credits to owner ng pic
Hembak! Aside from movie review-reviewhan at random-randoman post, meron naman ibang topic ang nadidiscuss dito sa aking bloghouse. Eto ay ang mga anik-anik things na aking napupuna.
Dito sa aming opisina, simula ng lumipat kami from Eastwood to RBC, may isang place dito na naging popular na sa mga empleyado. Eto ay ang sleeping quarters. Dati naman meron din naman pero pupunta ka pa sa condo at doon matutulog. Now, nasa floor lang ng office ang room with beds na matutulugan.
Ako ay minsan na gumagamit ng sleeping quarters ng opis at today ay nais ko lang isalitype ang mga taong nakikita/ pangyayari na naoobserbahan o napapansin.
note: Male sleeping quarters lang ang info, hindi po co-ed ang girls at boys sa tulugan.
1. May mga Joy Reservers na employees na nag-iiwan ng kanilang baggage counters sa kama kahit di pa naman sila matutulog. Inaakala nila na parang hotel type na pede kang magdibs ng bed at iwan ang gamit at umalis ng ilang oras at bumalik for rest.
2. Andito ang Resident ng Sleeping Quarters na may mga bahay naman na malapit or malayo pero buong 5 work days ay sa sleeping quarters nakatira. Ginawa na nilang tirahan ang opisina at sa restday na lang sila umuuwi.
3. Merong Snorlax. Eto naman yung mga ayaw mong makasabay sa pagtulog dahil very disturbing ang kanilang hilik. Yung akala mo nakalunok ng barko o kaya tren at matindi kung mambulabog ng pahinga.
4. Madalas ay makakakita ka ng hoarders sa sleeping quarters. Sila yung kung gumamit ng unan ay wagas. Eto yung tatlo-tatlo ang unan. Isa sa ulo, isa sa paanan na ka-cuddle. Wala silang pake like the pabebe girls kung walang unan ang ibang matutulog.
5. May times na may makakasabay ka na kampon ng kadiliman. Sila yung takot sa liwanag. Eto yung mga kukunin ang kobrekama ng iba at ipantatakip para madilim ang bed space nia. Minsan for privacy ekek ata...
6. Saklap much kung ang makakasabayan mo ay ang mga Kaderders. Sila yung minsan ay anlakas ng ubo tapos watdafuck, makakarinig ka ng parang plema at parang dumura. Meron naman na may sipon at gagamitin ang bedsheet as panyo??? at worst ay ang feeling nasa bahay at sa sleeping quarters nag-Jaclyn Jose at pinunas sa bedsheet ang shamodmod dahil nangamoy clorox-ish ito.
7. Ayaw ko na nakakasabay sa sleeping quarters ang mga may mga gadgets. Sila yung nanonood ng series or naglalaro ng games sa loob ng room. Yung anlakas ng liwanag na galing sa phone nila at medyo nakakasilaw kasi darkish ang room.
8. May times na mahimbing ang tulog mo tapos maiistorbo naman ng Bingi. Sila yung kapwa mo bumoborlogs at nag-set ng punyemas na alarm pero hindi magising-gising. Eto yung mga times na 5 minutes na yung alarm at di man lang nagigising.
9. May ilang chances na may makakasama ka na medyo smelly. Eto yung may anlakas na smell ng paa o kaya naman ay tokpu atsaka minsan amoy alak (yung mga galing inuman at di na umuwi kasi may pasok at nagpapalipas amats).
10. Nagkaroon ako one time ng experience na mayroong Call Center Agent sa sleeping quarters. Eto yung mga tao na sinasagot ang calls nila sa loob mismo ng room kung saan ang karamihan ay tulog. At di lang basta pagsagot ang ginawa, nakipagtelebabad pa ang hinayups.
Ilan lang yan sa mga napansin ko at meron pang iba. Medyo nakakaasar-cesar makasama ang mga nabanggit dahil istorbo or hadlang sila sa pagtulog mo.
Hahhaah, napasulat ako ng di-oras dahil gusto ko sana magpowernap sa sleeping quarters for 1 hour kaso walang available na unan at meron liwanag na mapapansin mula sa kups na nanonood ng series sa loob.
Hanggang dito na lang muna. TC!
note: nadagdagan na yung listahan ko... meron na pala akong post dati... http://khantotantra.blogspot.com/2014/04/sleeping-quarters-shenanigans.html
note: nadagdagan na yung listahan ko... meron na pala akong post dati... http://khantotantra.blogspot.com/2014/04/sleeping-quarters-shenanigans.html
once lang ako natulog sa sleeping quarters sa trabaho ko.. during break time ata yun at di ko talaga kinaya ang antok... napasarap ata at nalate ako ng 20 minutes.. ayun.. nagalit yung trainer namin at pinalabas ako hahaha.. since then.. di nako nagattempt matulog ulit sa sleeping quarters namin LOL
ReplyDeleteThanks
Bluedreamer
(Bluedreamer27.com)
meron bang rules and 'regelesyshens' ang mga sleeping quarters? :)
ReplyDeletepero nakakatuwa ang mga anekdotang ito :)
ayyy.... wala ung ineexpect kong mga nanggagapang sa sleeping quarters... hehehehe... well well well, dami mong nakalap na observations sa sleeping quarters ha... tambay ka? hehe
ReplyDeletedepende talaga sa income bracket ng mga tao how they behave and use company facilities.
ReplyDeletesuki din ako ng sleeping quarters. kalahati ng shift tulog ako eh :)
grabe ung may nagjajaclyn jose.di na nahiya.
ReplyDeleteay shet kadiri yung mga may sakit na kung makadahak kala mo hospital ang sleeping quarters. ekis.
ReplyDelete