Tuesday, November 17, 2015

Kwentong Korea: Before the Byahe

I'm back mga brokeback lols! Hello, hello at isa pang hello sa inyong napapadaan sa aking bloghouse. Bago matapos ang taon na ito at dumaan ang december ay kailangang maisulat na ang dapat masulats. Kaya naman heto na.

Last year, yah.... last year pa, taong 2014, August 24 to be exact, ay nagkaroon ng seat sale ang Air Asia. Ang mga opisberks ay napagdesisyunan na ito na ang tamang panahon para naman bumiyahe ng labas ng pinas. Kaya naman nagpa-book kami ng tix papunta sa bansa ng Endless Love..... South Korea.


Fastforward... around August ng 2015, nagsimula na kami na maghagilap ng mga kakailanganin namin para sa isang requirements para makatungtong ng South Korea, ito ay ang Korean Visa.

Opo! Opo! Tama po ang nabasa ninyo, di ka pedeng basta-basta na lang lilipad papuntang South Korea ng wala kang approval or Visa. 

Kung curious ka kung eme-eme ang mga requirements? Heto, i-bubullet-seeds ko ang needed.


-Application form, wag kang ano! Kailangan kang sumulat sa form nila and make fill in the blanks.
-1 piece passport size colored pic, wag yung basta mo lang crinop sa FB pics mo.
-Original passport, dapat valid pa for more than 6 months. Bawal ang pa-expire na.
-Photocopy of passport Bio (page 2), kahit richie-rich ka, wag mo ipa-photocopy lahat ng page
-Original Certficate of Employment, Yung may lagda ni Aling Puring ganyans
-Original Personal Bank Certificate, kailangang A for Afford mo daw ang pagbyahe palabas ng bansa.
-Bank Statement, record ng paglabas-masok ng kaban ng cash sa account mo.
-Photocopy of ITR, ayan... sinisilip din ang swelds mo na pinagpapaguran mo.

Kapag meron ka na ng requirements, pede ka na pumunta sa suking tindahan este sa Korean Embassy somewhere in BGC. Kelangan umaga kayo pupunta dahil ang submission ng mga anik-anik na needed items ay from 9am to 11am lamungs.

Sandali lang ang ganap dun, pilabalde ng slight, abot requirements, ichuchunky-check ni koya sa tabi ng pinto at bibigyan ka ng number. Tapos antay mo mag-flash ang numero mo sa 3 windows na available. I-abot ang requirements, kumanta ng chandelier part na "1-2-3-1-2-3-drink, 1-2-3-1-2-3 drink" then bibigyan ka na ng papel with the date kung kelan mo malalaman ang resulta ng raffle.

After ng mga 7-10 days ganyan, pwede mo na makuha ang results. Pero imbes na morning, sa afternoon lang pede i-claim ang results sa Korean Embassy. 

Here mo malalaman kung 'In or Out' ka. Dito ay may chance ka na masabihan ng ' You're no longer in the running to be Korea's Next Top Model'. Kaya kailangan mong magdasal na aprubahan ka. 

Kapag nakuha mo na ang result, eto ang look ng visa or sticker na kinabit sa isang pahina ng iyong pasaporte.


5 out of 6 ang resulta ng Visa application namin. Sa kalungkutang palad, may isa na hindi inaprubahan ng Korean Embassy. Na-sad kami pero kailangang magpatuloy padin ang ikot ng mundo. 

So gumawa ang mga kasama ko ng itenerary at naghanaps ng matutuluyan sa Seoul at nagprepare na din ng mga bagay bagay tulad ng kaban ng cash na Korean Won at nag-impake ng damit for Autumn.
 
 

Ready to go na...
Itutuloys......

1 comment:

  1. cute ng blog mo. baklang bakla atey.. teka. ano daw kulang ng isang kasamahan nyo? bat xa na deny?? :'(

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???