Friday, February 6, 2015

Khanto sa Japan Day 2

TGIF mga folks! sa mga magpapahinga sa weekend, edi wow! lols. Kayo na ang mag weekend restday. Hahahah. 

Anyway my way, heto na ang karug o ang karugtong ng wentong khanto kung saan ako kasama ng aking kapamilya ay nagbyahe papuntang Tokyo, Japan.

Day 2.

Sa ikalawang araw, sinimulans namin ang umaga with breakfast buffet mula sa hotel na tinutuluyan namin. Kumain na kami ng may kabigatan dahil minsan pang yayamanin ang price ng mga kainan sa toks. medyo umaambon sa araw na yon pero the ambon doesn't bother us anyway.

 Sample ng unliride tix ng train

 After noon, nagpurchase na kami ng unli ride ng choochootrainchuwariwap. So since ang sisteraka ko ang gumawa ng itenerary, so sunod sa agos na lang ang peg. Go kung saan pupunta. 

Unang desti namin ay ang Tokyo Tower. So train here, train there. Pagkababa sa isang station, may na-sightsung sila na kainan at doon kami nag temporary stop para makapagtanong ng direction. Ang name ng kainan ay St. Marc Cafe na nag-ooffer ng ChocoCro.




Dahil na din sa ginaw ng panahons ay nagpainit sila sa pamamagitan ng pagkakape at pagchochokolate at konting kain. Di ako umorder dahil minsan traydor tong tyan ko, mahirap na makaramdam ng na-e-erna lalo na baka walang CR na available.

After nito, walkathon ang peg para mapuntahans ang Tokyo Tower. Nope, kalokalike like sya ng Eiffel Tower pero iba padin. Ng matanaw, aba, syemps, picture-picture.







Pagdating sa mismong Tokyo Tower, nag-iisip kung aakyat pa kami sa loob/magbabayad ng entrance para puntahan ang viewing deck. Pero nagdecide na hindi na lungs. 

Nabroken-hearted ako sa nakita ko loob ng Tokyo Tower kasi may posters sila ng ONE PIECE na peborits kong anime. Ahead ako ng ilang months sa pagpunta kaya di ko makikita ang mga aning-aning ng OP. huhubells.


 Umakyat kami sa 2nd floor ng Tokyo Tower at doon kami nakabili ng mga pasalubong chenelins for friends and relatives. (you know, kelangan may pasalubs para kahit di sila nakatungtong sa japans, may item from japan naman sila). Ginugols namin ang mga 1 to 1.5 hours sa pamimili ng ireregalo (syemps, may kamahalans padin ang items sa tokyo so need to compute-compute and everything).

Matapos mamili, time to lunch na. Lakadathon ulit pabalik sa train station. Medyo lumalakas na ang ambonations kaya naman napabili na ng umbrella-ella-ella-eh-eh-eh ang mga folks. Bumili sila ng dalawa, share share na yung couples. Since di naman ako gremlin na dumadami sa ulan, di na ako bumili, sayang ang yen hahaha.



Medyo naligaw ng very light lang pero nakadating din kami sa aming paroroonans. Ito ay ang kainan na nakapag-inspire sa Kill Bill (insert whistling sound ng 'My Baby Shot Me Down' here ng Kill Bill). Ang name ng resto ay Gonpachi.









Matapos mananghalian, sakay nanaman kami ng Thomas the train para sa next desti. lipat kami from one train line to another. Grabehan ang mga hagdan pataas/pababa ng train kapag lilipat ka ng linya.

Hindi na sakop ng tokyo metro yung destination namin kaya naman noong lumipat kami ng isang train line, panibagong bayad ulit. Di na unli ang binili namin kaya we need to be careful sa pagsakay/pagbaba at pag-exit ng station.

Medyo lumalakas ang julanis morisette kaya naman a for effort ang pagpunta namin sa next destination. Eto ay ang Gundam cheverlin. Yep, yung paper bag ko ng pasalubs parang mapunit sa pagkakabasa ng ulan. Buti matibs ito.

Maginaw man at malakas ang patak ng ulan at lamig ng hangin ay go go go pa din. Like, saka na isipin kung sisipunin dahil naulanan, ang mahalaga ma-checkan sa bucket list ang place.

Medyo madilim ang paligid kahit mga 4pm/5pm pa lungs.





Dahil sadyang maginaw much sa labas, nagstay na kami sa loob ng malls at tumingin sa Gundam display thing sa loob ng mall. Di na kami nag-avail doon sa entrance ng Gundam Museum kung saan may lifesize Gundam pit kung saan pede magpapic kaso may price na katumbas.

Doon lang kami sa labas  at tumingin ng souvebir Gundam na mabibili. Hehehe.






Matapos nito, medyo in-a-hurry-strawberry kami pabalik kasi naman baka maabutan kami ng last train thingy at mag-eexpress nanaman ang train at magkalagpas-lagpas kami. Sa isang fastfood chain sa vicinity ng last train station near our hotel kami nag-dinner.

At dito ko na tatapusin ang wento ng ikalawang araw ng japan-japan shenanigan adventure. Ang last part ay ang Tokyo disney story at ang konting detalye ng lastday.

Hanggang dits na lungs muna!

1 comment:

  1. Ay sana nagkita tayo. Choz! ^_^

    Try ko ngang lumafang sa Gonpachi.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???