Monday, December 21, 2015

Star Wars: The Force Awakens

Tan-den-tedede-deeeeen-den-tede-de-deeeeen-den-tededededeeeeeen!

Hello mga ka-khanto! Break muna sa Korean trip story pero wag mag-alala, maibloblog din ito sa tamang panahon at sana bago matapos ang bagong taon.

Pero bago yan, kailangang magblog ng peliks na recently released at pinalabas here. Bakit kailangang i-blog? Aba, dahil ilang tulog na lang ay pask ona at alam nio naman sa pinas, kapag pasko, nawawala ang mga US film at napapalitan na ng pelikulang noypi. 

Kaya bago pa pumasok ang peliks ni Vice or ng Aldub, dapat mawento na ang dapat mawento. Dapat na maiblog ang ika-pitong peliks ng STAR WARS!


Star Wars: The Force Awakens 

BABALA! WARNING! 

Ang post na ito ay madalang spoilers kaya kung dehins ka pa nanonood at may balak ka manood, aba, close mo na ito at tumakbo ka na sa suking sinehan at manood na! Now na! Yeah! Abangan mo pagbubukas ng mall ganern!

note: Buti na lang wala yung eksenang piracy achuchuchu ni Derek Ramsay na nabangga yung boblaks na babaeng namalengke na hawak-hawak yung kamatis.



Long time ago......

















in bethlehem (chost langs). In a galaxy far far away... teletubbies, comes to play.....


Joke lang, syempre ang walang kamatayang long time ago achuchuchu na slight info kung ano na ang naganap sa wento. Konting patikim kumbaga pero kailangan mong basahin ito. Goodluck sa mga bagets na di pa sanay magbasa dahil malamang sa alamang ay hirap silang basahin to (i know the exxperience noong bagets pa ako).

Gusto mo malaman ang wento? Sige na nga. General na ng resistance force eklavu si Leah at hinahanap niya ang kanyang kapatid na nag apir-disappear-wanhap-wampork so she asked someone to make hanap-hanap the location of her brother is not a pig.


And so si pilot na hindi ballpen pero Poe ang name (pero hindi Grace or Fernando) ay naglakbay somewhere para makahanap ng clue (Sana sinama nia si blue para madaling makahanap ng clue with her pawprint).



Kaso sinugod bahay gang ang place kung saan nag-iimbestiga si pilot ng mga kalabs na storm troopers. Ayun, bang-bang into the room ang naganaps. Tapos bago mahuli si pilot ay iniwan niya sa kanyang droid named BB-8 (na pinsan ni BB cream) ang isang usb. (well kinda similar sa episode kung saan iniwan ni lea ang something kay R2D2.)


So naglakbay naman etong si BB-8 sa desyerte at nakadaupang palad ang isang girlay na isang scavenger hunter ng mga metalic parts thingy. Si girlay ay may namesung na Rey (nope hindi Langit ang apelyido).


Samantala, ang nahuling pilot ay ineenterogate ng mga kalabs. Dito ay makikilala ang kalabs na may jedi-ish prowess pero kampon ng kadiliman named Kylo Ren.

Kylo Ren... Legarda chost!

Pero-perong bukid, si pilot ay ililigtas ng isang Storm Trooper na na-culture shock sa pagkamatay ng isang kasama at natauhan na bad ang kanilang ginagawa. Sa tulong ni ex-storm trooper ay nakatakas si pilot with the ex. At dito nabigyan ng name si trooper na Finn (nope, hindi po ito yung member ng Glee).


Tapos binalikan ni Poe ang kanyang Droid na si BB subalit nagkaaksidente so si Finn na lang ang nagpatuloy. Nagkita si Finn at Rey at dito nabuo ang tambalang REYFINN na medyo bashtush.

And so they make takas pa more sa kamay ng kalabs na humahabol sa kanila until mapunta sila at makadaupang palad ang may bromance na Chewbacca at Han Solo na may labtim named "Chewlo".

And so may mga revelation achuchuchu, kung anik-anik eksena and stuff until malaman na si Rey ay may Force thingy and si Kylo Ren ay junakis naman ni Chewbacca (joke, ni Han Solo).

at tumakbo pa ang storya hanggang malaman na ang Death Star ay nagkaroon ng bigger version na tumapos sa stars ng Republic thingy.

At dahil dyan, kailangan mapigilan ito at doon na tumakbo ang kwento hanggang sa ayaw ko na ituloy dahil trip ko lang hahahahaha.

At dahil dyan, bibigyan ko ang movie na ito ng score na 8.8.

Bucket? Okay naman ang film. Medyo may ilang eksenang similar sa previous movies pero okay padin naman ang effects and compu graphics. 

Okay din naman yung fight scenes and stuff. Okay din na nakaka-nostalgic makita ang ilan sa mga characters and stuff from the previous movies.

Kaso, may point na mukang etits with yagbols minsan ang lightsaber ni Kylo Ren. Design-wise, di gaanong maganda tignan, mas okay pa yung kay Darth Maul e.

Bucket ganun ang chosen characters for Finn and Kylo Ren. Sorry pero nung hinubad nila yung kanilang mask... Parang gusto mong sumigaw na "Pakibalik na lang po pleaaaaase!" 

All in all, sapat naman ang peliks at pasok sa jar.

Mukang magkakaroon ng episode 8 ang film kasi may mga bagay na di pa napapaliwanag at mga detalyeng nabuksan sa bandang ending. 

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???