Hey-yah! Hey-yah! Kamusta na? Been a week so kailangan ma-update muli ang bloghouse at maipagpatuloy na ang naudlot na wento ng pamamasyal sa lugar nila ajhusshi at ajhumma ganyans.
Day 2.
Gumising ng maaga at nag-get-up na to make breakfast. Dahil walang makakainan within vicinity, napagpasyahan na lamang naming kumain ng foodang sa malapit na convenience store na itatago natin sa name na 7-11.
Matapos malagyan laman ang tyan, gorabels na kami at naghanda na for the pasyal sa Seoul.
Ang itenerary namin sa araw na ito ay pasyalan ang mga palasyo nila Jang Geum, Queen Seondok, Hwang Jini at Jumong ganyans.
So sumigaw muna kami ng Map! At ginising ang mapa mula sa dora backpack. Then tinignan namin kung saan kami dadaan para makadating sa paroroonan. Dahil medyo shungers sa pag-commute via vengabus at seems like malapit lang naman ang place, so nag-alay lakad kami.
Walkathon thingy hanggang marating namin ang aming desti. Ito ay ang Gyeongbokgung Palace. (Nope, wala doon si Princess in the palace dahil pinay si aling maliit. Wag kang ano.)
Sakto lang kami dahil kabubukas pa lang ng palasyo. Syemps, kuha ng pics sa outside ng palace at we make bili na din ng entrance tix para makapasok. Syempre may bayad, hindi naman parang karinderya na bukas sa lakat ng gustong kumain. lols.
Pagpasok, syemps kailangan magpicture-picture para doon sa mga lovers na kasama ko. At syemps kailangan may pics din ako ganyans.
Sa loob, Medyo similar siya sa Forbidden Palace na pinuntahan ko sa Beijing a year ago. Ang difference ay gawa ang lugar for Korean Royalty and less ang crowd ng visitors and walang haze at vibrant ang pics. Inside ng isang room ay ang trono ng mahal na hari.
Tapos noon ay naglakad mode kami hanggang marating naman namin ang National Folk Museum of Korea. Sa loob ay bawal kumuha ng litrato ng anez-anez pero may wifi infer kaya nag-google naman kami kung saan na ang next desti. Sa labas, kumuha ng ilang larawan pa bago magready sa next location.
So we made lakad with our map. Pero dahil parang etits ang araw na tirik (though medyo malamig ang hangin dahil autumn at Baguio-ish ang peg) ay naghanap na kami ng makakainan. So sa paglalakad ay natapilok kami sa isang kainan at di na kami choosy at doon na nag-lunch. Order ng ♫♪ Gimbap badoobadap Bibimbap doobirap ♫♪.
Then lumips na kami sa next palace named Changdeokgung. Akala namin may changing of the Guards ceremony dits pero waley pala. Pero since andito nadin, gora na. Buysung ulit ng entrace fee at inavail namin ang Secret Garden tour sa loob ng palace.
Sakto kami sa oras ng start ng english tour kaya naman pila-balde muna bago pumasok. Then dumating na si koyang tour guide na nag-explanations.
Sa tour ay nag-alay lakad kami with other foreigners at nagwalk from one spot to another. Kada location or spot, may kaakibat na mga 10 minutes rest. Akala ko pang-ubos oras lang pero para pala ito sa mga pagoda na ang katawang lups sa kalalakads.
Heto ang ilan sa mga shots ng lugar at anik-anik na makikits sa loob ng Secret Garden. Bakit secret garden? Secret! Walang Clue! Joke, kasi noong panahon nila mahal na haringkingkingking, walang nakakapuntang hampaslupang kemerut sa area na iyon.
Pagkatapos ng nakakapagoda-wave lotion na lakad at tila-trekking na ganap, naglibot pa kami sa ibang area na hindi namin napuntahan sa Changdeokgung Palace.
Lalakad mode nanaman kami sa susunod na desti pero medyo magoda na ang mga happy feet namin kaya nagdecide kami to try the KRT (imbentong tawag sa LRT thingy sa korea). So ♫♪For the first time♪♫ ay we make try buying tix sa vending machine ng KRT at sumakay ng VengaTrain. Puhpuhrating na po sa Santolan Statieeeeeeen chost.
Nakarating naman kami sa isang place na parang Korean Cultural village stuff na ayon sa mapa ay malapit na sa Seoul Tower. So we made libot pa more and make lakad pa more.
Unfortunately, mali ang estimation namin dahil mukang malayo pa ang lalakbayin namin papuntang Seoul Tower at pagoda na talaga ang mga paa namin. Kaya cancelled ang walk. Jusko, mga 4.5km uphill ang lalakarin daw namins.
Lakad more pabalik at lakad padin at lakad nanaman hanggang makabalik ng Myeong-dong kung saan may isa akong kasama na napabili ng new shoesy dahil nakakapagoda ang boots without the fur na gamit nia. Hahaha. Doon na din kami sa Myeong-dong nagdinner.
At naglakad ulit pabalik sa pinag-iistayan. lols.
At dito na natapos ang nakakapagodang alay-alakads sa Seoul. Hahahaha.
Wow ang ganda sa Seoul! Hoping na makapunta din ako jan someday. Ang sipag mo pong mag-blog huh :)
ReplyDelete