Sunday, November 1, 2015

How to Get Away with Murder

Alam ko na kung bakit malungkot kapag UNDAS.
Kasi kapag binaliktad mo.... SADNU!

November 1 na at di ko naman hahayaang magka-agiw ang blog ko kahit na pasok sa jar ang agiw-agiw for halloween. So kailangan merong blog entry for the month of November. So heto at ishashare ko ang isang series na minarathon ko somehow last week. Ito ay ang 'How to Get Away with Murder'.

Nagsimula ang series sa mga group of teens na nasa kagubatan na medyo nag papanic at nagtatalo-talo. Ang usapin ay about sa isang patay. Ano ang gagawin nila dito and so-on.

Then Papakita na ang past... Heto ang isang kilalang professor sa isang law school thingy at nagtuturo ng syempre Law. Pero ni-rename niya ang course to the name 'How to Get Away with Murder'. 

Dito makikilala ang 5 students na nais maging associate or magpractice ng law together with the uber brilliant lawyer.

Then mapagtatagpi mo na yung 4 kids ang nasa first eksena tapos mapapaisip ka kung sino ang napatay nila.

As the episodes progress.... mas na-uuncover na sagot sa mystery kung sino ang napatay at kung anik-anik pa.

Kasama din ang mga mahuhusay na criminal case na sinosolve at hinahanapan ng ebidensya kung sino ang may sala.

It's like Detective Conan na may mystery and crime solving at may halong mga kembular thingies na nakakadagdag sexena.

Isa sa mystery ng series 1 ay ang pagkamatay ng isang character, si Sam, Asawa ni Annalise na na-link sa kaso ng pagkamatay ng isang girlay named Lila (which is another mystery). Now it's hulaan kung sino ang pumatay kay Sam.













Nagustuhan ko ang seryeng ito kasi mapapaisip ka sa mga case na hinahandle nila at ang misteryo kung da who ang pumatay.

Currently may season 2 na pero hantayin ko muna matapos ang season para masayang imarathon.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???