Hello Hello at isa nanamang Hello! Kamusta na kayo? Eto ako at kailangang tumipa nanaman sa keyboard para naman maipagpatuloy ang pagwewento ng ganap last october. So eto na, eto na, eto naaaaaaa, ang Kwentong pang South Korea.
October 7, wednesday, ako kasama mh office friends calle Maii-team (minus one casualty) ay nagkita-kits papuntang Naia terminal 3 para sa aming lipad papuntang Korea. Dala ang mga strollers (naks, di na backpacks langs) ay nag-check-in na kami at sa awa naman ng diyos ay di kami nabanatan ng Laglag-panty, Laglag-Brief Laglag-bala sindekets ganyans. And so nag-antay kami ng time ng lipad at nag-fly away, skyline pigeon fly na ang airplane for more than 3 hours.
Paglapag ng airplane sa Incheon airport, petiks-petiks muna ng paglalakad at di naman kami nagmamadali kaya ayun, may slight pektyur-pektyur while walking. Then napadpad kami sa MRT/LRT station. Akala namin naligaw kami. Part pala talaga siya.
Then we made sulat-sulat sa immigration form para makalabas na kami ng airport. Pagkalabas ay hinanaps naman namin ang sakayan ng venga-bus para makarating sa '♫hey sistah, go sistah, Seoul-sista, flow-sistah.' We made bayad-bayad na ng fare and make sakay na sa bus. Around 400 petot ang equivs ng ride pero shulit naman kasi para ka na ding nag Megamall to Clark Airport ang '♪♫From a Distance'.
Finollows lungs namin ang '♫step by step, ooh baby' instructions para makadating sa aming accoms. We make pa-baba sa bus drivah sa isang certain station and we made kaladkad and make pagulong our strollers to the aming tutuluyan for ilang days.
Tanghali/hapon na din ng kami ay makaratings sa paroroonan namin at tom-jones na kami at medyo nagrarak-en-roll na ang mga bulate sa tyan at nagwewelga na sila para pakainin. So naghanap kami sa vicinity ng accomodation ng machichichaan. Dito napatry kami ng nakaka-culture shock na moment dahil di talaga sanay sa english ang mga koreans. Mapapa-ha?? Ano-daw?? moment ka. So we make just turo-turo ang nais namin kainin at nataon na ang napili namin ay ang super spicy Ddyeokbokki.
After malagyan ng laman tyan ang sikmura ng mabigat na fishcake thingy ay naglakad-lakad kami within Seoul City.
Sa kakalakad, napadpad kami sa Myeongdong area at parang sakto naman sa common nakagawian ng mga pinoy travellers na unang bibisitahin sa place ay simbahan. Napunta kami sa Myeongdong Cathedral.
Medyo mabilis din ang takbo ng oras while strolling kaya medyo madilim na ng slight ng maglakad-lakad naman kami sa night market ng Myeongdong at nagdinner.
After nito, lakad back na kami sa aming tinutuluyan at pahinga na ang mga napagod sa lakathon.
End of Day 1.
Itutuloy.......
O siya, hanggang dito na lang muna, Take Care!
ang ganda ng place..grabe!
ReplyDelete