Wednesday, March 18, 2015

Insurgent: Movie Review

Hellowski mga folks! Kumusta/kamusta (parehas din naman yan) na kayo? Anyway highway, im in the zone para magsasalitype ng anik-anik kaya naman habang nasa moment pa ako ay magsusulat na ako ng review about sa film na kapapanoods ko pa lungs kani-kanina lungs..... Ang Insurgent.





Para sa allergic sa SPOILERS, aba aba aba, wag ka na magpatumpik-tumpik pa, at hala sige, alam kong icloclose mo tong browser kaya go na... 

Kung desedids ka na, let's go-sogo!


Karugs from the first movie syemps, alangan naman na prequel. So mula sa naging fight scene and murder na naganap sa place ng mga Gray folks (not the shades of 50), may natagpuan ang kampon ni Senyora Angelica/ Rose ng Titanic na isang rectangular cubic thingy.



Tapos mapupunta ang wents kung nasan na ang mga bida na nakatakas sa bakbakan na naganap sa last movie. Sila ay nakapunta sa place ng mga naka-red-yellow-orangie colors called Amity.


Dito ipapakits ang bidang girlay na si Tris na naiinitan na dahil papalapit na daw ang El Nino kaya naman ang haba ng hair niya ay pinutol at nag-ala Charice Pempengks.


Then back to Senyora Angelica na may i decribe kung ano yung cube/box stuff na nakita. It's a message not in a bottle ng mga ninuno ng gumawa ng factions at ito daw ay ma-uunlock kapag nakapasa sa 5 simulations from the 5 factions. At para mangyare iyown, kailangan ng Detergent este Divergent na may kakayanans or properties from 5 different thingies.

Then natunton na nila kung saan nagtatago ang mga bidalicious pero syempre makakatakas sila tapos mapupunta sila sa grupo ng mga factionless where it turns out na pinamumunuan pala ng mudrakels ng bidang lalaki na si Four pero may ex-name na Tobias Eaton (sounds like a place somewhere na malapit sa ABS-CBN).


Tapos nagdecide naman na di sumama ang kapatid na lalaki ni Tris na si Augustus Waters dahil tamad-tamaran at di niya lubos akalain na ang kapatid niya ay ang kapartner niya sa ibang peliks. lels.


Then naglakbay pa more ang magjowang si Four at si Tris papunta sa lugar ng mga Black&White factions called candor. at nagkaroon ng achuchuchung Truth Serum na nobody cared and stuff and some action thingy na ayoko na much idetalye then babalik sila sa factionless para mag-organize ng group para patalsikin si Junjun Binay este si Senyora Angelica.

Then may kembotan scene na naganap between the boy and the girl pero dahil ang pelikulang ito ay rated PG, walang masyadong sexenang pinakita which sucks.


But Wait! Syempre kailangan parang ubos oras ang ganap sa first part kaya dumako na tayo sa real part. Natuklasan na si Tris ay PURE or 100% kapanatag errrr Divergent na suso este susi para ma-unlock ang box. So gumawa ng plan si Senyora Angelica para maging tanga ang bida at mapasakamay niya ito.

Syempre, bobo at tanga ang bidang babae kaya pumunta siya sa kalaban para maisaganap na ang pag-unlock ng box at kaya naman parang nasa hentai-ish film dahil sa mga cords/tentacle like thing ang bida. 


Dito ay mauunlock ni Tris isa-isa ang mga simulations at one by one ay na-achieve niya ang sa Hufflepuff, Gryffindor, Ravenclaw at Slytherin. Isa na lungs at ma-rerelease the krakken na.


Pero may kaganapan na di ko na iwewento para naman kung sakaling manonood kayo ay may part na di ninyo alam diba. Basta, secret na lang muna kung anong nangyare sa bandang dulo ng wento. Di ko sasabihin kung nakuha ni Tris na maipasa ang simulation for District 13 or uuwi siyang luhaans.

Score? Hmmmmm. Di ko naman nabasa ang librong ito so dehins ako magsasabi na malayo ito sa original na story. For me, bibigyan ko eto ng score na Insurg-eight-nt. Otso lang for me.

The effects is not that superb and slightly meh. The action is okay naman. The story is fine as well pero hindi super duper nakaka-wow at di rin super dismayado. Sapat lang. Yung tipong masasabi mong, okay.. aaaah... hmmm okay.... 

Nabalitaan ko na 3 books pala tong Divergent series so malamang sa alamang ay may 2 movies pa dahil malaki ang chance na gawing 2 part ang last book kung sakali.


Oh-well wishing well, kahit paano naman ay na-entertain naman me kaya pasado padin ang peliks na itwu.

O zsa-zsa padilla, hanggang dits na lungs muna at may gala pa me sa weekend... Hahahaha.

Take Care folks!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???