Sunday, February 1, 2015

Khanto sa Japan Day1

Konichiwa! Daijoubu? Kamusta, kamusta at isa pang kamusta? Pebrero na at buwan na ng mga puso. Though waler naman me lablayp, di naman me bitter so keri lungs ang pagsapit ng Feb. 13 at 15 lols. 

Anyway, nasabi ko sa last post ko na last month, January, ay nagkaroon me ng chance na makapunta sa 'Land of the Rising Sun'.. Japan. And so yan ang ang post for today and the next 2 posts dahil hahatiin ko to sa taklong part (makikigaya ako sa trillogy cheverlins ng mga movie chos).

Last year (July 2014), noong nagpunta kaming China, na-cancelled yung flight namin pauwi and as a result, nakakuha kami ng free one-way ticket to any destination from Cebupac. Valid for 6 months lang ang claim stage kaya naman mag-eexpire ito ng January.

Gagagmitin ko na sana ang tix for Davao pero ang sisterette ko ay nakatyempo ng seat sale at nagbook ng Japan at naisipan na gamitin yung free tix para medyo tipid na din. So ayun nga ang naganap at pasok sa claiming period yung free tix namin.

So Last January 20, ang itinakdang araw ng lipad namin papuntang Japan. Ako kasama ng aking pudrakels, mudrakels, sisterette at jowabels and junanak nilang stufftoy na si Pinky nito ay nagbyahe papuntang Narita Airport via NAIA3.

 Medyo perstaym na umaga ang byahe namin dahil madalas pag international flight na binobook ng ate ko, gabi or madaling araw ang lipad. Pero this time,  5am ang flight tapos 4 hours ang byahe.


Oha, eveready much ang mudrakels at may earmuffs na...

Pagdating sa airport, nagjackets na kami kasi expect na namin na malamig ang weather. So kung nakikita mo yung larawan sa taas, naka ready na ang mudraks sa kanyang sweater and strawberry earmuffs at nakajacket na din kami.



Matapos makalusot sa immigration ng Japan at makuha ang mga baggage namin, naghanaps, hanaps na kami ng way papunta doon sa accomodation/hotel para maiwan ang gamit at makapamasyals na since it's 11am na.

While waiting at nagtatanongs ang boyfie ng ate ko, umupo kami sa isang tabi and suddenly, may nag-approach sa akin na babae. Sabi ko di ko binebenta katawan ko chos. Tinanong niya ako kung pede daw ba akong ma-interview. Medyo naguluhan ako kung buckets niya ako gusto tanungin, like shucks, may kasalanan na ba ako agad-agad??? hahah

Pero pakapalan na lang ng loobs at sige, keri-boom-boom lang and so pumayags ako. It turns out na ang interview ay for a show named 'Why Did you Come to Japan?' na about foreigners na nagbyahe papuntang japan. Pag pak na pak at interesting ang reason mo, may chance na icover nila ang kwento mo at mas mahabs ang TVeeeey exposure. Pati ang mudaks at sisterets nitanong nadin ng interviewer. lols




Paglabas na paglabas namin ng airport dahil sasakay kami sa vengaBus papuntang city, Nakakaloks ang lamig. Grabey, nanunuot at maginaw much. Walang sinabs ang ginaw ng tagaytay at baguio. 7 degrees ang temp doons.



Buti na lamang at may scarf ako from my team lead last christmas at nakadagdag yun sa pampainits. Imagine, tshirt lang tapos jacket suot ko tas maong pantas na may butasy design. Napasuot na ng gloves ang mga kasama ko. 





Mga less than hour ang bus ride namin from airport to the location na bababaan ng bus. Sa ginaw at medyo gutom na din, ng may matanaw kaming KFC sa kabilang side ng kalsada after bumaba ng bus, doon na kami naglunch at nagpainits ng slight.

Sa KFC unang kong napansin ang culture/behaviour ng mga hapon. Kasi Claygo sila (Clean as you go). Kung sa pinas, after kumain, iiwan mo lang yung pinagkainan mo sa table tapos sibat na. Sa Japan, kailangan dalin mo pinagkainan mo sa trashbin, ihiwalay ang paper items sa disposal, itapon ang natirang ice and drinks sa isang funnel-type na spot at ishoot ang cups sa lalagyanan. Malinis ang fastfood nila.

Then after kumain, isang train-ride ang ginawa namin. Dahil shungashunga pa, nagpatulong kami kung pano bumili ng ticket sa kanilang train station. Ang binili namin ay unliticket for a day para kahit magkanda-ligaw-ligaw or over-over-sakay kami ay keri lungs.



Pagkababa ng LRT station (LRT talaga? lols), lakad lang ng mga dalawang kalye at nakarating na kami sa aming hotel named Best Western Hotel. Checkin na muna at slight pahinga habang naglalagay ng gamits.






Di na namin masyadong sinayang ang time kaya larga na kami. Medyo nakakalito ang subway nila kaya medyo nagtatagal kami sa train stations sa pagchecheck kung saan kami tutungo. Heto sa baba ang larawan ng train stations nila, parang maze type na dinaanan ng Dugtrio hahaha.


Eventually, nakadating naman kami sa unang stop, ang Sensoji Temple. Kung sa pinas ang unang desti dapat daw pag nagbyahe ay simbahan, temple naman kapag sa japan.







Sa vicinity ng temple ay ang street kung saan may mga nagtitinda ng mga anik-aniks like foodies, souvenirs and stuff. Then next stop namin ay ang Shibuya (hindi sya yung kasama sa bahaykubo with kamatis, bawang at luya). Ginabi na kami ng slight kasi tumingin-tingin pa ng pasalubs.

 Dito sa Shibuya makikita ang estakwa ni Hachiko (the famed loyal dog na laging nag-aantay sa kanyang amo kahit na dedo na ito). Dito rin makikita yung crossroads/pedestrian na jampakans ng mga tao. 






Then nag-dinner kami sa isang kainan sa shibuya to try ramen-type foodang. Kakaiba here kasi you need to make bayad in a vending type slot to make order of your food based sa larawan. Then yung stub na makukuha mo ang ibibigay sa waitress at saka palang ipreprepare yung food mo.






After kumain, nag-set kami ng 2 hours free time to make liwaliw kanya-kanyang gala at magkitakits sa tapat ni Hachiko after.

Then pabalik ng hotel, medyo nakakaloks lang dahil yung isang train na sinakyan namin ay biglang nagkaroon ng express route. Lumaktaw ng 4 stations at nalaktawan yung station na bababaan namin. Hahaha.

At dyan natapos ang unang araw ng Japantastik adventure.

Salamat sa nagtyagang magbasa. :D

4 comments:

  1. Im glad you went to Japan :) I hope you had a great time there :) :) :) You actually went to the closeby my province there

    ReplyDelete
  2. Whooaaa! Japan-Japan ang peg taraaaaay! :) more kwento pa! :)

    Ingat!
    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  3. Whooaaa! Japan-Japan ang peg taraaaaay! :) more kwento pa! :)

    Ingat!
    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  4. Grabe, sarap ng Japan adventure mo with your family :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???