Kamustasa, kamusta, kamusta?! June na! Imagine, ilang kembot na lang at magpapasko nanaman. Baka bukas makalawa ay magtayo na ang mga folks ng mga christmas anik-anik at maririnig mo na sa radyo ang mga christmas songs. Nakakaloks!
Anyway highway, para mapunan padin ang aalog-alog na bloghouse na ito at masabi naman na namamaintain kahit paano, kailangang may post. At para sa araw na ito, isang animated film ang ating bibigyan ng review-reviewhan. Ito ay ang pelikula ng mga baboy at mga birds. Ang Angry Birds the movie.
Ginawan na ng pelikula ang isang kilalang laro matapos ang sikat na game called Angry Birds. So heto ang buod mula sa piniratang tabing na minsan ay english ang lengwahe na nagiging alien at minsan may naglalakad na anino sa screen....
Sa mundo ng mga birdies, may isang pulang ibon na nakakaloka ang kapal ng kilay. Siya si Red, isang palpak na birdy na may attitude problem.
Dahil sa kanyang temper issue, nahatulan siya na umattend ng Anger management group help para mapunan ang kanyang pagkabugnutin.
Dito niya makakasama ang yellow birdy named Yellow.... joke! For some reason, may namesung na Chuck ang yellow birdy. Makakasama din niya ang big Black Bird na sumasabog named Bomb at ang Fat Red bird named Terence. Ang lead ng anger group ay ang white birdy na nagdrodrop ng egg drop named Matilda.
Then one time, may titanic ship ang napadpad sa isla ng mga birdies. Eto ay naglalaman ng piggies. At sila ay gumawa ng friendship hulabaloo kemerut sa mga birds. At dahil birdbrains ang karamihan sa mga birdies, pumayag silang makipagkaibigan sa mga babuy.
Di alam ng mga birdies na ang pakay ng mga baboy ay ang kanilang mga itlog (nope, hindi yung may buhok na kulot). Dumami ng dumami ang mga piggies sa Bird island at gumawa sila ng mga tools para ma-raymond-baGetsing ang mga itlog-log-log.
Pinaalam ni Red sa mga birdies ang plano ng mga piggies subalit ayaw nilang maniwala sa isang ibong may anger issues. So one night, naisakatuparan nga ang plano ng mga piggies at nanakaw nila ang itlog sa bird island.
Nagsisisi ang mga birdies na naniwala sa mga green piggies at humingi ng tulong kay Red na dinededmadela nila at ayaw paniwalaan.
Ang tangang si Red naman ay umisip ng paraan para mabawi ang mga eggs at gumawa ng master plan to retrieve the eggies. So dito na yung eksena na parang sa laro lang kung saan gamit ang tirador, ay isa-isang ibinato ang mga ibon sa lugar ng mga pigs.
At ang ending, nabawi naman ang eggs. END.
Score: For me bibigyan ko lamang ito ng 7. Okay naman siya pero for me di ko super bet at parang arrrrhgggg... Nakakafrustrate ng light.
Like seriously, kung ako si Red na may makapal na kilay at di pinaniwalaan ng bird population, hahayaan ko silang magdusa! Heck, baka makisanib pwersa pa ako sa mga piggies para lutuin ang mga itlog ng mga birdies. Lintek lang walang ganti! lols.
Mag-antay na lang kayo ng matino at malinaw na torrent sometime soon... hahahaha >:p
O sya, hanggang dito na lang. Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???