Wednesday, December 30, 2015

Seoul-it na Bakasyon Day 5 & 6: Everland at Last Day

Nyelow nyelow! Aba, atrenta na ng disyembre! Grabehan na! Dalawang pikit na lungs at 2016 na. Hambilisbilis naman ng araw. At dahil dyan ay kailangan na tapusin ang kwento ko ng korean travel trip. So heto na at di na magpapatumpik-tumpik pa mga pikpik chost.

Day 5.

Linggo, Hindi na super aga ang gising namin dahil heaven knows namin na hindi naman maaga nagbubukas ang place na pupuntahan namin. Mga around 9am na ng kami ay umalis ng bahay upang pag MRT/LRT papunta kung saan merong VengaBus station papuntang themepark/amusement park ng Seoul.

Medyo makulimlims at nagbabadya ang rainfall pero kebs lang at kami ay lumarga na. 2 connecting stations ang pinuntahans tapos nag alay-lakad nanaman dahil slightly naligaw ng bababaan pero nakadating din sa patutunguhan. Nag-bayad sa bus at sumakay at after isang oras ay nakadating din sa place..... ang Everland.
Everland, isa sa pedeng pagpiliang themepark sa SoKor. Noong dumating kami ay hindi pa gaanong matao dahil mukang kabubukas pa lang at medyo makulimlim nga at parang kababagsak pa lang ng ulanis morisette.
Pagkapasok sa loob ay naghanap muna kami ng foodchain na makakainan dahil medyo nakakatomjones din ang byahe. So keps (KFC) mode muna at nananghalians.
Right after that, libot-libot na sa park. Lakad-lakad, picture-picture.


Then nagkaroon ng parade achuchuchu. Ang theme ng theme park ay relate sa halloween so pa-scary thingy ang kanilang motif at pakulo.







After nian, naglibot pa more kami sa place. At dahil nasa elevated spot ang park, may times na nakakapagod na walk ang gagawin mo dahil paahon or paakyat ang lakads. So may rides to go up or down the park. Dito ko na-experience ang cable car atsaka ang sky lift na kadalasang makikita mo lang sa mga serye ng Japan or Korea.






Sa bandang hapon, merong show ang Madagascar kaso dahil sa communication barrier kung saan matatagpuan ang free tix for entrance, nahuli kami kaya naman nagdecide na manoods sa 6pm show.

So while we are waiting, libot pa ang ginawa namin. Namasyal pa sa ibang location ng park at napadpad sa animalia place kung saan nakakita ng camel, tiger, penguins at ang sea lion show.




Napuntahan din yung spot kung saan may mga makukulay na bulaklak. Ansarap tignan sa mata yung kulay ng mga flowers here. Nagpapicture din sa mascot. Atsaka ang cuties din nung mga animal thingy characters.






Noong magdidilims na, nanood naman kami ng madagascar show. Ito ay isang theatrical show with comedy skits, musical shenanigans at mga acrobatic stuff. Okay naman kaso korean ang language nila kaya di mo magegetsungs masyarow.




Pagkalabas namin, gabi na and so kailangan na naming mag-busride at mahirap na walang masakyan at matulad noong wala na yung mga bus pababa ng Seaoul tower. So same thingy, Bus ride then mrt/lrt hanggang mapadpad nanaman kami doon sa night market kung saan nag dinner kami at naghanap ng souvenir thingies.

Since last night na namin, nagdecide kami na lumabas at maghanap ng mga bangketa kung saan pede kang mag-nomnom or mag-soju. You know, like do what koreans do stuff. 






Day 6.

Kanya-kanya morning na dapat etong umaga para naman may time gumalaness ang mga magjojowawits na kasama ko. Pero nakahanap ako ng place kung saan pedeng makapagpapicture na nakasuot ka ng Korean costume. Salamt sa google at mabilis na wi-fi ay natagpuan namin yung place bago pa magbukas ito.

Ang place kasi ay for foreigners to experience wearing the traditional costumes ng Korea. So pede lang ito sa mga dayuhans. Pero first come first serve at may registration ka at specific time lang kayo. Bibigyan lang kayo ng 10 minutes to take pics (which is mahaba na unless medyo photowhore ang peg at sandamukal na selfies and groufies ang ganaps).

For costume ng mahal na hari, may taklong kulay, Red, Yellow or Green. Pinili na ng mga kasama ko ay red na common costume ng hari kung nanonoods ng Kserye so ayoko naman ng gaya-gaya. Di ko pinili yung yellow kasi medyo katulad ng color ng costume ng Emperor noong nag Beijing ako so sinelect ko ang fave color ko.... Green. (parang Aquamarine-ish hahaha)




After nito ay pasalubong search mode na at kanya-kanya na muna kami ng place kung saan bibili ng anik-aniks na mabibili.

Pagdating ng tanghali, pack-up na at sa hapon ay diretso na kami ng bus muli papuntang airport at lipad mode na kami pabalik ng pinas.

At dito na nagtatapos ang kwentong Korea ko. Isa nanamang bansa ang natanggal sa aking bucketlist! woohooo.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

2 comments:

  1. If you happen to come across the Korean Biscuit seller that could speak tagalog please hit me up haha :) I forgot where he was located though but I think his stall was somewhere in downtown. There are videos of him on facebook haha

    ReplyDelete
  2. Sa dami na ng koreanovela na napanood (at pinapanood) ko e gusto ko ring pumunta ng (South) Korea para mag-soju thingy sa bangketa. (~_^)V Annyeong!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???