Wednesday, July 1, 2015

Julrandom Post


Hulyo...... at Hulyaaaaaa..... kambaaaaal ng tadhaaaaaanaaaaaa.

Hellows mga folks! Hulyo na! Yeah, you know, July. Nasa 2nd half na tayo ng taong 2015. Ilang tambling na lungs at -ber months naaaaaa. Makakarinig na tayo ng jinggambels at samaybahay ambati songs.

Pero bago yan.... Well, Random post to keep the bloghouse agiw-free....

1. Nabalitaan nio na ba na yung kid celebrity noon na si Jiro Manio ay kakalat-kalat daw sa Naia3? Oo, yan ang latest buzz sa fb.

2. Naging rainbow colored shenanigans din ba ang profile pic ng mga friendships nio sa FB? Yan ay dahil nagcecelebrate ng anniversary ang NIPS. Nips, Nips! 

3. Kung naniwala ka sa number 2, nakow, gullible ka or nakiki-uso ka lungs. Dahil yun sa Pride thingy coz approved na sa US ang same-sex marriage. 

4. Ang nae nae at twirk it like miley ang common song sa mga videos sa FB.

5. For 2 months (july-aug), normal employee ako. Isa ako sa nakikipag patintero sa jeep, nakikipag habulan para makasakay, nag-aamazing race makahanap ng ride, nakikipag trip to jerusalem para makaupo at feels like bananaboat sa pagsabit sa jeep.

6. This july, makaka-check-in ako sa Sofitel dahil sa isang company event. Kung hindi dahil sa mga ganto, di ako makakapasok at makaka-experience makapag hotel na yayamanins ganyans.

7. Antindi ng issue kay Binay... Like hontindi!

8. I'm slowly adjusting sa new team ko here sa opis. 

9. Ano ba mas maganda, waterproof digicam or goPro? 

10. PBB is back.... at ang nababasa ko sa forums... aba may shiniship na labtim ng parehong boys... #Bazo #Kenley 

11.Ano ang pinagkaibahan ng namimiss at naaalala?

12. Not sure kung sa sinehan papanoorin ang minions or abang na lungs sa downloads.

13. May new manga akong binasa last weekend kaso bitin. Ang title ay 'The Gamer'. maganda naman.

14. Odd, yung yahoomail ko, di ko ma-access at kahit mag change password, maysira ang site/process.

15. Malapit na ang 4th of July na holiday sa US pero di rin naman holiday sa opis.

16. Inaantay kong mapalitan yung phone ng mudrakels ko para manahin ko ang iphone nia... Hahaha, if ever makakaranas na me makahawak ng iphone at hindi cherry nyahaha.

17. Di ko gets minsan ang Pride/talangka mindset ng pinoy. Yung matalinong gurl na mataas ang score sa UP, pinagdududahan at binabash dahil may dugong chinese. Pero kapag celeb na sumali sa mga contest sa ibang bansa, oa ang support. 

18. Sana mawala na ang Mers thingy ng Korea.

19. Alam nio ba, may likers na naliligaw sa bloghouse na to? Nagugulat ako na may nag-lilike ng fan page ng Kwatro Khanto sa FB. nakakabiglaaaaa.

20. Yung DMCI and luneta thingy issue.... jusko, andaming keyboard warriors. Pero yung iba naman, di naman pumapasyal sa luneta. Lakas magngangangawa.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

2 comments:

  1. Haha as usual, dami lagi nabubuong labtims tuwing may bagong season PBB.
    Yang #BaZo na yans, may napanood akong video na pinapipili ni Kenzo si Bailey over him or Barbie. Like what???? Bromance na ituuu! wahaha!

    Yang mga keyboard warriors/bashers na yan, di na talaga sila mawawala.
    Palibhasa mga walang ginagawa sa buhay, kaya libangan nila ang umepal lol

    Happy July!

    ReplyDelete
  2. awww namiz ko mga random eme mo!!!! halos nacover mo naman ang lahat! dito pala ako dapat magpunta pag wala akong maisip na topic. irita ako sa mga binay! grabe ang tindi talaga ng isyu! hindi ako naniniwala sa Kenzo and Bailey loveteam sa PBB. Mga malisyoso lang ang viewers! Oist, kahit naman di nakakapunta ng luneta, affected ako sa DMCI na photobomber! Nakakachaka kaya!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???