yeah, 8 years, imagine, 8 putragis long years.
So binuhos as in buhos much ni girlay ang saloobin at mega chika niya ito kay boy na listener ng punyets na kabiguan at dalamhati ng beauty merlat.
From Rome to Manila to Bagiuio bound ang drama ng nagchichikaminute na boy and girl to sagada para lang maka-move on. At syemps, magkakadevelopan ang dalawa pero walang jerjer at boomboompow na nakakadisappoint ng slight.
At bibitinin ko ang wents kasi susuggest ko na manoods kayo dahil sulit naman ang bayads.
May score din na 9.5 ang film like the book kasi maganda ito at hindi rin uber cliche-ish and predictable ng over-over ang storyline.
Magaling din ang hugot moments ni AngelicaP dahil F na F as in Futangina na Futangina ang mga lutong ng mura niya para lang may umf ang linyang bibitawan which is realistic.
Mahusay din ang delivery ni angelito dahil swabe ang emote at hindi robotic at hindi parang dinaan lang sa looks kaya nakuha sa role nia. Nope, may taglay na acting prowess ang actor na nabigyang hustisya naman kanyang ginagampanan.
Swak para sa mga medyo sawi at may hurtness pang nadarama ang movie na ito at pweds din sa single at sa mga magjojowabels.
Parehong approved ang libro at movie kaya naman go go go sago at basahin na ang libro or panoorin na ang peliks or gawin both, magbasa ka while watching para multitask ang peg.
O, hanggang dits na lang muna, nektaym na ang part 3 ng Japan. Pramis, isusulat ko neks iyon.
Take Care folks!
That was an eyeful of words haha ;) Gusto ko rin mag watch sa movie kaya lang wala pa akong much time
ReplyDeleteBekimon posted sa ig niya yung review mo sa book niya. Yun lungs. Kakatuwa ^_^
ReplyDelete