Thursday, December 24, 2015

Seoul-it na Bakasyon Day 3: Petite France, Nami Island and Seoul Tower

Hello there! Kamusta na kayo?! Huwaws, mamayang gabi ay magnonoche Buena na pala ang mga madlang folks. Well, ako? Waley. Hahahah. Mag-isa sa bahaus dahil umuwi ng Pangasinans ang magulangs kaya naman eenter nanaman ang kantang 'Alone'..... Alalalalalone.... Alalalalalalone....Alalalalalonelone-ilone-lone-long'.

Sa araw na ito, ipagpatuloys na natin ang kwentong Korea dahil ayoks ko namans na magkaroon ng masyadong backlogs at icarry-over ito for 2016. Kaya sabi nga ng mga manonood sa laban nila Eugene at ni Taguro..... Tapusin! Tapusin! Tapusin!

Day 3.

Gumisng nanaman kami ng maags dahil noong gabi ay nag-online reservation na kami for a tour. Syemps, may mga lugar na hindi pedeng walk-in thingy lang dahil medyo malayo at mas maigi yung medyo may confort ganyans. So we booked a tour.

So may sumundo sa aming tour guide at isinakay kami sa isang sasakyan. Doncha worry, di po kami kinidnaps. Yun talaga ang sasakyans namin going to somewhere.

Sumakay kami sa vengaVan na spacious for 5 pax. Sabi mga 2 hours ang byahe so borlogs muna dahil pagoda wave lotion pa sa nakakapagod na lakaran ng Day 2. Pero holiday pala ang araw na at madaming koreans ang nagbalak din gumala sa destination namin kaya poof, natrapik kami. Wag mag-alala, hindi forever ang traffic kasi hindi siya tulad ng edsa na walang galawan.


Dahil sa trapiks ay nagkaroon ng change plan ang tour. SO instead na mauuna ang pag-Island Hop, dumaans muna kami sa destination dapat sa hapon. Ito ay ang Petite France.


Ang Petite France ay mini france kung itratranslate mo ng direkta lols. Ito ay isang tourist attraction kung saan hango ang looks ng place sa isang village/place sa france ganyans. Ang place na ito ay napagshootingan na din ng ibang korean drama katulad ng sa Secret Garden, He who came from the stars at Beethoven Virus.








Dito ay may museum din and display ng The Little Prince at mga anik-anik na mga manika at mga porcelains andring my bell thingys.







After namin mag-stay sa Petite France, ride muli kami sa aming transpo at isang oras na byahe para makarating sa next desti. Nakarating kami sa next stop kaso medyo madami pa tao so naglakad muna kami. Dahil lagpas na ng tanghali, at tomjones na, kumain na muna kami ng gulayish na niluto with rice cake thingy. Tingnan na lang yung sa litrato lols.







After mabusog, since medyo tanghali/hapon na, 2:30, pumila na kami. Buti ay strategic din yung tour guide and driver namin. Dahil pumila na sila ng maaga so after kain, we make insta-singit na sa spot na ipinila nila. Medyo nabawasan ng mga 20 mins ang wait time papunta sa island.
Ang next stop namin ay ang Nami Island. Isa siyang island natural na nakilala dahil sa K-serye (nope, not kalyeserye) called Endless Love... ♫♪Teneneeeeen teneneneneneneeeen♫♫.... Winter Sonata. Nope... Hindi yung serye ni Jodi at Cholo.... Hindi rin yung kay Johnny at Jenny... iba yun! hahaha.






Pila-balde much pero madamihan din naman ang nakakasakay sa mga vengaships na kaya ang more than 100 na katao. So wag mong iisipin na delkads dahil jampakan ang people. Byabyahe ka pala ng mga 10-15 minutes at andun ka na sa island.




Dito matatagpuan yung mga scenic places sa mga serye kung saan may pathway at may mga puno stuff sa gilid na nakakamangha. At dahil autumn na... syemps, mapapansin na ang changes ng mga kulay ng dahons sa mga halaman at puno sa isla. Hello Autumn in my Heart.




At dahil famous ang place na Nami Island for korean serye eksena, di papatalo ang mga labbirds. Kaya nag-rent a bike sila at nag-bike thingy.



Dahil sa trafficness at ubos orasness, ayun, saglit lang kami sa Nami island. Awtsuuuuu. Sayang, hindi naman totally nalibot ang place na ito. Hindi namin napuntahan yung mga estatwa ng endless love.

Pero dahil may strategy nga yung tour namin, hindi na kami pumila balde ng pagkabadabadoooooo. Antay lang saglit at nakasakay na ulit kami ng boats.




Then mahaba-habang borlogsgan nanaman na byahe pabalik ng Seoul city. Dapat ay idrodrop na kami sa aming pinag-iistayan subalit naisipan namin na ibaba kami sa Seoul Tower na di namin napuntahans. So nagdagdaglang kami ng pang toll fee chever para makapasok yung van sa entryway papuntang tower.

To make pasok sa loob ng tower ay kailangan may entrance at kailangan naming mag-antay ng mga isang oras. Dahil apektado ang sikmura namin ay nag late dinner na kami sa isang fastfood around the Seoul Tower. Nagpicture na din kami doon sa spot kung saan may mga lovelocks shenanigans.









Dahil late na kami nakaakyats ng Seoul Tower, late na din kami nakababa dahil pila-balde padin. Then nalaman namin ang isang nakakagulats na kaganapan. Wala na palang vengabus na masasakyan pababa sa main Seoul City.

And so, lakad nanaman ang peg namin sa kalamigan ng gabi pababa. At sa medyo maling side kami umabot na di namin matiyak kung saan sa mapa kung lalakarin namin.


So napa-taxi na lang kami pero buti na lang at pwede ang 5 pax at nakarating naman kami ng matiwasay.

At dito na nag-eend ang Day 3 ng aming Korean trip. Abangan sa susunods na araw ang Day 4 and 5 (pagsasamahin ko na).

Hanggang dito na lang muna. Advance Merry Christmas sa inyong lahats.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???