Hello! March na pala! Ambilis! Naka-ilang tulog-pasok-uwi-tulog lang ako, marso na agad. Ang blog ko ay inagiw na agad-agad.
Don't worry, di ko hahayaan na magkaroon ng blankong buwan ang blog kaya kahit isang post ay lalagyan ko naman ang aking bloghouse.
For today, ang aking iwewento ay ang ganap last February, araw ng mga puso. Ito ay ang Balentayms somewhere out there. Ang trip to Sagada.
Sagada, isang place somewhere kung saan sikat na puntahans dahil sa kalamigan ng place at mas naging popular dahil na feature sa peliks na talk of town last month dahil sa pelikula ni AngelicaP na 'That thing called Tadhana'.
Around november or december pa lungs, napagplanuhan na ng mga opis friends na mamasyal sa Sagads for Valentine's day kaya naman nag-set na kami ng vacation leaves and stuff.
12mn eksaktong pagpatak ng araw ng puso, ako kasama ng mga joiners sa Sagada trip ay nagkita-kits muna sa keps (KFC) as meetup place at nagbayaran for the trip that would include van transpo and accomods and stuff via #travelmaker
Note: ang ilan sa larawang ginamit sa post na ito ay di ko pagmamay-ari at hinarbat lang sa album ng mga friendships :D
Mahabs ang byahe papuntang Sagads. So since gabi naman ay borlogans time ang ginawa ko sa vengaVan at gumigisings na lungs pag stop-over stuff.
Around 10am ay nasa Carol Banaue na kami pero hindi umaayon ng slight ang panahon dahil maambons and foggy kaya naman nakapagpic lang kami sa arko ng Banaue but no actual pic ng Banaue Rice Terraces.
Eventually, after ng mga 12 hours na byahe, nakadating din kami sa paroroonans. Pero nagpunta muna kami sa aming accomodation para iwan ang mga anik-anik stuff, check-in and mag lunch na dins. Name ng aming tinuluyanpala ay called Misty Lodge.
Dahil umaamBon Talampas atsaka wala daw guide na avail ay cancelled ang original itenerary na mag Cacaving kaya flexi itenerary ang ginawa at nag chill-chill libot-libot muna kami sa main town.
Since balentayms sa araw na itwu, syemps, andyan ang mga couples na nagcecelebrate much ng araw na itwu. Heto ang apat na laberds shots.
Lakad mode much ang naganap at umabot kami sa part kung saan visible ng medyo malayuan ang ilan sa hanging coffins.
For dinner, kumain kami sa dinaanan naming resto/kainan named Yoghurt House.
O sya, hanggang dito na lungs muna. Take care folks!
Inggitera ng taon ako sa mga lakad mo Khants! Sana naging paa mo na lang ako ng nakasama ko sa mga gala mo haha :)
ReplyDeleteLooking forward to Day 2! Nga pala, may yogurt ba dun sa yogurt house? :)
I wanna go there! :)
ReplyDeleteganda ng interior ng misty lodge, ang kikay lang tignan.
ReplyDeleteang ganda rin sa attic, ang daming aklat!!!!
Anu ang kasaysayan ng kampana na yun?
walang price kung magkano yung lodge, mukhang masarap tumambay dun..