Saturday, March 14, 2015

That Place called SAGADA day2

Oheyo! hello hello hello mga ka-khanto! Heto na ang karugtong ng kwento tungkol sa byahe ko last month sa place where broken hearts go sabi ni Tita Whitney. Ang Sagada.

Sa day 2, malamigs ang panahons padin at maaga-aga kami ng slight para mag-ayos at maghanda sa gagawin. Dahil medyo madami kami at 3 lang ang banyobels sa lodge na tinuluyan, medyo na delay ng slight ang time ng gala.

Almuchow muna kami somewhere sa town proper kaso natagalan din dahil solo mode lang yung tindera sa carinderia so solo lang siyang nagluto ng foodang for more than 13 folks (including the other customer ng carinderia.)

Matapos makakain ng almusal, gorabels na kami sa aming first desti, ang Bomod-ok falls. Registration muna and stuff and kita ang cloudy cliff thingy then orientation ganyans.





Then so nagstart na ang hike, di ako nakakuha much ng pics while hiking dahil kailangan slightly focus me, may instances na madulas yung daan so i need to be careful and di ako naka trekking sandals kaya naman bummer. Pero heto sa ibaba ang mga groupies/shots from friends. hahaha.








Medyo nakakapagod ng slight ang pababa papuntang falls. Medyo matagal din dahil every now and then kailangan may pics ang mga couples at groups. Pero pagdating sa falls, nawaley ang pagods. Hehehe. Achieve! Syemps, lumusong sa malamig at maginaw na tubig to chillax.







Umaambons na ng pabalik kami at eto ang naging kalbaryo for me. Hahahah, Maambons, medyo slippery at mahirap ang hike paakyats at pabalik. Yung nakakaubos hininga. Pero push lang ng push at go lang ng go. Sabi nga nila, 6 years ng trabaho nakaya ko, eto pa kayang hike? lols.

Lagpas tanghali na ng makabalik kami sa taas at nagdecide nanaman na i-cancel na lang ulit ang caving dahil nga di rin kagandahan ang weather nanamans at juskopong pineapple na nakakapagod na ganap.

Balik muna kami sa lodge para refresh-refresh muli at mag lunchness.

Then nagtungo naman kami papuntang Hanging coffin. Di namin inexpect na panibagong hike nanaman itwu. At since maambonations padins, ay slippery yung dadaanan namin (makikita din na may payongs kami). At since maputik, delikads. Naka-slippers padin me na talagang madulas much kaya sa halfway ng papunta ay nagdecide akong di tumuloy.






Yah, ako na po ang sissy, ako na ang duwags pero kinukutuban me kaya ayokong mag push my luck. Bangin-bangin kaya yung daraanan, mahal ko pa buhay ko at gusto ko pang gumala much hahahaha. Heto ang grabs photo from a friend na naka-push papuntang Hanging Coffins. hehehe.




Matapos sa Hanging Coffin, ride namans kami sa Lake Danum at nagpicture picture dins. Saka dito naganap ang topless challenge sa maginaw na weather. lols





After nito, nagdinner kami sa rasta rasta resto thingy. Okay naman yung ambiance stuff but sablay moment sa order. Imagine, umords me ng Ramyun Noodles at ang sinerve, ay instant cup noodles. Di man lang nilipat sa bowl para di obvious na cup noodles lungs. Pero di na ako nagpabadvibes.

This ends the Day 2 story ng wentong Sagada. Abangan ang Day 3 kung kelan ako gaganahans magsulats wahahahaha.

Take Care folks.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???