Well hello folks! Medyo overdue na tong post na ito subalit ngayon lang ako nagkaroon ng time at gana na magsalitype tungkol sa isang adventure or ganap.
Somewhere around august, nakahanap ng seatsale thingy ang aking sisteret at nagbook ng flight papuntang Palawan. Una akala ko same Puerto P nanaman pero buti na lang at naiba naman ang destinasyones, this time, it's CORON.
Buti na lang din at ang booking ng Coron adventure namin ay hindi tumama sa time ng Korea ko kaya keriboomboom lang. Ang pinag-isipans ko na lang ay ang diskarte ng pag-file ng vacation leave sa opis.
1 month before the actual dates ay nagfile na ako ng Vacation leave kahit alam ko na kakarampot na lang remaining leaves ko. Medyo alphakapalmuks na, bahala na si batman. Approved naman so okay naman.
Ginawan ko din ng paraan na makipagpalitan ng schedule ng restday para makatipid ako ng leaves kahit na medyo mahagardo versoza ako ng pagpasok ng 6 days per week.
So dumating na ang tamang panahons. Sept. 26, sabadabado, tandang tanda ko pa dahil eto yung episode ng aldub na dumalaw si Alden sa mansyon nila Lola Nidora tapos sa show ng kapitbahay ay concert sa Araneta with the 3 loveteams.
Alas dos ang flight namin pero na delay daw sabi ng announcement chuchu voice. Keri lang kasi napatapos ko yung episode. Tapos dumating na ang boarding time. Nakasakay na kami sa eroplano. Nakasuot na ang sinturong pangkaligtasan ng biglang may announcements. Cancelled ang flight dahil may bad weather sa Coron. Di na daw makikits ng Pilot ballpen ang project runway ng airport.
PuchangGalatang anakNgTupa namans... Andoon na e... Lilipad na lungs ang airplane in the night sky like shooting star... I could really use a wish right now, wish right now, wish right now ♫♪.
Naheartbroken ako ng slight.
So re-sched ang ganap, adjust-adjust, kinabukasan na lang kami lumipads.
1 hour na flight from Naia terminal 4 na buti na lang walang Laglag Balang eksena to Busuanga. Then around 30 minutes na vengaVan ride to our hotel.
Dahil umaga ang flight namins, maaga din kami nakadating sa accomodation namin at di pa oras para magcheck-in. So palit damit lang muna ang ginawa namin at pinaiwan namin ang baggage counters namin sa lobby. Then picture picture muna sa tutuluyan namins named BlueWave Resort na owned ng isang Korean.
Then inintay namin ang susundo sa amin for our tour. Yes, tour na agad-agad, kara-karaka para di masayang ang time. Island hops na agads c/o Gamat tours.
Una namin pinuntahan sa katanghaliang tapat ay ang Malcapuya Island.
Malinaw ang katubigan, pino ang buhanginan, hindi matao at presko ang pakiramdam at chillaxing ang eksena here sa Malcapuya Island.
Dito na inihanda ang tanghalians namin kasi tomjones na din kami dahil maaga nga kaming pumunta ng airport at bumiyahe. Dito medyo napasabak me sa rice hahaha. May mga doggie dogs din sa isla which is kinda cute.
Then extra time to check the island at magbabad sa ilalim ng araw, maghawak-hawak ng kamay, isigaw ng sabay-sabay...Malcapuya Island♫♪.
Then lipat island na kami. Next stop sa aming island hops ay ang isla ni Bananaman.... Ang Banana Island. Almost same lang siya ng view and look ng sa Malcapuya pero hindi gaanong pino ang buhangin dits.
Dito nag-snorkel ang sister ko at ang kanyang jowabels habang ako naman ay nagpahinga lang dahil medyo majinit jackson dahil alas dos na ng tanghali.
After mag Banana Island, pagoda na ang mga folks dahil you know.... senior na yung dalawa kaya naman back to main bayan ng coron na kami.
Checkin time na kami sa aming rooms para makapagpahinga-pahinga. At dahil na din sa kapaguran ay di na kami lumabas ng aming accomods at doon na kami sa resto ng hotel kumains.
Hanggang dito na langs muna. AT ayan na... dumadagsa nanaman ang calls ko here sa opis while typing this post.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???