Friday, July 24, 2015

Minions

Hello! Huli man daw ay nakahahabol din kaya naman eto ako at magrereview ng isang peliks na hindi na super fresh pero doncha worry, di pa panis. Medyo malamig lsang. Eto ay ang pelikulang Minions.


Wala na akong warning ekek, jusme, 2 weeks na to sa sinehans atsaka bago pa mailabas sa moviehouse ay meron na torrent versions so wag na mag-inarts.

Nasisimula ang lahat sa karagatan kung saan doon ipapakits na nagsimula ang taklong minion na nagiging follower ng isang orgnisim pero due to foodchain thingy, ang mga sinusundan nila ay natetegi one by one by a higher species.

Then ninarrate ang adventures ng mga minions sa paghahanap ng kanilang bossing. Ipapakits ang bossing dino nila, ang boss caveman, boss egyptian, boss dracula at soldier boss. Pero dahil medyo malas ay napapahamak ang bossing nila at natetegi.

And in one point, hinabol ang mga minions ng napahamak nilang boss at sila ay napwersang manirahan sa isang icy cave kung saan gumawa sila ng sariling civilization.

Subalit nawalan sila ng energy kung wala silang big boss na ifofollow kaya naman medyo nanghihina sila at walang gana.

So nag-volunteer ang isang minion named Kevin (hindi bacon ang apelyido). Naghanap siya ng makakasama para maghanap ng boss sa outside world. Nakasama niya ang navolunteer na si Stuart (hindi little ang apelyido) at si Bob (hindi marley ang apelyido).

Then in the outside world, napunta sila sa USA at doon nila napanood ang isang announcement about sa isang Evil convention  o ang pagsasama-sama ng mga evil folks/villains.

And so travel to the destination ang tatlo at doon nila makikilala ang isang main female villain ng time na iyon called Scarlet Overkill. Doon sa event ay naging under sila ni Scarlet at sila ay binigyan ng mission, ang kunin ang korona ng Queen ng Brit.

Ngunit dahil sa turn of events, instead na just nakawin ang crown, nakuha ng minions ang korona at pwesto ng Queen. At dahil dyan, nagalit si Scarlet at hinunt niya ang taklo.

At dito ko na icucut ang wentobells.

Score for the minion film????? 

Bibigyan ko din ito ng 8 similar to Ant-Man.

It's an okay film. Funny and cute pero kaya hindi ko mabigyan ng mataas na score ay dahil mas natawa ako sa actual trailer. Parang yun na kasi yung highlight eh. Sapat lungs yung tawa ko like hahaha pero hindi bwahhahayahahah. 

Bumawi lang ng slight yung cute scenes ni little Gru with the Minions sa dulo.

O cia hanggang dito na lang.

1 comment:

  1. hindi ako natuwa sa minions movie na to. baka umasa lang talaga ako ng malala. plus, namiss ko ang mga kids ni Gru.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???